Chapter 19: Wait for me. * SHORT UPDATE*

1K 28 0
                                    

Chapter 19:

Tofer's POV:

"Tofer.Okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Ate Tiffanie.

"Simula ng pumunta ka dito,  tulala ka na ha. Hindi ka nagkwekwento sa akin, may nangyari ba sainyo ni Fajuzia?" Dagdag niyang sabi napabuntong hininga na lang ako.

"Nasa Canada pa rin ba sila Mommy? Hindi ka ba uuwi doon?" Pagiiba ko ng usapan namin.

"Flight ko na bukas, sasama ka ba sa akin?"

"Balak ko nga sumunod sa Canada para bantayan din si Lolo pero...." Tumabi sa akin si Ate Tiffanie.

"Ano ba kasi problema?"

"Napagod lang ako."

"Napagod? Napagod sa relasyon niyo kaya ka ba ganyan?" Tumango na lang ako, ginulo ni Ate buhok ko.

"Sige na hindi na ako magtatanong mukhang ayaw mo naman pagusapan ih." Sinundan ko si Ate papunta sa kwarto niya, siguro mag-aayos na siya ng gamit niya.

"Alam ko Tofer may gusto kang sabihin, makikinig lang ako." Umupo ako sa kama niya.

"Hindi anak ni Fajuzia si eyzia, totoo nga ang hinala namin noon." Nagulat si Ate Tiffanie pero nabawi niya din naman.

"Paano mo nalaman?" 

"Sinabi sa akin ni eunice yung girlfriend ni eycee. Kung kailan nagdesisyon kami ni Fajuzia na magpahinga muna sa relasyon namin bigla ko naman malalaman to."

"Ibig sabihin hindi pa alam ni Fajuzia?"

"Hindi pa."

"Oh anong balak mo?"

"Ayun nga ang hindi ko alam Ate. Nagbabalak na nga ako sumunod sa Canada pero yung nalaman ko yun, inisip ko kaagad si Fajuzia. Kung paano niya kakayanin ang lahat ng yun pagnalaman niya."

"edi puntahan mo siya kung nasaan siya ngayon, ikaw na mismo magsabi sakanya ng totoo."

" Ayoko sa akin magaling yun, gusto ko si eunice o si eycee ang magpaliwanag ng kay Fajuzia."

"Ayun naman pala ih, nag-aalala ka sakanya kapag nalaman niya yun pero ayaw mo siya puntahan. Kung ako sayo Tofer, sumama ka muna sa akin sa Canada. Alam ko matapang si Fajuzia, at kung talagang di niya kakayanin ang lahat tatawag naman siya sayo di ba? Asawa ka niya Tofer. At alam ko isang tawag niya lang pupunta ka kaagad sakanya. Pero ngayon Tofer, kahit di mo sabihin sa akin. Alam kong nasasaktan ka sa nangyayari ngayon." Napabuntong hininga ako sa sinabi Ate Tiffanie.

"Siguro nga."

"So Canada na?" Pangiting sabi ni Ate Tiffanie pero tumayo ako.

"Papaalam muna ako kay Fajuzia." 

"Sige kung yan ang gusto mo, sabihin mo lang sa akin kung susunod ka sa Canada ha." Tumango na lang ako. Atsaka lumabas sa kwarto ni Ate Tiffanie. Dinial ko kaagad ang number ni Fajuzia.Nakakadalawang ring palang ay biglang sinagot niya na.

"T-tofer." Nanghina agad ako nung narinig ko ang boses niya, bakit ganito namimiss ko na agad siya? Gusto ko na siyang yakapin.

"Tofer, ayos ka lang ba? Nasaan ka ngayon?" Pag-aalala niyang tanong sa akin.

"Tofer kausapin mo naman ako." Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sgautin.

" Fajuzia, gusto ko lang magpaalam sayo na pupunta ako sa Canada." Parehas lang kaming tahimik.

"Babalik ka naman di ba?" 

"Hindi ko pa alam." 

"Kailan ka aalis?"

"Baka sa isang araw o bukas."

"Hindi ba tayo magkikita man lang bago umalis?" Narinig ko sa kabilang linya na umiiyak siya kaya di ko na rin napigilan ang sarili ko na mapaiyak.

"Tofer, bakit ba tayo naging ganito? Tofer miss na miss na kita.Hindi ba natin to pwede pag-usapan?" Nanghina ako sa mga sinabi niya. Miss na miss ko na din siya pero kailangan muna namin talaga magpahinga. Halos sunod-sunod na kaming nasaktan.

"Pagod ka na ba talaga sa mga nangyari Tofer? Ano bang gusto mong gawin ko para di tayo umabot sa ganito. Binabawi ko na yung sinabi kong maghiwalay na tayo. Please Tofer, I want you back." Narinig ko na siyang humagulgol, gusto ko siyang yakapin ngayon pero di ko magawa. 

"Tofer I miss you so much." Huminga ako ng malalim at pinipigilan ko lumabas ang luha ko.

" I love you so much Fajuzia.Wait for me."

************************************

VOTE.COMMENT.FAN

(c) AKOSICRAZYGIRL ♥ :''> :*

FATO FINALE [COMPLETE]Where stories live. Discover now