Chapter 10.4

108 5 1
                                    

Joshua Daniel's POV

nandito kami ni luisa sa hospital...

nabalitaan namin ung nangyari kina sam at warren...

nasa kwarto kami ni sam... hanggang ngaun wala pa siyang malay...

"tita... ano pong nangyari kina sam?" --luisa

"ung dating nagtangkang kumidnap kay reign.... nagtagumpay na sila sa pagkuha sa kanya.. kaso ginawa nila.. kinuha nila si warren.. para mapasunod si reign... tapos si reign.. pinakiusapan niya ung taxi driver na sinakyan niya papunta dun sa lumang gusali na ipaalam sa min kung anong nangyayari..." --tita sandra

tinignan ko si sam... 

may benda siya sa ulo.... 

"pagkadating nina jed sa lugar... nakita nila sina warren na wala na silang malay... tapos ung posisyon daw nila.. kitang kita ung pagprotekta ni warren kay reign,,, ayon sa mga pulis.. hinarang ni warren ung bala para kay reign..."--tita sandra

[jed sanchez--daddy ni sam]

"kamusta po sina warren?"--luisa

"sabi ng doktor... di naman malala ung tama kay warren.. walang tumama sa mga vital organs niya.... kay reign naman.. ok na daw siya.. nawalan lang daw siya ng malay dahil sa pagkakauntog niya sa sahig....  pero wala naman daw komplikasyon...." --tita sandra

"bakit daw po nila gustong kidnappin si sam?" 

"pera.... un ang sabi nung mga kidnappers.." --tita sandra

"wala po bang nakabantay na bodyguard kay sam nung araw na un?" --luisa

"meron.. pero mukhang tinakasan ni reign... siguro dahil ayaw niyang mapahamak si warren... alam ko kung gaano kamahal ni reign si warren...." --tita sandra

mahal nga talaga ni sam si warren.... 

kailangan ko pang makausap si warren..

"tita... sige po... mauna na po ako.. pupuntahan ko pa po si warren..." 

"sige iho.. salamat sa pagdalaw kay reign.. sabihin ko na lang na pinuntahan mo siya..."--tita sandra

lumabas na ko ng room ni sam..

pumunta na sa room ni warren,,, magkatabi lang naman ung room nila...

naabutan ko si tita karen na pinupunasan ung mukha ni warren... 

"tita..."

napatigil si tita karen sa pagpunas kay warren, at humarap sa kin..

"josh.. andito ka pala.... halika..." --tita karen

lumapit na ko kay warren....

"kamusta na po si warren?" 

nakatagilid sa pagkakahiga si warren.... 

"sabi ng doktor.. stable na daw ung lagay niya....  kailangan daw lang niya ng pahingaa.. at wag masyadong galawin ung balikat niya..."  --tita karen

may pasa din siya sa gilid ng labi... siguro sinuntok din siya nung mga kidnappers

"sa tingin niyo po... mahal na po ni warren si sam?" 

"sa tingin ko? hmm.. oo... nakita ko kay warren na gusto niya si sam... nung nasa bahay sila.... pero sa ginawa ngaun ni warren,.. alam ko.. mahal na niya si sam..."--tita karen

"tita... may sasabihin po ako.." 

"ano iyon josh?"  --tita karen

"may nalaman po ako.. tungkol kay vanessa..."

kitang kita ko ung galit at pagkagulat sa mukha ni tita karen...

"ano iyon josh?" --tita karen

"nakausap ko po last month ung best friend ni vanessa.... si joanna po.. sabi po niya... babalik na si vanessa.. dito sa pilipinas...." 

Unbreak my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon