Chapter 20.1

53 2 0
                                    

Joshua Daniel's POV

"Hon, wala ba talagang balita kay sam?" 

"wala eh, kahit kila tita sandra, wala, pinapahanap ngayon si sam sa imbestigador.." --luisa

"ano kayang nangyari kay sam?" 

"hinde ko din alam hon" --luisa

halos isang buwan na matapos ang proposal ni warren kay sam.. 

Nagsorry lang si sam kay warren tapos umalis na doon, pinilit pang habulin ni warren si sam, pero agad nakaalis si sam.. 

pagkatapos noon, hinde na nagpakita si sam kahit kanino, kahit kila tita sandra walang alam kung bakit nagkaganoon si sam..

Si warren naman, mas malala pa siya ngayon kaysa noong iniwan siya ni vanessa sa altar... 

kung dati, tahimik siya at walang kinakausap na parang may sariling mundo... ngayon playboy na.. na walang pakialam sa mundo.. Halos gabi-gabi nasa bar siya at umiinom at nakikipagflirt sa mga babae.. tapos pag ayaw na niya sa babae, iiwan na lang niya na parang damit na pinaglumaan.. 

sa loob ng isang buwan, marami ng napaiyak si warren na babae... 

sinusubukan namin siyang kausapin pero hinde namin siya mapigil... 

pag binanggit namin si sam sa kanya, parang wala siyang kilalang sam.. na parang hinde nag-exist si sam sa buhay niya.. 

hinde na namin alam ang gagawin kay warren... 

si sam lang ang magpapabago kay warren... 

"Hon, ok lang na lagi mong samahan si warren.. kailangan ka niya ngayon... pero wag na wag kang mambababae ha.. ayoko nun.." --luisa

"oo naman hon, loyal ako sa yo..."

"dapat lang hon.. kung hinde, ainako,, iuuntog ko ung ulo mo sa pader!" --luisa

"hon naman eh..  pero maiba tayo, sa tingin mo, anong dahilan ni sam ? kung bakit niya un ginawa kay warren?" 

"si sam lang ang makakasagot niyan hon, kahit ako nahihirapang mag-isip ng dahilan kung bakit sinaktan ni sam si warren, pero paano kung may dahilan siya? di ba, lahat ng bagay ay may dahilan?" --luisa

"hon, ang hirap ng sitwasyon ni warren, nag-aalala ako para sa kanya.. nakita ko kung paano niya sinira ang buhay niya noon, nung iwan siya ni vanessa nung araw ng kasal nila, ano sa tingin mo ngayon? lalo na mas minahal ni warren si sam kaysa kay vanessa.. hinde ko alam kung anong kayang  gawin ni warren sa buhay niya lalo na't nasaktan siya ng sobra..." 

Vanessa Mae's POV

"Chad, stop this na.. Hinde makakabuti to sayo.. Ayusin mo ang buhay mo,.." 

andito ako ngayon sa bar kung saan laging umiinom si warren... 

halos nakakasampung beer na siya.. at ayaw pa rin paawat...

"Chad, Sa tingin mo ba, babalik si sam kung ganyan ang ginagawa mo?? You're ruining your life!" 

"You're wrong.. I'm enjoying my life to the fullest.."--warren

bago pa ko makasagot kay warren, may lumapit na isang babae kay warren at agad hinalikan sa labi si warren... 

ni hinde man pinigilan ni warren ung babae, lalo pa niyang inilapit ang sarili doon sa babae.,.. 

kulang na lang nasa isang kama sila..

"Leslie?" --warren

"Hinde ako si leslie, I'm Cassy.."

 "Sorry about that Cassy.. Let's go?" --warren

bago pa makatayo si warren, hinawakan ko ung kamay niya..

tumingin sa kin si warren at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.. 

"Don't disturb us Vanessa.." --malamig na sabi ni warren.. 

agad umalis sila warren sa harap ko.. 

hinde ko alam pero gusto kong tulungan si warren na maiayos niya ang buhay niya... 

siguro dala ito ng guilt ko.. 

Kung hinde ko siya iniwan noon, hinde mangyayari to.. 

At kung hinde ko siya iniwan, hinde dodoble ang sakit na nararamdaman ni warren ngayon.. 

Dahil sa pag-iwan ko sa kanya, Kaya mas nasaktan si warren ngayon.. 

nung magkasama kami ni sam sa mall, sinasabi pa ni sam kung gaano niya kamahal si warren, ilang araw lang un bago ang proposal ni warren.. 

ano ang nagpabago ng isip ni sam? 

hinde ko malaman kung bakit kailangan niyang saktan si warren ng ganito,.. 

alam kong nasaktan ko si warren noon, pero  pinagsisisihan ko iyon.. 

kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, matagal ko ng ginawa... 

kaya ngayon, gagawin ko ang lahat para maiahon ni warren ang sarili niya sa sakit na nararamdaman niya...

para maiayos na niya ulit ang buhay niya... 

Unbreak my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon