Chapter 20.4

53 2 0
                                    

Luisa Nicole's POV

"Si sam?" --joshua

"Nakatulog na ngayon... masyado siyang napagod..." 

"Anong sabi ni sam? Luisa?" --tita karen

"tita.. mabuti pa, pumasok na muna kayo, dun natin pag-usapan.." 

 agad na kaming pumasok nila tita karen sa loob.. .

nakaupo na si tita sandra dun sa isa sa mga couch doon... tumabi ako doon... 

si tita karen at joshua naman nasa harapan namin.. 

 "Tita.. ano pong sabi ni sam sa inyo?" --joshua

 sinabi na ni tita sandra sa kanila ang sinabi ni sam.. 

pati sila gulat na gulat at naintindihan kung bakit ginawa iyon ni sam.. 

"Hinde ko alam na ganito pala ang sitwasyon si sam.  I think kailangan magkita sila ni warren" --tita karen

"iyon din nga ang naiisip ko, karen, pero baka galit niyan si warren at baka kung anong masabi niya kay reign. Hinde pa maayos ang lagay niya sa ngayon, kailangan pa niyang bumalik doon next month para operahan siya." --tita sandra

"siguro kausapin ko muna si warren at pilitin siyang kausapin ng maayos si sam. bigyan niya ng chance para makapagpaliwanag siya." --tita karen

"oo gan--" --tita sandra

naputol ang sasabihin ni tita, nang makita niya si sam na papunta dito.. 

"Ma, tita, hayaan niyo na lang po akong makipag-usap kay warren.. gusto kong ako ang magsabi sa kanya." --sam

"Sam. Sigurado ka ba diyan? Nag-iba si warren magsimula nung umalis ka. Baka masaktan ka.." --joshua

"Sigurado akong hinde ako sasaktan ni warren. Tatanggapin ko kung anong sasabihin niya sa kin.. Kaya ko to." --sam

lumapit si tita karen kay sam at niyakap siya... 

"Sam.. kung gusto mo, sasamahan kita, kaysa sa ikaw lang mag-isang humarap kay warren" --tita karen

"Hinde na po tita.. kakayanin ko po.. Nasaan po ba niyan si warren?" 

humiwalay na sa pagkakayakap si tita karen kay sam.. 

"Nasa bahay siya ngayon.. Gusto mo na ba siyang kausapin?" --tita karen

"Opo, ayoko pong magsayang ng oras.. " 

Sumama na si sam kay tita karen papunta sa kanila.. 

Naiwan kami ditio ni Josh.. 

"Hon, sundan natin sila.. natatakot ako sa pwedeng sabihin o gawin ni warren kay sam..." 

"sige, tara na.." 

agad na kaming lumabas ng bahay nila sam at sumakay sa kotse.. 

Sana kausapin ni warren si sam... 

.........

Naabutan namin na nakayakap si tita karen kay sam habang umiiyak siya.. 

Hinde kinausap ni warren si sam... 

Lumapit agad ako sa kanila.. 

"Anong nangyari, tita?" 

"hinde pinansin ni warren si sam, umalis siya ng bahay kasama yung isang babae.. hinde ko kilala eh. pupunta yata sa club.." --tita karen

"Sam... Tama na.. Makakasama sa yo yang pag-iyak mo..."

O___o

"Sam??" 

nakapikit kc si sam at nakahawak sa may bandang dibdib niya

para siyang nahihirapang huminga

"Hon! Bilis! buhatin mo na si sam.. Dalhin natin siya sa hospital!" 

agad lumapit si josh kay sam pero pinigilan ni sam... 

"U-ung g-gamot k-ko.. n-nasa b-bag.." --sam

agad ko ng kinuha yung bag niya at hinanap ang gamot ni sam.. Iniabot ko sa kanya ng makuha ko iyon.. 

Kumuha ng tatlong Capsule si sam sa bote.. at ininom niya... 

"Ok na ako.. Ganyan lang talaga.. Sanay na ko.. Sundan natin sila warren" 

"Sam.. mas mabuting wag muna... Kakausapin muna namin si warren.. don't worry hinde namin sasabihin sa kanya ang dahilan mo kung gusto mong ikaw ang magsabi..." --joshua

"oo nga sam... para pakinggan ka niya.. .Hayaan mo muna kaming kausapin siya.." 

"HInde na.. Basta gusto ko na siyang makausap.. Habang malakas pa ako." --sam

Daniel Joshua's POV

Andito kami sa labas ng  bar kung saan laging andoon si warren... 

"Sam, Ako na tatawag kay warren sa loob...  Maraming tao doon.. tsaka hinde din kayo magkakainitindihan doon dahil maingay doon" 

tumango na lang si sam... 

agad na kong pumasok at hinanap siya... 

Nakita ko siyang nakikipaghalikan kay Cassy...

Si Cassy na yata ang pinakamatagal niyang kasamang babae... 

Hinde ko alam kung bakit pero parang kinakabahan siya.. .

Lumapit ako sa kanila at hinila si warren... 

muntik pang mahulog sa upuan si Cassy dahil sa pagkakahawak niya kay warren nung hinila ko si warren... 

"Bitawan mo ko josh.. Hayaan niyo na ko." --warren

"Kailangan natin mag-usap.." 

tinanggal ni warren ang pagkakahawak ko sa kanya.. 

"Warren.. Ngayon lang.. Pagbigyan mo na ko. Mag-usap tayo." 

"fine..." --warren

pumunta kami sa CR.. 

"Anong pag-uusapan natin?" --warren

halatang hinde interesado si warren

"Si sam..pakinggan mo ang paliwanag niya." 

tumalikod na si warren sa akin... 

"Kung yan lang, wag mo na lang akong kausapin pa. Anong sa tingin niyo? dahil bumalik siya, babalik na ulit sa dati? It's too late already. I'm tired of waiting" 

Unbreak my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon