Chapter 20.3

54 2 0
                                    

Luisa Nicole's POV

andito ako kila sam ngayon... 

ngayon na ang araw ng pagbabalik ni sam... 

"Luisa... anong balita kay warren?" --tita sandra

"ganun pa rin po siya... ang laki po ng pinagbago niya... hinde naman po namin mapigilan..." 

"nasaktan talaga siya... gusto ko sana siyang makausap kaso nahihiya ako sa kanya.. dahil sa nangyari.." --tita sandra

"sa tingin po namin, si sam lang po ang makakapagbalik sa dating warren..." 

"Ma'am.. andyan na po si ma'am sam": --yaya

agad na kaming lumabas para makita si sam... 

O___o

"Anong nangyari sa yo reign? bat nagkaganyan ka?" --tita sandra

pumayat si sam ...

"Long story ma..I'm sorry... sorry kung pinag-alala ko kayo... Sorry kung hinde ko kayo tinawagan... sorry.." --sam

umiiyak na niyakap ni sam si tita sandra

"ang mahalaga, andito ka na.. halika na sa loob.. reign..." --tita sandra

napatingin sa kin si sam... 

hinde ko alam kung anong sasabihin ko o anong gagawin ko... 

naaawa ako kay warren dahil nakita ko kung paano siya nahirapan nung iwan siya ni sam,... 

"Luisa... s-si w-warren?" --sam

"Mamaya ko na sasabihin ung tungkol kay warren.. gusto kong malaman kung bakit mo kinailangan umalis" 

pumasok na kaming lahat sa loob...

nagpahanda si tita sandra ng makakain namin...

"Reign.. ano bang nangyari sayo?" --tita sandra

"Bago ako lumabas ng hospital, nagpacheck up ako... sinabi ko sa doctor, na wag ng sabihin sa inyo..na walang makakaalam na iba, kung hinde lang ako.. nung araw na nakuha ko ung result.. hinde ko matanggap na i was dying.." --sam

pareho kaming nagulat  ni tita sandra... 

kaso mas pinili na muna namin na wag munang magsalita,, hayaang matapos si sam..

"kinabukasan noon, nagpropose si warren... Hinde ko alam kung anong gagawin ko.. gustong gusto kong sabihin na magpapakasal ako sa kanya.. kaso alam kong baka iwanan ko lang din siya pag nawala ako.. kaya tinanggihan ko siya kahit na ayoko.. mas makakabuti na un para sa kanya.." --sam

"reign.. ano ba talagang sinabi ng doctor? ano ung resulta?" --tita sandra

"lumitaw sa resulta, na mahina na ung puso ko.. na kailangan kong magpaheart transplant sa lalong madaling panahon..." --sam

"bakit hinde mo to sinabi sa amin? reign naman eh.. Magulang mo kami.. May karapatan kaming malaman kung anong nangyayari sayo.." --tita sandra

"Sorry ma, ayokong mag-alala kayo lagi sa kin..lalo na kung nalaman niyo ang sitwasyon ko..." - sam

"kailangan itong malaman ni warren sa lalong madaling panahon..."

Joshua Daniel's POV

"Warren... pwede ba tayong mag-usap?"

"tungkol saan?" --warren

pinuntahan ko ulit si warren sa bahay nila... 

gusto kong sabihin ung about kay sam... 

"kay sam...may dapat kang malaman tungkol sa kanya..." 

tumalikod agad si warren sa kin... 

talagang ayaw niyang pag-usapan si sam..

"hanggang kailan mo tatakbuhan to? kailangan mong harapin ang problema mo warren,.. para makapagsimula ka ulit.." 

napatigil si warren at sinugod agad ako... 

"Hinde mo alam kung anong pinagdadaanan ko.. Wala kayong alam sa sakit na nararamdaman ko ngayon." --warren

galit na galit sa akin si warren... 

"si sam, nasa cleveland clinic siya... hinde pa namin alam ang dahilan niya kung bakit siya nandoon..." 

nakita ko na parang medyo kumalma si warren... 

agad akong binitawan ni warren at tumalikod sa kin... 

walang sinabi sa kin si warren at basta na lang pumasok sa kwarto niya

siguro naman medyo nabigyan siya ng dahilan.... 

"joshua.. ano ung narinig ko? sa cleveland clinic?" --tita karen

napaharap ako kay tita karen

"ano po tita, may nalaman po sila tita sandra about kay sam... sabi po ng imbestigador, nasa cleveland ohio siya... sa cleveland clinic po.." 

"anong ginagawa niya doon?" --tita karen

"hinde pa rin po namin alam sa ngayon...  ayaw magbigay ng information ng cleveland clinic..." 

"ngayon mas naiisip kong may malalim na dahilan kung bakit niya iniwan si warren.." --tita karen

"un nga din po ung naiisip namin ni luisa..."

****RRRIIIINNNGGGGRRRIIIINNNNGGGG*****

 agad kong sinagot ung tawag nung nakita kong si Luisa pala iyon///

"Hon? napatawag ka?" 

["andito na si Sam..."]

"Si Sam? Totoo? Asan kayo ngayon?" 

napatingin sa kin si tita karen... 

["Andito ako sa kanila.. kung gusto mo, pumunta ka dito.."]

"sige.. pupunta ako diyan.. andito ako kila warren..." 

["isama mo si tita karen.. gustong makausap ni sam.."]

"sige.. sabihin ko kay tita.. See you.." 

pagkababa ko ng phone agad akong humarap kay tita..

"Tita, nakauwi na si sam galing cleveland.. gusto daw po kayong makausap?" 

Unbreak my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon