Chapter 19.4

57 3 0
                                    

Vanessa Mae's POV

"Sam, salamat dahil pumayag kang mag-usap tayo..Una sa lahat, gusto kong magsorry.. Sorry sa lahat..."

nandito ako ngayon sa bahay nila sam, 

ngayon kami mag-uusap... 

"sorry kung nagkagulo kayo dahil sa kin, kung hinde ako bumalik dito sa pinas, hinde sana mangyayari to,.. Sorry.." 

hinawakan ni sam ang kamay ko.. 

"ano ka ba, hinde mo naman kasalanan to, si austin ang may pakana nito, kaya tigilan mo na yan... gusto ko ngang magpasalamat sayo, dahil niligtas mo si warren.. kung hinde dahil sayo, baka napaano na si warren.." --sam

"ginawa ko lang iyong tama.. sam... hinde ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama kay chad... kahit na hinde ako ang may pakana noon, may kasalanan pa rin ako.. ginawa iyon ni austin dahil ayaw kong makipagbalikan sa kanya.." 

ngumiti sa kin si sam...

"sorry ulit sam.." 

niyakap ako ni sam.. 

"tama na tong drama natin, tara, mall tayo?" --sam

 Richard Warren's POV

 andito ako sa isang restaurant kasama sila tita sandra at tito jed.. 

Nakipagkita ako sa kanila dahil gusto ko silang makausap... 

"Tita, tito, gusto ko po sanang magpaalam sa inyo na gusto ko pong pakasalan ang anak niyo.."

kitang kita ko sa masaya sila sa sinabi ko... 

"Alam mo warren, Botong boto ako sa yo..  Dahil hinde mo iniwan ang anak ko nung hinde pa siya nagigising. nakita ko na mahal na mahal mo talaga ang anak ko.. Kaya Ngayon pa lang, sinasabi ko sa yo na, binibigay ko na ang blessing ko sa yo... wala ka naman tutol hon di ba?" --tita sandra

tumingin ako kay tito jed.. 

"Oo naman.. wala.. Basta ingatan mo ang anak ko warren, wag mo siyang paiiyakin at lolokohin..." --tito jed

"opo tito.. maraming salamat po sa pagpayag niyo.." 

"alam na ba ni Reign ang tungkol dito?" --tita sandra

"hinde pa po tita, magpopropose po ako sa kanya mamayang gabi.. kaya sana po, matulungan niyo po ako.. gusto ko po kc siyang surpresahin.." 

Luisa Nicole's POV

"Hon! Bilisan mo.. mahuhuli niyan tayo eh..." 

papunta kami ngayon ni josh sa mall... Dun sa rooftop.. 

doon magpopropose si warren kay sam... 

kami ni josh ang tutulong kay warren na mag-ayos nung rooftop.. 

grabe, excited na ko para kay sam... 

eto na ang matagal na niyang hinihintay... 

"Excited na ko hon! Ang sweet kc ni warren!! Grabe.. Masayang masaya ako para kay sam." 

"Ako din naman, masaya para sa kanila.. pero hon, di ba sweet naman ako sayo?" --josh

"ha? sweet ba?" 

mapagtripan nga to. .

"Pinakasalan mo ako dahil buntis ako di ba hon?" 

ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko.. 

"Hon, siguro tama ka, pero kung hinde man kita nabuntis noon, alam ko na kasal na tayo ngayon.." --josh

"paano mo naman nasabi yan?" 

"Dahil tayo talaga ang para sa isa't isa.. At dahil mahal kita at mahal mo ko, hon.." --josh

"sabi mo eh.. pero eto ang sigurado ako, hinde ako nagsisising magpakasal sa yo dahil mahal na mahal kita hon...." 

Unbreak my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon