OBTMVP 13

6.7K 223 30
                                    

Ika tatlong araw na ng uweek namin at mamayang hapon pa naman kami magbabantay ng booth kaya naman naisipan kong mag bake ng cookies dito sa bahay nina Lisa.

Pinapunta kami ni Lisa dito dahil nasa Cebu ang parents niya kasama ang Kuya niya ang asawa nito at ang dalawang pamangkin. Nalulungkot raw siya kasi ang tahimik ng bahay nila kaya kami raw muna ang mag-iingay.

" Matagal pa ba yan? I'm so hungry. " Reklamo ni Gen habang nakatunganga sa kitchen counter.

" Kanina kapa Gen ha sasapakin na talaga kita. " Sabi ni Lisa habang nagluluto ng fries. Si Shaira naman nakatutok sa cellphone habang nanunuod ng kdrama sa tabi ni Gen.

" Mga beh, order tayo ng pizza. " Sabi ni Gen at kinuha ang phone nito sa bulsa.

" Ikaw magbabayad ha. " Sabi ni Lisa.

" Oo na! Kuripot. " Bulong nito at lumabas para tumawag.

" Next week na pala ang game nina Third. " Sabi ni Lisa habang nilalagay ang lutong fries sa malaking bowl.

" Laking pasalamat ko nga na hindi ko nakikita si Stephen dahil puro practice sila ngayon. " Kaya naman matiwasay ang buhay ko ngayon dahil walang papansin.

" Uy! Miss mo no? " Inirapan ko ito at kinuha lutong cookies sa oven.

" Ba't ko mamimiss ang unggoy na yun? May kasalanan pa yun sa akin. " Nakatanggap ako ng text mula kay Kevin na nasa probinsya na raw sila. Next week pa ito luluwas ng Manila kaya makakapaghanda pa ako. May paghahandang magaganap diba? Lol.

" Sus! Aminin na kasi. Wag ng patagalin sige ka. " Tumawa ito kaya naman mahina ko siyang siniko pero hindi man lang ito nagreklamo.

Inayos ni Shaira ang sala dahil doon kami manunuod ng movie habang nilalagay naman ni Lisa ang lutong fries, chichirya and cookies sa coffee table. Si Gen naman prenteng nakaupo sa sofa habang hinihintay ang pizza. Maya maya pa ay tumunog ang doorbell. Mabilis na bumangon si Gen at tumakbo palabas.

" Baboy talaga. " Kumento ni Shaira na natatawa.

" Marinig ka nun sasakit na naman iyang anit mo. " Sabi ko. Medyo sadista kasi itong si Gen. Palaging nanapak o nanabunot pagmasaya at pagmalungkot.

" Hindi niya narinig yun. " Umupo na ito sa sofa. Uupo narin sana ako ng marinig kong tumili si Gen.

Tumakbo kaming tatlo dahil akala namin may nangyari nang masama sa kanya. Naabutan siya naming pinapagitnaan nina Third at Stephen. Malapad ang ngiti nito habang nakakapit sa braso ng dalawa na may dalang box ng pizza.

Baklang to! Ang dalawang to siguro ang tinawagan niya na bumili ng pizza!

Napabuntong hininga kami ni Lisa samantalang lumipad ang tsinelas ni Shaira sa mukha ni Gen.

" Gaga ka! Muntikan na akong atakihin sa puso. Malandi ka! " Sigaw nito. Tumawa si Gen tsaka kumindat sa amin.

" Hindi niyo naman sinabing pupunta sila rito sana naman nakapag make up ako. " Sabi ni Gen habang all out na nakangiti.

Sus! Sinungaling.

" Hi sugarpie. " Ngumiwi ako at naunang pumasok sa kanila.

Kainis! Akala ko pa naman tahimik ang buhay ko ngayong araw. Naupo ako sa sofa habang hinihintay sila. Naunang pumasok si Shaira kasunod sina Lisa at Third na naglalambingan na.

" Akala ko ba may practice kayo ngayon? " Narinig kong tanong ni Lisa sa nobyo.

" May laro raw ang CBA at CAS sa gym kaya bukas na lang ireresume yung practice namin. " Sagot ni Third.

Owned By The MVPWhere stories live. Discover now