OBTMVP 7

6.5K 200 13
                                    

Kung minamalas ka nga naman. Nasa labas sila Diana umupo at sa tabi pa talaga ng table namin ni Stephen. Panay ang hiyawan at tawanan nila lalo na si Diana.

"Here's your order, Sir." Sabi ng waiter at nilagay lahat ng inorder sa mesa.

Nagsuot ako ng plastic gloves at nagsimulang himayin ang shrimp at crab. Si Stephen naman ay kinain na ang grilled squid.

"You want?" Umiling ako dahil hindi naman ako mahilig sa squid.

Nilagyan ko ng crab meat at shrimp ang plato niya. Humina ang tawanan nina Diana kaya napatingin ako sa kanila. Lahat ng mata nila nasa amin at agad na napataas ang kilay ko kaya sabay silang umiwas ng tingin.

Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. Nagkwento lang si Stephen kung anong ginawa niya buong araw. Malapit na akong matapos nang marinig ko ang boses ni Diana.

"Lahat ng morena maganda!" Sigaw niya habang may hawak na beer at nagtawanan silang lahat. Mukhang tinamaan na. Weak! 

Tahimik lang ako na kumakain ganun din si Stephen.

"Check ka diyan girl. Iyong iba diyan gumanda lang dahil maputi." Medyo natigilan ako doon sa sinabi ng bakla.

Talaga o inggit ka lang? Hmmmm.

"Tumpak. Ang iba nga diyan kilay is life." Sabi naman ng isa pang bakla at nagtawanan silang lahat.

Aba! Pinaparinggan niya ang kanyang sarili nakalimutan niya siguro na singkapal ng kilay niya ang ruler. Inggit lang kayo kasi on fleek itong kilay ko, pweh!

"Bb cream is lifer!" Sigaw ni Diana at narinig ko pa ang paghampas nila ng mesa dala ng kakatawa.

Sabihin mo lang kasi kung hindi mo afford ang bb cream. Palibhasa chin chan su ang gamit mo.

Tahimik lang na inuubos ni Stephen ang kanyang beer. Hindi niya alintana ang paparinig ng grupo ni Diana kaya mas lalo akong nainis.

Pinigilan kong wag sumugod sa kanila. Alam ko namang ako ang pinariringgan ng mga talunan at mga pangit na to. Hindi ako ganun ka cheap para patulan ang mga katulad nila.

"Hahaha, make up pa more. Blush on pa more!" Sabi ng isang bakla at tinapunan ako ng nakakadiring tingin na akala mo walang make up ang mukha.

Mga tao nga naman, basta may masabi lang.

Sa inis ko ay bigla akong tumayo at natahimik ang grupo ni Diana. Akala siguro nila papatulan ko sila pero kinuha ko ang phone at wallet ko sa mesa.

"Let's go. Kailangan ko pang mag-aral." Gago rin ang isang to. Bingi ba siya o wala lang talagang paki na ako ang pinaparinggan ng mga bulate na to.

"Okay." Tumayo ito at aakbayan sana ako nang tinabig ko ang braso niya at mabilis na naglakad papuntang kotse niya.

"Okay ka lang?" Hindi ko siya pinansin at tahimik lang na nakatingin sa labas.

"Juliana."

"Ano sa tingin mo? Syempre okay!" Bumuntong hininga ito at natahimik na lang.

Nag log in ako ng facebook at nag check ng bagong notifs. Inaccept ko ang mga kateammates ni Stephen at iba pang kakilala.

Only insecure people need to speak badly about others as an underhanded way of praising themselves 😘 

Minsan lang ako mag post sa facebook pero inis na talaga ako. Bahala silang mag react tsaka hindi ko friends ang mga bulate na 'yon dito sa facebook.

Shaira Aquino Jeon
Sorry, beh. You're so pretty kasi kaya inggit much me. 😘

Natawa ako sa comment ni Shaira.

Owned By The MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon