OBTMVP 11

6.5K 198 19
                                    

" Baks. " Mahina niyang pinitik ang noo ko ng makalapit siya sa akin.

Simula nung inamin niyang mahal niya ako habang umiiyak ay tinawag ko na siyang 'baks' short for bakla.

Halo halo ang emosyon ko kahapon ng sinabi niyang mahal niya ako. Natatawa dahil umiyak siya na parang baby at parang nilagnat ako nun ng marinig ang sinabi niya. Pinatahan ko na lang siya habang nakasubsob ang basa niyang mukha sa akin.

" Isa pang baks mo diyan sugarpie bubuntisin talaga kita. " Mabilis kong tinampal ang bigbig niya.

Hindi na nahiya, nandito kaya kami sa lobby at ang daming tao!

" Ang bibig mo talaga. " Tumawa lang ito at inakbayan ako. Sabay kaming naglakad papuntang classroom ko.

" Ang liit mo. " Sabi nito at mahinang kinurot ang pisngi ko.

Hanggang panga niya lang ako at nagmumukha akong stick pagmagkasama kami. Masasabi mo talagang lalaki siya dahil sa kanyang katawan. Hindi naman siya mukhang bouncer, sakto lang.

" Dinner tayo mamaya sabado naman bukas. " Tumango ako.

" Sige, I'll see you later. " Sabi nito ng nasa tapat na kami ng classroom.

" Bye. " Hindi ko alam pero parang naging mabait na ako sa kanya.

Pagtumatawag siya habang nag aaral ako hindi ako nagagalit. Palagi narin akong nag rereply sa text niya at pag inaasar niya ako parang gustong gusto ko pa. Inaamin kong nahuhulog na ako sa kanya at hindi ako natatakot.

Pagkatapos ng klase ay napagpasyahan naming lahat na magmeryenda sa labas. Uweek na kasi namin next week kaya makakapag pahinga narin sa wakas ang utak namin.

Mga nasa 25 kaming lahat na pumunta sa isang cafe kaya naman ang ingay ingay namin. Hindi naman kami pinagalitan dahil malakas ang benta nila sa amin ngayon.

Nagkwentuhan lang kaming lahat habang nagtatawanan. Hindi na namin namalayan na madilim na pala. Nakangiti pa ako habang kumukuha ng wallet sa bag ng makita na umiilaw ang phone ko.

Mabilis ko itong kinuha at nanlaki ang mata ng makita ang mukha ni Stephen sa screen. Hala!

Nasaan kana?

Nandito ako sa labas ng room niyo. Walang tao dito.

Sugarpie.

Nasa labas ako ng apartment mo. Nasaan ka?

Iniinis mo ba ako?

Bahala ka.

Sht! Ba't ko nakalimutan? Mabilis akong tumayo kaya naman napatingin silang lahat sa akin. Kumuha ako ng 500 at nilagay sa mesa.

" Mauna na ako mga bes. " Kumaway ako sa kanila at mabilis na nagpara ng taxi.

Kinuha ko yung phone sa bag at mabilis na tinawagan si Stephen. Napakagat ako ng labi ng hindi niya sinasagot ang tawag ko. Tinawagan ko siya ulit at nagpasalamat ng sagutin niya ito.

" Saan ka? " Naghintay ako ng ilang segundo bago ko narinig ang boses niya.

" Bahay. " Walang gana niyang sagot.

" Sorry, nakalimutan ko. "

" Alam ko. " Umikot ang mata ko sa inaasta niya.

" Stephen naman. "

" Sige na. Matulog kana alam kong busog ka naman. Bye. " Tinignan ko ng masama ang cellphone ko. Gagong to ah!

To: Pangit
Bwesit ka! Wag ma wag mo na akong kausapin!

Owned By The MVPWhere stories live. Discover now