OBTMVP 10

6.8K 263 33
                                    

"Future wife!" Napapikit ako nang marinig ang sigawan ng mga kaklase ko nang pumasok ako sa room.

"Ayyee! Nakakakilig talaga kayong dalawa ni papa Stephen!" Sabi ni Gen sabay hampas sa braso ko.

"Bruha ka talaga, Juliana!" Sabi naman ni Shaira at mabilis na umupo sa desk ko.

"Kwento ka." Sabi naman ni Lisa na nasa tabi ko na.

"Wala akong kwento. Balik ka na sa upuan mo, Shaira." Tinulak ko siya at muntik na siyang mapaupo sa sahig kaya naman mabilis niya akong hinampas sa braso.

"Mapanakit ka talagang babae ka." Sabi nito habang umuupo sa tabi ko.

"Kayo na?" Tanong ni Lisa.

"Hindi nga!" Gago kasi itong si Stephen. Kung ano-ano ang pinopost sa facebook at IG.

"Weh? Ang totoo?" Sabat naman ni Gen.

"Alam mo bang puro mukha mo ang sa instagram niya?" Oo! Kaya nga pinagpipyestahan ako ng mga fans niya.

"Grabe! Kung ako sa'yo sasagutin ko na si Papa Stephen. Ang tagal na niyang nanliligaw sa'yo." Sabi naman ni Shaira.

"Ba't ba nagmamadali kayo? " Oo, inaamin kong unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Hindi ako natatakot na mahulog sa gong-gong na 'yon kaso.. Basta!

"Pakipot kasi. Gandang ganda ba naman sa sarili." Pinandilatan ko si Gen at nag peace sign lang ito sa akin.


Pauwi na sana ako ng kinaladkad ako ni Lisa papuntang gym. Ayoko sanang sumama dahil gusto kong matulog kaso kung makagapos naman kasi ang isang to sa kamay ko. Wala na akong nagawa kaya naman sumama na lang ako sa kanya.

Papalubog na ang araw nang pumasok kami sa gym. Ingay ng bola at sapatos ang naririnig ko mula sa loob. Himala't walang nag-iingay na mga fans.

Pagpasok namin ay agad akong napatingin sa court. Pawisan silang lahat habang naglalaro at agad na nahanap ng mata ko si Stephen na seryosong naglalaro at basang basa narin ng pawis.

Naupo kami ni Lisa at wala ni isa sa kanila ang nakapansin sa amin. Todo sigaw naman kasi itong coach nila at pinapagalitan ang mga players na pumapalya sa pagsho-shoot.

"Ano? Ayusin niyo dahil sa sabado na magsisimula ang laro niyo! Palagi na lang kayo umaasa kay Saavedra at Gumabao!" Napapikit ako sa sigaw ng Coach nila.

"Grabe naman itong si Coach! Lakas maka soprano 1." Kumento ni Lisa habang natatawa.

"Mukhang pagod na nga sila eh." Kanina pa kaya sila nagpa-practice? Nakakaawa na ang mga mukha nila.

"Sinabi mo pa. Tignan mo ang boyfriend ko naliligo na sa pawis." Napatingin ako kay Lisa ng kinuha niya ang dalawang towel at gatorade sa bag niya.

"Hindi ka naman preparado ano?" Ngumiti lang ito at hindi inalis ang tingin kay Third.

Agad kong binuksan ang bag ko at hinanap ang wallet. Nahiya naman kasi ako kay Lisa kaya bibilhan ko na lang si Stephen ng gatorade.

"Saan ka?" Kumunot ang noo ni Lisa nang makitang tumayo ako.

"May bibilhin lang sa labas. Mabilis lang ako tsaka pakibantay ng bag ha." Tahimik akong lumabas ng gym at mabilis na naglakad papuntang canteen.

"Isang gatorade po at dalawang pepperoni pizza." Paborito to ni Stephen at tiyak na gutom na yun.

Kaya wala akong hilig sa sports dahil nakaka-ubos ng energy at tsaka ayaw ko talagang naliligo ako sa pawis.

Tahimik akong pumasok ng gym at naupo sa tabi ni Lisa. Tinignan niya ang dala ko.

"Gutom ka?" Umiling ako at tinignan ang oras. Grabe 6 pm na at hindi pa ako nakapagsaing.

"Anong oras kaya matatapos ang practice nila?" Tanong ko kay Lisa.

"Mga 7 siguro." Napabuntong hininga ako.

Grabe kung makafocus sa laro itong si Saavedra ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Kinuha ko na lang ang phone ko at kinunan siya habang naglalaro. Ba't ang gwapo parin niya kahit basang basa na siya ng pawis?

"Ipasa mo kay Cinco ang bola Flores! Ano ang hinihintay mo? Pasko?! " Napangiwi ako ng sumigaw na naman ulit itong si Coach Megaphone.

"Grabe, 'pag ako itong sinisigaw-sigawan niya makakatikim talaga siya sa akin." Sabi ni Lisa na nakangiwi na rin.

"Bakla ka ba Guiro? Wag kang lalampa lampa!"

"Grabe! Kaya naman pala palagi silang nanalo. Ganito ba naman ang coach niyo mahihiya talaga kayo 'pag natalo kayo." Natatawa kong sabi.

Natapos ang pratice nila bandang 7 at hindi ko man lang namalayan dahil aliw na aliw kami ni Lisa kay Coach Megaphone. Nakakatawa kasi siya habang nagsisigaw, akala mo sasabog na sa galit.  Sa loob ng ilang oras wala siyang may pinaupo sa mga players kaya feeling ko malulumpo na sila 'pag umabot pa ng 8 ang practice nila.

"Third!" Sigaw ni Lisa pagkatapos na pagkatapos ng laro kaya lahat sila napatingin sa amin.

"Awww." Kantyaw ng players at pinagtutulakan sina Third at Stephen papunta sa amin.

Kinuha muna ni Stephen ang towel nito bago ng jog papunta sa amin at ganun din ang ginawa ni Third.

"Sugarpie." Mahina ang boses nito at kitang-kita ang pagod sa mukha nito.

Umupo ito sa tabi ko at nagpunas ng pawis. Kita ko naman ang paglayo nina Lisa at Third sa amin.

"Kanina kapa?" Tanong niya na nakatingin na ngayon sa akin habang nagpupunas ng pawis.

"Uhmm... Medyo." Ngumuso ako nang maghubad ito sa tabi ko. 

"Pakipunas naman ng likod ko." Kinuha ko ang towel sa kamay niya at marahang pinunasan ang likod nito.

"Sakit ng mga binti ko." Sabi nito at marahang hinilot ang mga binti. 

"Kanina pa ba kayo naglalaro?"

"Yep, itong si Coach kasi tinakot ng kabila kaya hindi kami tinigilan kakapratice." Napa-iling ito. 

"Lakas nga sumigaw eh." Nilagay ko sa likod niya ang towel matapos ko siyang punasana at kinuha ang gatorade at pizza.

"Oh." Nahihiya kong inabot ang gatorade at pizza sa kanya. 

Napatingin ito sa pagkaing hawak ko at kuminang ang mata sa nakita. Ngumiti siya nang todong todo kaya naman nag-init ang mukha ko sa kahihiyan.

"Wow! Salamat." Mabilis niyang kinuha ang gatorade sa kamay ko ininom ito.  Grabe, parang ilang taon siyang pinabayaan sa desyerto kung maka-inom.

"Hindi ka naman uhaw na uhaw no?" Ngumiti lang ito at agad na kumunot ang noo ko nang pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon, Juliana." Napa-ayos ako ng upo nang sumeryoso ito at tinawag niya ako sa pangalan ko.

Tahimik lang ako nang hawakan niya ang kamay ko at nilaro ito. Agad na kumunot ang noo ko nang marinig kong sumisinghot ito. Inangat ko ang ulo nito at nakitang namumula ang mata niya.

"Hoy, ayos ka lang? Masakit ba talaga ang mga binti mo?" Nag-aala kong tanong.

Nabigla ako nang yakapin niya ako kaya naman mahina kong tinapiktapik ang likod niya. Masakit talaga siguro ang binti nito.

"Tangina! Mahal na mahal na talaga kita Juliana."

Owned By The MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon