OBTMVP 6

7.2K 202 15
                                    

Tanghali na akong nagising dahil alas quatro na ako nakatulog ng madaling araw. Hindi kasi ako sanay na putulin ang isang lesson pag nag-aaral.

Panay ang tunog ng cellphone ko kaya binuksan ko ito.

From: Mama
Kamusta? Magpapadala ako ng pera mamaya.

To: Mama.
Okay naman po. Salamat, ma.

From: Kuya
Hoy, pangit! Tinamad ka naman bang mag reply?

To: Kuya
Sorry, Kuys daming gawain sa school. Congrats. Mwah.

From: Pangit
Good morning, sugarpie 😘 Ni minsan hindi kapa nagre-reply sa akin. Number mo ba talaga to?

Natawa ako sa text ni Stephen. Hindi na ako nagreply sa kanya. Manigas ka!

Nanood lang ako ng tv buong tanghali. Tinamad akong magluto kaya tinapay lang ang kinain ko. Hapon nang naligo ako at nagbihis ng isang simpleng dress dahil magsisimba ako.

Malayo layo ang simbahan sa apartment kaya kailangan ko pang mag jeep ng dalawang beses. Ayaw kong mag taxi dahil mahal tapos minsan nakakatakot.

Nagdidilim nang natapos ang service. Bumili muna ako ng donuts bago umuwi. Sa 7/11 ako bumaba at naglakad papuntang apartment. Malayo pa lang kita ko na ang sasakyan ni Stephen na naka park sa harap ng apartment ko.

Nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya at nasa tenga ang cellphone. Panay rin vibrate ang phone ko. Pagtingin ko ay siya ang tumatawag. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Boo!" Napasimangot ako ng hindi man lang siya nagulat. What a loser!

"Saan ka galing? Kanina pa ako nagte-text at tumatawag sa'yo." Natahimik ako dahil ang seryoso niya ngayon. Hindi siya ngumingiti at naka kunot ang noo nito.

Sa labas may mga estudyanteng naka tambay. Ang iba nasa labas ng kanilang apartment nag iinoman. Ayaw kong mag away kami dito sa labas at pagtsismisan kaya pinapasok ko siya ng apartment.

Dumiretso ako ng kusina samantalang nakatayo parin siya malapit sa pinto. Napa buntong hininga ako. Kailangan ko bang mag explain? Ganito ang ayoko pag may nanliligaw eh 'yong kailangan mo pang magpaliwanag o magpaalam. Nasanay kasi akong independent.

"Tinanghali ako ng gising, okay? Tapos nagsimba ako kaninang hapon." Kahit labag man sa loob ko ay nagpaliwanag parin ako.

"Gano ba kahirap ang mag reply o sagutin man lang ang tawag ko?" Pagalit nitong tanong.

"Eh ano ba ang problema mo? Ano ngayon kong hindi ako mag reply o sagutin iyong tawag mo? Ni hindi ko nga sinasagot ang text ng kuya ko tapos mag de-demand ka sa akin ngayon dito? Hoy, Stephen nanliligaw ka pa lang kaya lumugar ka! " Hapong hapo ako pagkatapos kong sabihin sa kanya yun.

Nakita kong napayuko siya at sinapo ang noo niya.

"Sorry ha. Sorry kong nag-alala ako sa'yo. Geh alis na ako. " Agad akong nakonsesya sa mga nasabi ko sa kanya.

Inaamin kong bitch ako pero nakonsensya talaga ako nang makitang nasaktan ko siya sa mga nasabi ko. Tsaka kakatapos ko lang mag simba nakagawa na kaagad ako ng kasalanan.

Lalabas na sana siya ng pinto nang tumakbo ako papunta sa kanya. Hinawakan ko ang siko niya at hinarap siya.

"Sorry na. Nasanay kasi akong mag-isa na sina mama, papa at kuya lang ang nag aalala at nangagamusta." Paliwanag ko sa kanya. At isa pa siya lang ang naglakas loob na manligaw sa akin ng ganito ka tagal. Ang iba kasi kong hindi mo sasagutin with in a week titigil na.

Owned By The MVPWhere stories live. Discover now