OBTMVP 5

7.2K 201 3
                                    

Ten minutes! Ten minutes na akong nag-aantay at ni anino ni Stephen hindi ko pa nakikita. Iniwan na ako nina Gen at Shaira dahil may pupuntahan daw silang event na for sure kpop na naman. Si Lisa naman ay sure akong kasama na ni Third at nagde-date. 

Tumayo na ako dahil mukha akong kawawa dito. Aalis na sana ako nang makitang tumatakbo si Stephen papunta sa akin.

"Sorry." Sabi nito. Naka jeans, white tee at black sneakers na siya ngayon.

"Sorry mo mukha mo." Inirapan ko siya at nagsimula nang maglakad. Inakbayan niya ako kaya na amoy ko agad ang pabango niya.

"Lunch?" Tanong niya.

"9 am pa lang. Gutom kana niyan?" Tumango ito at naramdaman ko na naman ang kamay niya sa kili kili ko.

"Ang totoo, Stephen. Sa akin ka ba may gusto o sa kili kili ko? Kagabi kapa ah." Tumuwa lang ito at nanlaki ang mata ko ng amoyin niya yung kili kili ko. Namula agad yung mukha ko.

"Gago! Lumayo ka nga." Nakangisi lang ito at mas hinigpitan ang pag-akbay sa akin.

"Grabe. Antok na ako." Sabi niya nang nasa parking lot na kami.

"Edi umuwi ka." Umiling ito at pumasok kami ng kotse niya.

"Where to?" Nagkibit balikat lang ako.

Antok din naman ako at gusto ko ng matulog.

"Alam ko na." Sabi nito.

"Saan tayo?" Tanong ko nang umalis na kami ng school.

"Basta."

Nag drive thru na lang kami at hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Pag gising ko saktong nag park si Stephen.

"Salamat naman at gising kana." Sabi nito at lumabas bitbit ang binili niya kaninang pagkain.

Paglabas ko ng kotse ay napa nga nga ako sa nakita.

"Wow." Nasa mataas kaming lugar kung saan may mga puno at kitang kita ang nag tataasang building sa baba ng kinatatayuan namin.

"Mas magandan dito 'pag gabi." Sabi ni Stephen at naupo sa ilalim ng isang puno.

"Di ko alam na may ganito pala dito."

"Si Steven ang naka diskubre ng lugar na to. Halika dito." Nilatag niya ang itim niyang jacket sa kanyang tabi. Umupo ako doon at nakatingin parin sa magandang tanawin.

"Kain muna." Binigay niya sa akin ang isang burger, fries at isang bottled water.

"You like it?" Tanong nito.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. For the first time ngumiti ako ng totoo kay Stephen. Kumain lang kaming dalawa habang nagku-kwentuhan. Parang gumaan ang loob ko kay Stephen. Siguro dahil nilayo niya ako sa lugar kung saan nauubos ang brain cells ko. Ngayon lang talaga ako nakapag relax simula nang tumuntong ako ng Manila. 

"Simula ng makilala kita ngayon lang kita nakitang ganito kasaya." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Stress sa school. Kailangan kong maipasa ang sem na 'to at ang second sem para next year smooth ang internship ko. " Ayaw kong magkaroon ng back subject. Hanggat kaya ipapasa ko talaga lahat ng subjects ko.

"Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong ko sa kanya. He's a civil engineering student at the same time mvp ng university.

"I'm used to it. Noon syempre nahirapan pero last season ko na to dahil next year internship ko na rin." Sabi nito.

"Bakit hindi ka nag medtech katulad ng kakambal mo?" Minsan ko na lang nakikita si Steven dahil internship nila ngayon.

"Honestly, I really hate needles." Mahina niyang sabi kaya napatawa ako ng malakas.

"Seriously?" Hindi ako makapaniwala.

" Yeah. Stop laughing. " Sabi nito at bigla siyang humiga sa lap ko.

"Eh paano 'yan? 'Pag ako naging girlfriend mo kukunan talaga kita ng dugo." Kailangan kasi naming mag practice.

Noong second year kami takot din ako dahil si Lisa ang kukuha ng dugo ko at ganun din ako sa kanya. Nakailang tusok na siya hindi parin nakakuha kaya nangalay ang braso ko noon.

"Bahala na." Sagot niya at pumikit.

"Magkahawig kayo pero hindi kayo magkamukhang magkamukha." Mas gwapo itong si Stephen. Nakakatakot kasi ang aura ni Steven though gwapo rin naman.

"Mas gwapo ako doon." Yabang talaga.

"Weh? Yabang mo."

Nakaka antok naman dito plus pa ng fresh air mapapapikit ka talaga. Inayos ko ang pagsandal ko sa puno at inayos din ang ulo ni Stephen na ngayon ay tulog na. Kinuha ko ang phone ko at kinunan siya ng picture. Ayan may pang post din ako sa fb.

Chineck ko kung may signal dito at nag log in sa fb. Inupload ko ang picture niya sa fb. Tulog na tulog kasi siya.

'Sleeping Beast (Beauty)' with Stephen Ryan Saavedra

Wala pang one minute ay may 20 likes na. Grabe, sikat na sikat talaga ang isang to. Nag log out ako at kinain Ang natitirang burger at fries. Hindi ko namalayan na nakatulog din pala ako. Pag gising ko ay tulog parin si Stephen. Tinignan ko ang oras at alas singko na kaya ginising ko si Stephen.

"Wake up, sleeping beauty." Tinapik ko ang pisngi niya kaya napadilat siya. Umupo ito at nag inat bago tumayo.

"Hintayin na lang natin gumabi? Maganda kasi dito 'pag gabi. " Nagdalawang isip pa ako dahil marami pa akong babasahin na libro pero minsan lang ito kaya tumango ako.

Habang naghihintay na dumilim nagkwentuhan lang kami ni Stephen. Napag alaman kong ayaw niya sa spicy foods, nasusuka na siya sa kulay pink dahil kulay pink daw ang kwarto ng pinsan niyang si Sugar, takot siya sa dugo lalo na sa needles, may alaga siyang aso at pinangalanan niyang Francis. Binigay raw sa kanya noong time na dumating si Pope Francis dito sa Pilipinas. Ayaw niya sa pusa, mabaho raw. Mas pipiliin niya raw ang chicken kesa pork. He loves vegies and fruits. 

"Look." Turo niya at napa wow ako nang makita ang city lights.

"Ganda."

" Yes. Sobrang ganda. " Sabi nito habang nakatingin sa mukha ko.

Hindi na kami nag tagal doon nagreklamo na kasi si Steven na gutom na.  Gusto niyang sa hotel kami nila kumain pero umayaw ako. Sa dami ng pinagpipilian namin sa KFC kami napunta.

"Grabe, umay na ako sa fried chicken at fries." Reklamo niya pagkatapos niyang kumain.

"Edi gawin mong ulam iyang sprite mo." Naka-akbay na siya ngayon habang inuubos ko naman ang fries ko. Clingy!

Maya maya ay naramdaman ko na naman ang kamay niya sa kili kili ko. Gustong gusto niya talagang nahahawakan ang kili kili ko. Pinabayaan ko na lang siya dahil hindi naman nakikinig pag sinasaway.

"May gusto ka pa?" Umiling ako at ininom ang natitirang tubig.

"Tara na. Mag-aaral pa ako. Sinira mo na ang schedule ko. " Mahina ko siyang hinampas sa dibdib.

"Sinira mo nga rin ang schedule ko." Sabi niya at namula ako ng yumuko siya at inamoy ang kili kili ko.

"Ano ba! Nasa public place tayo, Stephen." Sinabunutan ko siya habang tawang tawa naman siya.

"Nakaka adik itong kili kili mo, sugarpie." Namula ako sa sinabi niya.

Mabuti na lang at maputi at mabango itong kili kili ko. Panu na lang pag maitim at mabaho? Eww.

"Tara na nga." Tumayo kami at lumabas ng KFC.

Pagdating sa apartment ay nag paalam agad ito. Ako naman ay naglinis ng katawan at sinuot ang paborito kong pantulog at nagpakalunod sa libro.

Ngayon pa lang natatakot na akong mahulog sa mvp na 'yon pero ito ako kinikilig ng patago kapag inaasar ako. Hay nako, Stephen Ryan Saavedra!

Owned By The MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon