Mint Academy ▒ Chapter seventy eight

20.8K 725 53
                                    

Okay guys I just want to say sorry dahil hindi ko alam na hindi pala nasave online ang limang draft ko para sa Mint Academy at nag reset ako ng cellphone. Ending ayun! Wala. *sigh* sayang yun!

Matatagalan ako sa bawat update dahil iisipin ko kung ano ang mga nasa draft ko noon, pasensya na talaga.

Anyway ito na ang update. Enjoy kayo.

Doubt

Nakahinga naman kami nang maluwag nang makagawa kami ng antidote. Agad agad ay pinainom namin yun kay Yana and now nagpapahinga na sya.

"Kinabahan talaga ako!" Bulalas ni Min at hinagis ang sarili nya sa sofa.

"Paano ka ba naman kasi di kakabahan kung isa ba naman sa atin ang nasa hukay ang paa eh." Sabi naman ni Jullia at umupo sa isang upuan.

"Lucky us! At least kahit na nahirapan worth it naman." Dagdag pa ni Kassey.

Humiga naman ako ng malalim saka humiga sa hita ni Marvin at napangiti naman ako nang makita kong namula ang tenga nya.

"Pahinga muna us." Dinig kong sabi ni Min at Kassey saka naman sumunod si Jullia sa kanila.

"Hey kuya. Pigil muna ah?!" Bigla naman akong namula dahil sa sinabi ni Jullia at binato din naman sya ni Marvin ng unan.

"Utak mo kung saan saan napupunta!"

"Nagpapaalala lang po kuyaaa." Sigaw naman ni Jullia habang umaakyat kaya naman napailing na lang si Marvin.

"Okay ka lang?" Nag nod naman ako bilang sagot "Pasensya na sa babaeng yun. Ewan ko ba kung kanino natuto yun ng mga ganun." Naiiling nya pang sabi.

Ngumiti naman ako sa kanya "Hindi ba sayo?"

"Hindi ah. Mabait kaya ako."

"Defensive naman masyado." At saka ako tumawa.

"Paano ba kayo napasok sa gulong to?" Napatingin naman ako sa kanya saka ko nakita ang pag aalala sa mga mata nya at ngumiti naman ako. "Bakit kami noong research namin wala namang nangyaring ganito?"

"Hindi din naman namin aakalain na may maaapakan kami." Saka naman ako bumuntong hininga "Maybe your research was nothing to them? Or maybe they don't have an interest. No hard feelings but we really do got their interest."

"And because of that you're team's life is in danger."

"Its nothing if we can donate something in this world." Ngumiti naman ako sa kanya saka sinalubong ang tingin nya "What if there is something happened, will you still love me when I'm gone?"

"What the hell kind of question is that? Of course yes! But then think about it Kesia. Dying is not part of your mission. I'll be here to support and to protect you."

"Even though it will cost, your life?" And he nod.

"Even though it will cost my life."

Pumikit naman ako at di ko mapigil ang pagngiti. Bakit ba eh sa kinikilig ako eh, hindi naman talaga kasama sa mission ko ang mamatay at mas lalong ayoko pang mamatay aba marami pa akong gustong gawin sa buhay ko and dying is not belong in any of my options.

***

Kakatapos lang namin maghanda ng hapunan ni Marvin dahil halata namang pagod na pagod ang mga kasama namin, lalong lalo na si Yana. Hanggang ngayon di pa rin nababa ang lagnat but at least hindi na rin naman kagaya ng kanina ang lagay nya. Mild na lagnat na lang ang meron sya.

"Tawagin mo na lang sila Marv ako na ang bahala dito." Nag nod naman sya at kiniss ang noo ko.

OKAY. Sige. Ako na kinikilig!

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon