Mint Academy ▒ Chapter seventy three

22.2K 720 18
                                    

At dahil maaga ako nakauwi maaga din ako makakapag update. Here you go guys~ anyways if ever putol ang update ko ngayon try nyo muna iremove sa library nyo itong Mint Academy then ads nyo ulit if putol pa rin then imessage nyo ako or di kaya icomment nyo na lang dito. Thank you.

Ps. PUTOL ha hindi BITIN hahahaha.

Enjoy reading...

Search for nothing

Nang makatulog na si Ange at Arlene ay agad naman kaming umalis nila Min, Yana, Jullia at Kassey papunta sa kabilang room. Room na arkilado din namin for security purposes.

Pagpasok namin sa may sala ay agad naman namin nakita si Henry.

"Oh tulog na agad si Mark at Victor?" tanong naman ni Kassey.

"Sus ang sabihin mo lang gusto mo malaman kung tulog na ba si Mark dinamay mo pa si Vic." natatawang sabi ni Yana at inirapan naman sya ni Kassey.

"Dream on girl."

"Nah~ my dream is here." sabi ni Yana saka kumapit sa braso ni Henry at kiniss naman sya ni Henry sa ulo nya. "See?"

"You're not dreaming honey, I am really here."

"Maglandian kayo wag sa harap ko please lang!" natawa naman ako kay Jullia at Min na nakasimangot sa dalawa.

Napailing na lang kami at saka ko inopen ang ability ko. Bukod sa aming anim wala nang ibang nandito sa room na ito at sa floor na ito mahimbing na natutulog si Ange at Arlene ganun din naman si Victor at Mark.

"Tulog na tulog ang Mark mo." sabi ko kay Kassey at namula naman sya kaya natawa kami.

"Okay. Okay ako na naman ang napagtripan nyo. Lets go back to our business."

Nagseryoso naman kami sa sinabi ni Kassey. Naupo kami at sya naman ang nasa pinaka maliit na upuan. Nagkaroon ng screen sa paligid nya at saka sya nagsimula nang mag search.

"This gonna be a huge problem guys." sabi nya sa amin kaya naman napataas ang kilay ko "Hindi ko mahagilap ang mukha ng babae. Gamit ang memory ko triny kong hanapin ang mukha nya but error not found."

"Ano?!" gulat na sabi ni Jullia "Wala talaga as in zero? Nothing? None?"

"Oo. Zero, nothing, none!" pag uulit naman ni Kassey "How it happened? Ang alam ko may direct access ako sa mga file ng mga tao sa buong mundo."

"Try kaya natin tanungin si kuya Rod? May access sya sa CIA di ba?" suggest naman ni Min sa amin at napanod naman kami.

"Ako na tatawag." -Yana

"Ako na." agaw naman ni Henry sa cellphone ni Yana.

"Hahahaha selos" sabi ni Jullia at sinamaan naman sya ng tingin ni Henry kaya natahimik

Ayan lakas kasi mang asar nasamaan tuloy ng tingin ni rank one. Hahaha. After a minutes ay bumalik na sa amin si Henry.

"Send na lang daw sa kanya ang picture at sya na daw ang bahala." sabi ni Henry sa amin at binalik nya kay Yana ang cellphone ni yanyan.

May pinindot pa si Kassey sa kanyang hologram keyboard and soon after five minutes may nag email sa kanya.

"Oh no. Wala ding makuha na information si kuya Rod." sabi ni Kassey at napaisip naman ako.

"What if..." sabi ko at napatingin sila sa akin "What if hindi talaga sya yun? I mean iba talaga ang mukha nya and iba ang ginamit nyang name dito. Afterall hindi naman natin sure kung isa ba talaga sya sa crew dito at kung waitress ba talaga sya." sabi ko pa at napanod naman sila.

"Pwede din naman yan. Pero pwede rin tanungin muna natin ang mga crew sa restaurant. Kami na ang bahala ni Yana para doon bababa kami."

"Okay I'll try my best." sabi pa ni Kassey at nagkaroon ng mas maraming screen sa paligid nya.

Kami naman ni Min ay ginamit ang internet para makakuha ng information but ang ending napafacebook na lang ako. Well first time ko na lang ULIT ito buksan. After a year ngayon ko lang to nabuksan.

"Hey Min may fb ka?" tanong ko at tumingin naman sya sakin saka nag nod "Add kita." ngumisi naman sya saka nag nod ulit.

"Okay. Aaccept kita."

Nang maopen ko ang fb ko ay agad ako napanganga. Ang daming friend request, messages, notification, and tags. Pero dahil feeling famous ako kaya di ko sila pinansin. Sinearch koang name ni Min saka sya in-add. Ina-add ko na rin ang iba ko pang kaibigan and soon ang iba inaccept na ako.

Yung mga nangbubully sa akin dati parang ewan feeling close. Hmp! Bahala kayo. Inoff ko na agad ang fb ko dahil kaliwa at kanan na rin ang mga messages.

Tumingin ako kay Kassey at nakakunot naman ang noo nya.

"Anong nangyari? Wala pa rin?" tanong ko at umiling sya.

"Wala pa rin eh. Siguro nga tama ang what if mo." napabuntong hininga naman sya "Kung sya talaga yun hindi pwedeng hindi sya makilala ng system ng ability ko pero kung hindi talaga yun ang mukha nya imposible talaga."

"Malalaman naman natin kung sino yun kung sakaling nagtatrabaho talaga sya dito." sabi ni Min habang nakatingin sa amin "Never lose hope kaya natin to. Malalaman din natin yung babaeng yun." dagdag nya pa kaya napangiti naman kami.

Napatingin kami sa kakapasok lang sa pinto at nakita namin si Yana at Henry at base sa mukha nila mukhang wala silang nalaman.

"None?" tanong ni Min.

"Wala eh. Sabi sa amin ng may ari ng restaurant wala daw syang crew na ganito ang mukha." sabi ni Yana saka hinagis ang picture.

"Mukhang di talaga sya taga dito pero ano ba ang gusto mangyari ng babaeng yun?" inis na sabi ni Jullia saka pumukit ulit para matulog napailing na lang kami.

"Mabuti pa matulog na muna tayo dahil." sabi ni Henry at saka tumingin sa akin "And Kesia since di pa tayo pwede makauwi sa Mint Academy sabi ni nga pala ni kuya Jared na sa inyo muna tayo tutuloy." napanganga naman ako.

"We?"

"Oo. Narinig ko sila mag usap ni kuya Jared." sabat pa ni Yana.

"May magagawa pa ba ako?" sabi ko at umiling sila saka kami umalis sa room na kinuha namin at bumalik sa kwarta saka natulog.

Mint Academy: The school for intelligentWhere stories live. Discover now