Mint Academy ▒ Chapter fifty three

24.6K 895 56
                                    

Pangalawang update...
Don't forget to vote and comment okay? Kahit yan lang kasi nawawalan ako ng motivation hahaha.

ENJOY READING...

The professors

"Bakit ang tagal nyo? Kanina pa kayo hinahanap ni Amber." bungad sa amin ni Yana.

"May ginawa lang muna kami bago napunta dito." sabi ko naman saka kinarga si Amber "Aba bango na ah."

"Te Na, ligo." natawa naman ako.

"Pinaliguan ka ni ate Yana?" nag nod naman ito.

"Sarap." sigaw nya kaya natawa ako.

Nandito kaming lahat ngayon sa facility na binigay sa amin ng academy, malaki laki ito pero tamang tama lang dahil nadagdagan kami ng dalawang makulit na bata.

"Anyway Henry pwede mo bang ipatawag ang mga Professor sa conference room? Kailangan natin silang makausap dahil sa mga ginagawa nila." mag nod naman si Henry saka umalis kasama si Yana.

"Tingnan mo ang dalawang yun di na mapaghiwalay." natatawa namang sabi ni Min.

"Te Na, Kya Ry. Kiss."

Pare parehas naman nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Amber.

"Nagkiss sila?" gulat na tanong ni Kass at nag naman si Amber.

"Adrian?"

"P-po?"

"Masama ng di nagsasabi ng totoo." sabi ko.

"Nag I love you po si kuya Henry tapos kiniss si ate Yana tapos nag I love you too din si ate Yana tapos nag yakap sila."

Nagkatinginan naman kami. Sa harap ng mga bata?

"Akala ko mutual lang yun pala may something na." sabi ko.

"She owe us an explanation." -Kass

"Right she really do." -Jullia

"Mas nauna pa lumandi ang babaeng yun ah." -Min

Natawa naman si kuya Rod kaya napatingin kami sa kanya.

"Sorry sorry.Ang mamanhid nyo kasi,di nyo ba napapansin ang masyadong pagkaclose nila? Okay its given kasi nililigawan ni Henry si Yana kaya lang masyado silang close kaya naghinala ako at di na ako nagtataka ngayon."

Napapout na lang kami sa pang aasar sa amin ni kuya na kesyo kung kaibigan ba daw kami aba.

"Kuya di naman namin kasalanan na magaling magtago yung dalawa eh." sabi ko pero tinawanan lang naman kami ni kuya Rod.

"Tama na yan mga hija at Rod. Nagbiblink na ang ring nyo." napatingin naman kami sa ring namin and manong is right.

'Bakit ang tagal nyong sagutin?' dinig naming inis na sabi ni Yana.

"Sorry nagkakasayahan lang. Okay na ba?" sagot ko naman at narinig namin ang buntong hininga nya.

'Oo okay na kaya pwede na kayong pumunta dito.'

"Okay papunta na kami." sabi naman ni Min.

Agad naman kaming nag ayos at kumapit naman sakin si Amber.

"Sorry Amber pero di kasi kayo pwede sumama dito muna kayo kay lolo at kuya Rod okay?" malungkot naman itong tumango

"Amber may gagawin sila kaya di tayo pwede makasama." nag nod ulit si Amber sa kuya nya.

"Ah bakit di na lang ganito." napatingin kami kay Jullia "Isasama namin kayo pag okay na ang gagawin namin, okay?"

Napangiti naman ako ng makita kong nakangiti na rin si Amber. Nang umalis kami ay nagmamadali kaming pumunta sa conference room, good thing ka kabisado na namin ang buong rehab facility dahil sa binigay ni kuya Jared sa aming blueprint.

Mint Academy: The school for intelligentWhere stories live. Discover now