Mint Academy ▒ Chapter forty two

28.6K 1K 179
                                    

Pagod na pagod na ako kahit na tapos na ang defense namin hahaha kaya sorry naman kung matagal ako makapag update. Palagi kasi akong knockout pag uwi ko sa bahay at di ako nakakapag type ng chapter dahil sa pagod and also dahil wala akong maisip.

ENJOY READING GUYS. hahaha.

✴Mind Contest (Part 1)✴

Nang makapasok kami sa Hall ay pinagtinginan kami. Hanggang dito ba ay nalaman nila ang tungkol sa nangyari sa labas? Pero kung sabagay di pa rin nakakapag taka yun.

"Hen tinawagan mo na ba si kuya Jared?" tanong ni Yana.

"Oo nga pala. Wait lang ah." at tumayo sya saka lumayo sa amin.

"Hoy babae bakit ang bilis mo mapa oo yun?" pang aasar ni Min.

"Huh? Pinagsasabi mo?"

"Naku kunwari pa." natatawa namang dagdag ni Jullia.

At ayun na nga inasar namin ng inasar si Yana kaya ang ending pulang pula sa hiya samantalang kami naman ay halos di makahinga sa kakatawa.

"What an uneducated group of ladies."

Napatigil naman kami sa pagtawa at pang aasar kay Yana ng marinig namin yun at nakita namin ang osang babae na halata sa mukha nya ang pagiging superior at pagiging mapang mata. Naramdaman ko ang pangmamaliit nya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Excuse me?" taas kilay kong tanong.

"What kind of lady your are? Why are you laughing so loud to the point that the other contestants are getting annoyed and distracted."

"Well then we're sorry." wala namang ganang sabi ni Yana "It's not our fault to distract them, as far as I know you are not allowed to review when you were inside this hall but look."

"Stop it Yan." napatingin naman kami kay Henry na nasa likod ng matanda "You will gain nothing in this old hag stop wasting your time."

"You.."

"First of all ma'am we're not going to say sorry because as far as we all know we didn't broke any rules inside this hall. Second dont look down on us or underestimate us you'll make yourself in trouble if you do." sabi ko at saka nag bow.
"You bitch! Who do you think you are to talk back to Madam Le? You are really dead when the game start." sabi naman ng babae sa likod ng matanda pero hindi namin sya pinansin.

Bakit ba? Wala naman kaming kasalanan eh. Naramdaman ko ang inis ng matanda pero di pa rin nawawala pangmamata nya sa amin, anong akala nya bobo kami? Aba naman. Okay sana kung taga doon sa M.A ang magsabi saking bobo tanggap ko pa dahil mas matalino talaga sakin ang iba doon pero itong matandang to?

"Ano lagyan ko na ba ng bulaklak sa ulo yan?" bulong sakin ni Yana.

"Hindi nakakatawa, Yan." -Min

"Nakakaasar kasi gusto ko sana sya paglaruan"

"Hayaan mo na Yan matanda na yan eh baka paurong ang ugali nya." natawa naman ng mahina si Min at Yana kaya mas nainis ang babae sa harap namin.

"You will be eliminated in first round." galit na sabi ng babae at nagkibit balikat na lang kami.

***

Nakaupo kaming lahat ngayon dito sa gilid ng stage at nakatingin naman ng masama ang mga kasama naming contestants sa amin, may nagawa ba kami? Well hayaan na.

"Grabe naman sila talagang nilayuan tayo?"

"Baliw ka pala Min eh pano ba tayo di lalayuan eh kinausap natin ng pabalang ang isang judge." -Jullia.

Mint Academy: The school for intelligentWhere stories live. Discover now