Mint Academy ▒ Chapter eight

52.3K 1.7K 157
                                    

✴ Gate Problem | Special L ✴

"Ikaw ba may gawa nito?"

Nganga.

Tiningnan ko si Marvin dahil baka nagbibiro lang sya sa inaakusa sa akin. Nandito din ang ibang president ng Class A at meron din namang Class B, C at D.

"Magsalita ka" galit nya pang dagdag.

Hindi nga sya nagbibiro. Marahas kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak nya at tiningnan sya sa mata ganun din naman sya sakin.

"Bobo lang ako Marvin pero hindi ako kasing sama ng inaakala mo. Kung totoong class A ka bat di mo imbistigahan? Bakit di mo muna simulan baho ka manghusga at mang akusa ha?" Inis kong sambit at parang may nakita akong guilt sa mata nya.

"Ikaw lang ang nakita kong napunta dito kahapon" inis nya pang sabi.

"Oh? Porket ako lang nakita mo ako na aakusahan mo?" I laugh without humor "Seryoso ka? Kaya mo nga ako nakita kagabi di ba kasi di ko alam ang lugar na to di ko alam pasikot sikot dito sa tingin mo ang isang gaya ko ba na sisira ng gate na yan ay magpapakita? Tanga lang? Akala ko ba matalino ka?" Dagdag ko pa at nag tiim bagang naman sya.

Naramdaman kong maraming tao na sa paligid pero alam ko kung kanino presensya yun. Sa Class 1-A yun.

"Akesia" marahas naman akong napatingin doon sa babaeng Class B ata. Napalunok naman sya. "Huwag kang mang alala sa gulat lang ata at pagkalito ni Marvin kaya ka nya nasisi"

I laugh again without a sense of humor "Huwag ako Marvin, maaring hindi mo ko pinagkakatiwalaan pero hindi ko magagawa yan!" At saka ako umalis.

Hindi ko alam kung saan ako papunta basta ang gusto ko lang sa lugar na walang tao doon sa lugar na walang makakakita sa akin. Napatigil na lang ako sa isang lawa na may statue sa gitna. Statue ng isang napakagandang babae na may kasama pang dalawang babae.

Umupo ako at pinaglaruan ang tubig. Kita ko ang pagpatak ng luha ko sa tubig. Oo ako na bobo, ako na di magaling sa academics, ako na ang naligaw sa school na to pero kahit kelan hinding hindi ko talaga magagawa yun. Napatingin ako sa babaeng nakatayo I mean sa statue at nabasa ko ang nakasulat.

"Ikaw pala si Heres? Haha ang ganda mo pala" sabi ko at tumitig sa kanya "Promise po talaga hindi po talaga ako ang sumira ng gate na yun" naiyak na naman ako.

Sino ba naman ang hindi maiiyak? Oo sanay na akong laitin dahil sa utak ko pero ang akusahan ako ng ganun? Hindi naman nila ako masisisi na magalit ako dahil sa ginawa nya eh, sa sinabi nya. Hindu ako masamang tao.

Umiyak lang ako ng umiyak doon at hindi ko alam pero feeling ko may nagpapatahan sa akin kaya naman tumahan na ako at tumingin sa gitna ng lawa halos manlaki ang mata ko sa nakita kong lumabas mula roon.

"He-Heres?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Hi. Ako nga" mas lalo namang lumaki ang mga mata ko. Di ba patay na sya? "Ang katawan ko lang ang namatay Akesia pero hindi ang kaluluwa ko, mananatili pa rin naman akong nandito sa Academy para protektahan ito" nakangiti nyang sabi.

"Pa-pano mo ko nakilala?"

"Paano nga ba? Hmm siguro dahil special ka?" Ngumiti sya sakin "Tumahan ka na alam kong hindi talaga ikaw ang gumawa noon at kilala ko naman kung sino yun ang kaso lang hindi ko ito dapat sabihin. Kailagan mong matuklasan iyon Akesia para malinis ang pangalan mo"

"Pero wala naman po akong ginagawang masama."

"Pero iba ang mga taong may matataas na pag iisip gaya natin Akesia. Iba sila mag isip kaya hanggat ang mga President ng Class pa lang ang nakakaalam kailangan mo na itong malaman" unti unti syang bumalik sa ilalim ng lawa "hanggang sa muli."

Mint Academy: The school for intelligentWhere stories live. Discover now