[10]

218 16 23
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

Chapter Ten

Nag-taxi nalang kami pauwi ni Arvin. Mabuti nga, hindi na siya nahilo o nasuka.

Iba parin ang pakiramdam ko hanggang ngayon, na kasama siya bilang isang mabait at sweet na Arvin. Binigay niya pa nga sa ‘kin ‘tong teddy bear na nakuha niya. Unang beses ko ‘tong makatanggap ng regalo sa isang lalaki, at galing ang unang iyon kay Arvin.

Siya ang may hawak ng paper bag na may lamang apat na damit ko na binili niya sa… Hindi ko na kayang banggitin pa ang presyo. May binili rin siyang candies at mga pambatang laruan na nakabalot pa sa kahon. Siya rin ang may bitbit nun at ang tanging hawak ko lang ay ang pink na teddy bear.

Napaka-gentleman, ‘no?

Sana lagi nalang siyang ganyan.

Nakakatuwa talaga na kahit isang araw lang, nakasama ko si Arvin na iba sa pagkakakilala ko. Marunong humingi ng sorry, mag-thank you, ngumingiti.

Sa may gate lang ng subdivision huminto ang taxi kaya wala kaming pagpipilian kundi maglakad. Kakaiba nga ang subdivision na ‘to, blocked ang mga sasakyan na hindi naka-register ang plate number. At may personal silang tricycle na sa subdivision lang nila umiikot. Ang malas lang, walang available na sasakyan.

Habang naglalakad, napatingin ako kay Arvin. Diretso lang ang tingin niya kaya malaya ko siyang napagmasdan. Kaso, nung bigla siyang lumingon, nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

“Bakit? Dirt on my face?” ngingiti-ngiting tanong niya.

Parang bagong kakilala ko lang siya. ‘Yung pakiramdam na bago siya sa akin bilang si Arvin. Nagtatanong ng bakit at nakikinig ng mga rason. Na kailangan niya ng isang kaybigan o tao sa tabi niya.

Nginitian ko siya. “Masaya bang maging Arvin?” pagsisimula ko ng pag-uusapan.

Muli siyang tumingin ng diretso sa unahan namin pero nakangiti siya. “Bakit mo naman natatanong ‘yan?”

“Wala lang. ‘Di ba, kaya mong bilhin lahat ng gusto mo, kaya mong makuha lahat ng mga bagay na gusto mo. Alam mo ‘yun, bihira lang sa tao ang ganun,” sabi ko naman sa kanya. Naghintay ako ng magiging sagot niya.

“Aanhin ko naman ang mga bagay na ‘yon kung hindi naman ako sasaya?” makahulugang sagot niya. Binalingan niya ako ng tingin bago siya ulit nagsalita, “—Hindi lang naman mga materyal na bagay ang nagpapasaya sa tao,” dugtong niya bago muling nag-iwas ng tingin.

Aanhin niya nga naman ang mga bagay na makukuha niya kung hindi siya sasaya. Napaisip ako, ano naman kaya ang magpapasaya sa kanya?

Napaubo ako.

“Are you okay?” Tumigil siya sa paglalakad. Napansin niya sigurong napahigpit ang yakap ko sa teddy bear na binigay niya kaya hinubad niya ang jacket na suot niya. “—Here. Take this.”

Sasabihin ko sanang ‘wag na dahil ilang lakad nalang nasa bahay na kami. Pero wala naman akong nagawa dahil nasuot na niya sa likod ko. Tiningnan ko rin kung paano niyang nilagay sa likod ko ng maayos ang itim niyang jacket. Si Arvin ba talaga siya? Napakagat ako sa labi.

Malapit na kami sa bahay, may napansin akong nakatayo sa may gate.

Habang papalapit kami, mas naaninagan ko ang mukha ng babaeng nakatayo sa tapat ng bahay.

Manang Pitring?

Mabilis akong lumayo kay Arvin na pinagtaka niya naman. Nakita ko, nakangiti sa amin si Manang Pitring. Paniguradong tatanungin niya na naman ako nito. Pero wala namang nangyaring kakaiba ngayong araw, sinamahan ko lang naman si Arvin sa mall bilang… nurse niya.

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDWhere stories live. Discover now