[Arvin's POV]

209 17 24
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

Arvin’s Point of View

“Ano ba’ng nakita mo sa babaeng ‘yon at kailangan pa natin siyang isama sa states?!” pasigaw na tanong sa ‘kin ni mom. Mas nadagdagan ang galit na naramdaman ko sa kanya.

I wasn’t aware she would come until I saw her get inside this freakin’ white room and start an argument with me. Gusto kong isama isama si Julie sa states, gusto kong malamang sa oras ng operasyon ko, alam kong naghihintay siya, alam kong nasa tabi ko lang siya.

“Where did you get the guts to ask me why do I need to take her with us?” I replied, keeping my temper light. “Ni minsan, hindi ko pa narinig sa ‘yong itinanong mo sa ‘kin kung ano ang gusto ko, kung kumusta na ba ako—bilang anak mo!” I shouted. Sobrang nagagalit ako sa kanya, puno ng galit ang sarili ko. Imbis na sundin niya ang gusto ko kahit ngayon lang, hindi pa niya makayang pagbigyan ang hiling ko.

“She’s not going with us, Arvin.” Nagbago ang kanina lang ay malamig na tono ng pananalita ni mom, nang tanungin niya ako kung bakit kailangan pa naming isama si Julie sa ibang bansa sa operasyon ko. “Julie’s just your nurse, Arvin. ‘Wag mong sabihing—“ Pinutol ko ang dapat na sasabihin niya at idinugtong ang sagot na dapat lang niyang marinig.

“I love her! I definitely am in love with her!” I shouted for the second time. She seemed shock after hearing what I had just said. “Nurse? Hindi lang nurse si Julie, hindi mo siya kilala.” I muttered. “Isa siyang kaybigan at ipinaramdam niya sa ‘king hindi ako nag-iisa sa lahat ng oras, na kasama ko siya and I know she won’t leave me no matter what—unlike you! Knowing she’s around makes me feel in refuge… safe and in peace.”

I don’t know where did I get that strength to say all those words na akala ko hinding-hindi lalabas sa bibig ko. Ang kaninang matigas na ekspresyon sa mukha ni mom ay bigla nalang lumambot sa mga sumunod kong sinabi. Mahal ko si Julie, sa wakas ay nagawa ko ring aminin sa sarili ko.

Si Julie? Siya lang naman ang nagbalik ng kulay sa madilim at malungkot kong buhay. I don’t wanna lose her. I wanted her to be by my side ‘cause whenever I know that she’s there, I feel a safe shelter, a person who won’t leave me no matter what. She’s all that I have that time I lose my friends, she never left me.  And we made a promise…

“Hindi ako aalis.”

“Pangako?”

“Pangako.”

I saw the softness on my mom’s face after a long while of seconds absorbing the thing I’ve admitted and said to her face. She turned and gave me a look, “Fine, I’ll take her with us.” She walked beside me and sat on the edge of my bed. Hinaplos niya ang buhok ko, bago siya muling magsalita. “I’m sorry, my son.” And after saying that, she gave me a tight hug.

                                                                        ***

3 days after…

 NAIA Airport, 11:42 AM

Ilang beses akong sumulyap sa wrist watch na suot ko habang tinitingnan ang mga taong dumadaan. Malapit na ang oras ng flight namin pero wala pa si Julie. Sinabi ni mom na darating din siya sa araw at oras bago ang flight, but still I can’t stop myself from worrying. There’s this feeling that something’s wrong.

Nakita ko ang babaeng may dalang maleta, kagaya ng maleta ni Julie. Si Julie! Iyon kaagad ang pumasok sa isipan ko.

Kaagad ko siyang hinabol at tinawag. “Julie!” I called her name but she didn’t stop. Nang mahawakan ko ang balikat niya, lumingon siya pero nagkamali ako ng hinala. “I’m sorry,” I said. She’s not Julie.

Sa pagdaan ng segundo, kasabay ang pagpintig ng puso ko, pag-aalala at takot sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi parin ako nawalan ng pag-asa, I know Julie would come, she promised me she won’t leave me. Right now, she’s all that I have.

I made up my mind that after my operation, I’ll confess my true feelings to her. Gusto kong magsimula kami ng bago, hindi ako bilang pasyente at hindi siya bilang nurse ko.

Bago pa man ako makatingin ulit sa wrist watch, narinig kong may nagsalita na sa intercom.

“Passengers of American flight, please proceed to gate 3. Passengers of American flight, please make your way to gate 3. Thank you.”

Nakita kong naglalakad na si mom at si Manang Pitring dala ang luggage namin. Wala si Julie, no sign of her. Naglakad ako palapit kina mom para itanong kung darating pa ba si Julie.

“I thought she would come?” sabi ko kay mom.

Umiling siya, malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakaramdam ako ng tensyon at kaba sa sasabihin niya. “She’s not coming,” she said sadly. “I had just received a call from a public telephone number, si Julie ang nakausap ko. Sabi niya, kalimutan niyo na ang pangako niyo sa isa’t isa. Hindi ka niya kayang sasamahan.”

How did she know the promise we made?

Nanghina ang mga tuhod ko at bumagsak ako sa sahig. Sapo ng mga palad ko ang mukha ko. Hindi… hindi puwede. Unti-unting tumulo ang mga luha ko pero pilit ko iyong pinunasan gamit ang kamay ko.

Lumapit sa ‘kin si Manang Pitring at hinagod niya ang likuran ko. “Magkikita pa kayo, Arvin.” I looked up at her dahil sa narinig ko sa kanya. “At sa araw na muli kayong magkikita, dapat hindi na ikaw ang Arvin na pasyente niya,” mahinang sabi ni Manang Pitring na parang kami lang dalawa ang nakarinig. I saw the tenderness in her smile that made me feel at ease. Nagkaroon ako ng pag-asa.

Manang Pitring’s right. Someday, we’ll meet again and I’ll promise that I won’t be the Arvin she always took care of. I’d return the favor, ako na ang mag-aalaga sa kanya simula sa araw na ‘yon.

 Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Para akong bumalik sa pagiging bata sa ginawa ko. Before walking and taking my luggage, lumingon ako at inisip na naroon si Julie, kumakaway habang nakangiti.

I can do this. Magkikita tayo ulit, Julie.

                                                            ****

 THE END.

Reader's Point of View: (I know, some of you will be like... WHAT? The End? --Haha!)

Wait, what? The end? Oh! No way! It just can't... Oh my god! What the "H" happened? You can't do this author. You can't let this end like this!!! Grrr!!! NO WAY. NO WAY. LIKE NO WAY AS IN.

Author's note:

Hindi pa dito nagtatapos. Please read the next note after this chapter! :)

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDWhere stories live. Discover now