[15]

234 18 16
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

Chapter Fifteen

Akala ko magiging maayos na ang lagay ni Arvin, ngunit nagkakamali ako. Nagsisimula palang… at sa pagsisimula ng laban niya, hindi niya ‘ko makakasama.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang manakit ang ulo ni Arvin. Akala namin, magiging maayos na ang lahat pero muling sumakit ang ulo niya kaya dinala namin siya ngayon sa hospital. Tinawagan ni Manang Pitring si Kuya Roger para ipagmaneho kami sa private hospital kung saan in-admit narin si Arvin noon.

Sa loob ng pitong araw, ipinakita ni Arvin sa amin na mabuti na ang kalagayan niya kaya tiwala kaming maayos na ang lahat sa kanya. Pero ipinakita niya lang pala ‘yon para hindi kami mag-alala.

May kaba akong nararamdaman kay Manang Pitring, sa bawat paghinga niya, dama ko ang takot niya. Kung para saan, wala pa akong ideya. Parang lumilipad ang pag-iisip ko habang pinanunuod si Arvin na dalhin sa emergency room. Naiwan kaming nakatayo ni Manang Pitring nang magsara ang pintuan ng emergency room. Ayokong makita siyang nasasaktan, hindi ko kayang tingnan si Arvin kung paano siyang sumisigaw sa sakit na nararamdaman niya.

Lumipas ang oras, nanatili lang kaming naghihintay ni Manang Pitring sa sasabihin ng doktor ni Arvin. Labas-masok ang mga doktor sa bawat silid, may mga nurse din na nagpapalit-palit ng mga silid para tingnan ang mga pasyente. Maririnig ang beep tone ng mga malalapit na silid, ang mahinang pag-andar ng wheel chair ng mga pasyenteng dumadaan.

Napasulyap ako kay Manang Pitring, tulala siya at parang wala sa sarili. Naging ganyan siya simula nung araw na nanakit ang ulo ni Arvin. Dahil ba sa nag-aalala siya para kay Arvin? Pero sa tingin ko, may hindi pa siya sinasabi.

Hindi ko napigilan pa ang sarili kong magtanong. “Manang…” Tumingin siya sa ‘kin, parang nahila sa kasalukuyan. “—M-may problema po ba?” tanong ko. Bukod sa nangyayari kay Arvin, alam kong may iba pa siyang iniisip.

Huminga siya ng malalim, kasabay ng ilang beses niyang pagkurap. Isinandal niya ang likuran sa kanyang upuan at napatingin sa itaas. “Maagang lumabas ang sintomas ng sakit ni Arvin. Nagpapakita na ang mga sintomas ng sakit niya,” halos pabulong niyang sabi. Napansin ko ang biglaang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata na sinusubukan niyang pigilan, pero sa huli, bumagsak iyon. Pinunasan ni Manang Pitring ang kanyang luha gamit ang hawak niyang panyo. “Ito ang pinakaayaw kong parte, hija, sa sakit ni Arvin. Para akong nanghihina, parang namamatay ang kalahati ng katawan ko sa tuwing makikita ko siyang sumisigaw sa sakit.”

Lumalabas na ang sintomas ng sakit ni Arvin?

“Kailangan na siyang maooperahan sa lalong madaling panahon,” dugtong pa niya.

Wala akong maisip na gawin para pagaanin ang loob ni Manang Pitring kaya lumapit ako para yakapin siya. Bago pa man kami kumalas sa pagkakayakap, nag-ring ang cell phone niya. Tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sa kanya at hinintay na sagutin niya ang tawag.

Ilang beses na pagtango at ‘oo’ lang ang narinig at nakita ko sa kanya. Nang maibaba na niya ang cell phone, tumingin siya sa ‘kin.

“Dumating na ang mama ni Arvin,” pagbibigay-alam niya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng kaba. Kaba saan? Iwinaksi ko sa sarili ang kabang iyon. Dapat natutuwa ako dahil dumating ang mama ni Arvin. Naalala ko, may kausap si Manang Pitring sa cell phone noong nakaraan. Siguro ‘yun ang mama ni Arvin. Pinaalam na niya ang lagay ni Arvin kaya umuwi ang mama nito. Kahit abala ang mama ni Arvin, may pakialam parin pala sa kanya. Matutuwa kaya si Arvin kapag nakita na niya ang mama niya?

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon