[1]

429 15 15
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

Chapter One

Julie’s Point of View

Isang matandang babae ang sumalubong sa akin sa tapat ng gate. Kung kakalkulahin ang edad niya, base sa ilang mapuputing hibla ng buhok niya at sa tindig ng kanyang pagtayo, nasa gitna ng anim na pung taong gulang na. May maamo siyang ngiti habang nakalahad ang kaliwang kamay papasok at nakahawak ang kanang kamay naman sa kabigan ng pinto. Siya siguro ang babaeng nakausap ko sa telepono at nagbigay sa akin ng address ng bahay na ito.

Dala ang aking isang bag sa kamay at maliit na maleta, ngumiti ako sa kanya bago pumasok. Malamig na samyo ng hangin ang kaagad na bumati sa akin. Dalawang palapag ang bahay, may puting pintura at kahel naman sa bawat corner. Ang mga bintana ay kulay tsokolate ang kuwadradong disenyo, ang dalawang balkunahe naman sa itaas na ang isa’y halatang abandonado at ang isa naman’y may lamesa at isang upuan. Maganda ang pagkakadisenyo, halatang may kaya ang may-ari. Malawak din ang bakuran na puno ng mga halaman.

 Pero may napansin ako… malungkot ang kapaligiran.

“Julie ang pangalan mo, hija?” Natigil ang pagtingin ko sa bahay at bumaling sa matandang nagbukas sa akin ng gate.

Tumango ako sa kanya. “Ako nga po,” tugon ko. “—Manang Pitring?” balik-tanong ko sa kanya.

Tumango rin siya at ngumiti sa akin saka ako kinamayan.

“Halika, pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka at makapag-usap narin tayo. Ipakikilala narin kita kay Arvin,” sabi niya sa akin habang nakaalalay ang kanyang kamay sa aking likuran. Nang marinig ko ang pangalang iyon, para akong nakaramdam nang hindi maipaliwanag na pakiramdam. Mabilis kong iwinaksi iyon paalis sa aking isipan.

Naglakad kami papasok sa bahay. Tatlong sofa ang nasa kanang bahagi ng bahay, mukhang sala na ito. May malaking flat screen na TV rin. Sa kisame ay may pabilog na ilaw na hindi pa nasisindihan. Mukhang madalang lang na gamitin ang salas dahil malinis ito. May silid sa kaliwang bahagi. Napatingin ako at nakita ang isang gitara at mga librong nakakalat sa loob.

“Simula nang malaman naming may Brain Tumor si Sir Arvin, naging tahimik na siya at mailap sa ibang tao. Malayong malayo na siya sa Arvin noon. Kakaunti na lang din ang mga kaybigan niyang bumibisita.” Napansin siguro ni Manang Pitring ang pagkakapukol ng paningin ko sa silid kaya’t mabilis ko iyong binawi at tumingin sa kanya. “—iyan ang silid na palagi niyang pinupuntahan sa tuwing wala siyang ginagawa.”

“Siguro, napakahirap sa kanyang tanggapin ng sakit niya,” komento ko nalang.

Huminga lamang nang malalim si Manang na ibig sabihin lang ay sumang-ayon siya sa sinabi ko. Muli niya akong iginaya para ipamilyar sa akin ang bahay. Magaganda ang mga gamit at mukhang mga mamahalin. Pati ang sahig, malalaman mong gawa sa makintab na marmol. Madali namang napamilyar sa aking paningin ang kabahayan.

Patuloy lang sa pagkukuwento si Manang Pitring, kung paanong nagbago si Arvin mula nang magkasakit. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya habang pinapasadahan ng tingin ang paligid, at base sa kanyang pagsasalaysay, parang matagal na niyang inaalagaan si Arvin.

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDWhere stories live. Discover now