[7]

215 15 13
                                    

There You’ll Be

-Ian Joseph Barcelon

Chapter Seven

Kasi naman. Kasi naman. Kasi naman.

Kanina ko pa sinisisi ang sarili ko. Nakaupo ako ngayon sa tapat ng bahay na maganda pero wala namang nakatira. Tulad ng bahay na pinapangarap ko kina inay at itay, para sa aming magkakapatid. Pero mukhang mabibigo ko sila sa unang pagkakataon, nawalan ako ng trabaho.

Nasa tabi ko lang ang dalawang bag ko habang naghihintay ng hulog ng langit.

Saan na ba ako pupulutin ngayon?

Wala akong sapat na pamasahe para umuwi sa amin. Umalis ako sa bahay ng pinagtatrabahuan ko. Ngayon, mag-isa ako sa labas ng madilim na gabi. Nakalayo na ako sa bahay nung kulugong halimaw na ‘yon at ngayon wala akong matutulugan panigurado. Kung sana nandito lang si Manang Pitring.

Kinuha ko ang bato sa sahig at ibinato iyon. Pinanood ko kung paanong gumulong-gulong iyon hanggang sa tumigil sa—isang paa. Napalunok ako habang dahan-dahang nagtaas ng paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking naka-sumbrero, may hawak na bote ng alak. Napaatras ako ng upo.

Hinawakan ko ang maleta ko at isinakay sa balikat ko ang aking bag. Dahan-dahan akong tumayo para sana tumakas ng pasikreto nang marinig ko siyang magsalita.

“H—Hoy! I-Ikaw! Binabato mo ba ako?” pasigaw niyang sabi sa akin.

Kinabahan ako. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Nagsimula siyang maglakad ng pagewang-gewang palapit sa akin. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang alam ko na ang gagawin niya kaya hindi na ako nagdalawang-isip na sumigaw at humingi ng tulong.

“T—Tulong! Ah!” Tatakbo na sana ako nang mahigit niya ang braso ko. “—Bitiwan mo ‘ko!” Sinubukan ko siyang ilayo sa akin pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

“Ano? Ha? Mag-isa ka lang? Gusto mong may kasama?” Naamoy ko ‘yung hininga niya, amoy alak. Siguradong lasing na lasing nga siya.

Sinubukan ko ulit na tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Aksidenteng nahampas ko ang kamay niyang kaliwa  dahilan para bumagsak sa sahig ang alak. Nabasag iyon, kumalat ang likido sa sahig. Sandaling napatingin kami sa nabasag na bote bago magtama ang mga mata namin.

“Binasag mo ang alak ko! Ikaw ang iinumin ko!” Inihawak niya naman ang kabilang kamay niya kaya dalawang kamay na niya ang nakahawak sa akin. “—Sumama ka sa akin!”

“K—Kuya bibilhan nalang kita ng bago!” nanginginig kong sabi sa kanya.

“Gusto ko ay—ikaw!” Nang ilapit niya ang mukha niya sa leeg ko, wala na akong nagawa kundi sipain ang ibabang parte niya.

Nakabuwelo ako kaya mabilis akong tumakbo. Ngunit napatigil ako, naiwan ko ‘yung maleta ko! Bumalik ako para kunin ang naiwan kong maleta nang muli niya na naman akong mahawakan. Nawalan ako ng balanse at pareha kaming napahiga sa sahig.

“T—Tulong! Ah! Tulungan niyo ‘ko!” Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mailayo sa akin ang mabahong lasing na lalaki. Nararamdaman ko na ang mainit niyang paghinga pero nilakasan ko parin ang sarili ko para magawang ilayo siya.

Isang malakas na suntok ang naramdaman ko sa tiyan. Nanghina ako at unti-unting nandilim ang paningin ko. “T—Tama na po…” Kasunod noon ay ang pagbagsak ng luha ko.

“Hoy!”

Narinig ko ang malakas na sigaw. Nagkaroon ako ng pag-asa. Tumigil ang lalaki na nagsisimula nang humalik sa leeg ko. Nang lumingon siya para tingnan ang taong sumigaw, sinipa ko siya palayo sa akin kahit namimilipit pa sa sakit ang tiyan ko. Gumulong-gulong siya palapit sa lalaki. Mabilis akong tumayo at umatras. Napayakap ako sa bag ko.

Madilim kaya hindi ko masyadong naaninag ang mukha ng lalaki. Ang sumunod kong nakita ay itinayo niya ang lalaking muntikan na akong gahasain, sinuntok niya iyon sa mukha at bumagsak muli iyon sa sahig. Nakita ko ring sinipa-sipa niya iyon hanggang sa mawalan ng malay ang lasenggong lalaki.

“Fucking bitch. Serves you right, asshole!”

Naglakad ang lalaking savior ko palapit sa akin. Pero teka, parang may mali. Kilala ko ang boses niya.

“Okay ka lang?” Nakita kong inalok niya ang kamay niya sa akin.

Tumanggi akong hawakan iyon. Kilala ko siya. Paano niya naman ako nasundan?

Nanghihina pa ang tuhod ko kaya muntikan na akong mapaupo ulit pero nasalo niya ako. Ang amoy niya, sigurado akong siya ito. Lumayo ako sa kanya, kinuha ang bag ko at naglakad na parang walang nangyari.

Na parang hindi ako muntikang magahasa at niligtas ng isang kulugong halimaw.

Magulo ang buhok ko, amoy laway ng alak ang damit ko. Bwisit! Bakit niya ba ako nakita, at sa ganoong pangyayari pa?

“Umuwi ka na,” sabi ko habang naglalakad palayo sa kanya.

Narinig ko ang mga yapak at mahigpit na paghawak sa kamay ko. “And what? Let you go in this kind of place and night with lurking demons around? Don’t you know you’re a girl?” pasigaw na sabi niya sa ‘kin. Naramdaman ko na naman na naiinis siya. “—I’m not going home without you.”

Hinila ko ang kamay ko pero masyado siyang malakas. “’Di ba gusto mo akong umalis? Nanalo ka na!” sigaw ko sa kanya. “—Ano pa ba ang pakialam mo sa akin? Nurse mo pa ba ako?”

“Sinabi ko bang umalis ka?” parang batang sagot naman niya. “—If I didn’t care for you then I shouldn’t have saved you from that jerk!”

“Pero ‘yun naman ang gusto mo ‘di ba?! Na umalis ako!”

At pagkatapos kong sabihin ‘yon, bumitaw siya. Pinigilan ko ang luha kong bumagsak at naglakad na ulit palayo sa kanya.

“F—Fine! I admit it, I’m wrong. I’m sorry.”

Napatigil ako sa paglalakad. Nag-sorry ba siya? Bumagsak na nang tuluyan ang luha ko.

Nilingon ko siya at pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng kamay ko. Hinintay na magsalita pa siya ulit.

“Please… come home with me.” Napakamot siya sa batok niya na parang bata.

Iniligtas niya ako, humingi siya ng pasensya, gusto niyang umuwi na akong kasama siya. May saltik ba siya? Lahat ng nurse niya gusto niyang mawala, pero bakit ngayon? Ako? Gusto niya akong bumalik na kasama niya?

Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko. “Sakay na, I’ll take you home.” Nag-iba rin ang tono ng boses niya. Mabait, maamo at malayong-malayo sa dati.

Hindi ako gumalaw sa pagkakatayo ko. Seryoso ba siya? Sasakay ako sa likod niya?

Bago pa man ako makasagot, pinilit na niya akong sumakay sa likod niya at wala na akong nagawa kundi mapahawak sa leeg niya. Kinuha niya ang maleta at shoulder bag ko. Ang lakas niya. Nagsimula na siyang maglakad.

Maliwanag ang bilog na buwan habang nakasakay ako sa likod ni Arvin. Matigas ang likod niya pero mainit iyon. Lalaking lalaki ang hubog ng likuran niya. Ang sarap mahiga habang buhay sa likod na ‘yon, ang saya sa pakiramdam. Parang nabura ang lahat ng nangyari kanina lang. Ang takot, ang pagkabigla at lungkot.

Nakarating na kami sa bahay. Bumaba na ako sa likod niya nang matapat na kami sa gate.

Nagtama pa ang paningin namin pero pareho kaming nag-iwas. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Mabuti nalang gabi at hindi niya mapapansin ‘yon.

“I’m sorry.” Siya na ang nagsalitang una sa amin.

Nag-sorry ulit siya.

May sakit ba siya? Tumingkayad ako para damhin ang noo niya. Mainit. Sobrang init.

“A—Arvin… mainit ka.”

Dahan-dahang pumikit ang mata niya at bumagsak siya pero mabilis ko siyang nasalo.

“Arvin!”

 ***

How's the chapter? Please, please and super please leave a comment and/or vote after reading the story. THANK YOU SO MUCH! :D

THERE YOU'LL BE (KathNiel Fanfic) | FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon