E P I L O G U E (EPIC ENDING)

5.4K 204 24
                                    


"What do you think about the lot, Architect Rowena Catapangan?"

Binaha ng galak ang puso ni Wenggay sa tanong ni Zeke. Paano niyang hindi mararamdaman iyon? Ito ang kliyente nila na gustong magpatayo ng dream house niya. Ito mismo ang nag-request kay Architect Manansala para i-design niya ang bahay na itatayo. He wants her to design their dream house!

Aba'y hindi niya alam na nakabili ito ng lote sa ganoong kataas at kagandang lugar. Tanaw niya ang buong Metro Manila at alam niyang abot hanggang langit ang presyo roon. He said that it was his wedding gift for her.

Ginanap ang kasal nila makalipas ang tatlong buwan magmula ng mag-propose si Zeke kay Wenggay. Walang inaksayang sandali si Zeke dahil agad na namanhikan ang mga ito sa magulang niya. Tuluyan na ring kinalimutan ng buo niyang pamilya ang nangyari noong high school. Nagkasundo na rin si Zeke at ang kuya niya. Doon niya nalaman na nakikibalita pala si Zeke sa kuya niya pero tumahimik lang ito. Naiintindihan niya dahil kapatid siya nito. Sa huli'y natuwa rin ang kuya niya dahil sila rin ang nagkatuluyan. Iyon lang naman daw ang importante dito, na tuluyan na raw siyang maging maligaya.

Sina Jenny at Zander naman ay ikinasal na rin. Kapwa nila kinuhang ninang si architect Manansala na masaya rin sa kinahinatnan nila.

Si Sadeek ay nabalitaan na lang niyang ikinasal na rin sa nabuntis nito. Kasamahan pala nito ang babae sa kumpanya at kasamang nag-co-cover. Gayunpaman, masaya pa rin siyang malaman na naging maayos din naman ito sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Nag-usap din sila makalipas ang ilang buwan at humingi ito ng pormal na paunmanhin. Sa huli ay nagkapatawaran sila.

"Well... it's beautiful. I love the location but..." aniya saka napangising napatingin rito.

"But what? Come on say it!" ani Zeke saka tila natutulirong lumapit sa kanya. Natutuwa talaga siyang pagmasdan ang pinakamamahal niyang lalaki sa tuwing nakikita itong nabibitin!

She giggled. "You are really so impatient, architect Zeke Catapangan..." aniya saka nakangising napailing. "I only want to say that I love you more than this,"

Doon ito tila nakahinga nang maluwag saka siya marahang hinapit sa baywang. She could smell him and it felt so good. "I know that baby and I love you more than everything."

Natawa si Wenggay nang malakas din nitong kabugin ang dibdib. Madalas na nitong gawin iyon at talagang natutuwa siya sa panggagaya nito sa moves niya noong elementary. "Gaya-gaya ka. Do something else, please!" biro niya rito.

Napangiti si Zeke at matagal siyang pinagmasdan hanggang sa tuluyan na siyang mailang rito. He always does that. At sa tuwing ganoon ito ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya. Hindi siya mapakali kapag tinititigan ni Zeke.

"Wenggay, the only thing I can do for you is to love you until the last drop of my life." Masuyo nitong saad na ikinatunaw ng puso niya.

Namasa ang mga mata ni Wenggay at sa gitna ng hanggang baywang na talahiban ay niyakap niya ito nang mahigpit hanggang sa nawalan sila ng balanse. Tawa sila nang tawa at sa isang maingat na paggalaw ni Zeke ay ito na ang nakapaibabaw sa kanya. Hawak siya sa ulo at nakayakap ito sa baywang niya.

"Remember this position?" mahinang anas ni Zeke habang titig na titig kay Wenggay.

Ngumiti siya at hinawakan ang mukha nito. "Of course baby,"

"That was the time I fell in love with you," sinserong amin ni Zeke. His eyes were full of love and fondness, making her heart beats faster...

Namigat ang talukap ng mga mata ni Wenggay nang magtagpo ang kanilang mga labi. She felt satisfied after hearing that. Knowing that he fell in love with her at first sight? Surely it felt like heaven.



***WAKAS***





DEAR READERS,


THANK YOU SO MUCH FOR READING! 


THIS STORY WAS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES YEAR 2013, MONTH OF DECEMBER.


SANA PO AY MAKAHANAP PA RIN KAYO NG COPY. AVAILABLE PA RIN PO ITO.


MAS POLISHED PO KASI ANG LIBRO. ITONG NAKA-POST SA WATTPAD AY NADAGDAGAN KO NA NG SCENE.


ANYWAY, THANK YOU SO MUCH! MAY GOD BLESS YOU ALL!



LOVE LOTS, 


CRANBERRY LAUREL <3
username: iamcranberry

ZEKE, ANG LALAKI SA MAY BINTANA (UNEDITED VERSION)Where stories live. Discover now