CHAPTER NINE

4.2K 133 2
                                    

"May balita ka na kay Jenny?" untag ni Zander kay Wenggay. Agad na lumipad ang tingin niya rito at kitang-kita niya ang pananabik sa mukha nito! Gusto niyang matawa nang malakas! Mukhang may gusto talaga ito sa kaibigan niya. Oh she was happy for Jenny. Alam niyang ito ang pangarap ng kaibigan niya. Dalangin lang niya na sana ay hindi nagbago ang damdamin ni Jenny rito.

"Wala pa akong balita sa kanya," aniya saka hinarap ito. Hindi kasi nakalabas sa FB ni Jenny kung saan ito nagta-trabaho at base sa mga litrato nito doon, parang ilang taon pa kuha iyon. Napansin din niyang matagal na itong hindi nag-update ng account.

"Ako mayroon. Puntahan natin mamaya sa Jeko's. Doon daw siya nagta-trabaho,"

Napamulagat si Wenggay. "Pinahanap mo?" gulat niyang tanong.

Biglang namula si Zander at gusto niyang mapahagalpak ng tawa! Mukhang hindi na ito makatiis kaya gumawa na ng paraan! "Matagal ko na siyang pinapahanap..." amin nito sa kanya.

Napangiti si Wenggay. Nagpapasalamat siya dahil nakikita niyang mahal nito ang kaibigan niya. Natutuwa siyang malaman na sa haba ng panahon ay hindi pa rin nito nagawang kalimutan si Jenny. Bigla niyang naalala si Zeke. Kung sakaling hindi sila nagkita, hahanapin din kaya siya nito?

At bakit mo iniisip 'yan. May Sadeek ka na. Kahit panay ang pahaging sa'yo ni Zeke, may sarili ka ng buhay at ka-relasyon. Matatanggap din niya 'yan.

Napatango si Wenggay sa naisip bagamang ramdam na naman niya ang pamimigat ng dibdib. Hindi talaga niya maintindihan ang sarili. Ang buong akala niya ay okay na talaga siya pero affected pa rin. Lalo na noong napagusapan nila ni Zeke ang lahat sa restaurant at natuklasan sa sariling naapektuhan pa rin siya dito. Lalong tumitindi iyon sa pagdaan ng mga araw.

Sa kabila ng lahat, ang iniisip na lang ni Wenggay ay hindi niya masisisi ang sarili dahil minahal niya si Zeke. Gayunman, past tense na kaya kailangan niyang ipaalala na sa kabila ng pasimple nitong pahaging ay wala na silang pag-asa. Naguguluhan lang siya dahil minsan niyang pinangarap na bigyan siya nito ng ganoong atensyon.

Madalas siyang sunduin ni Sadeek at kasama niya itong naghihintay sa baba ng opisina kapag wala pa ang lalaki. Makikipag-kwentuhan at alam niyang nililibang siya para hindi siya mainip. Minsan ay naguguluhan na talaga siya dahil kahit alam naman nitong may boyfriend na siya, ipinakikita pa rin nito ang matinding paghanga.

"Sige, gusto ko rin makita si Jenny." Aniya. Nang umalis na ito ay nagpatuloy naman siyang nagtrabaho hanggang sa sumapit ang lunch break. Inayos niya ang mga tracing paper saka inilabas ang baon niya.

Ngayon ay siya na ang personal na gumagawa ng baon. Matipid na ay makakain pa niya ang ulam na gusto. Si Irma naman ay nakapag-leave na at nanganak na ilang araw ang nakakalipas kaya mag-isa lang niya sa gawing iyon. May mga kasama rin siyang kumain sa kani-kaniyang mesa pero hindi na siya sumalo dahil malayo iyon sa lugar niya. Si Sadeek naman ay nag-cover sa Cavite at doon na kakain. Ayos lang sa kanya dahil naiintindihan niya ang trabaho nito.

Kinuha naman ni Wenggay ang ginawang lemonade sa paper bag na siyang inumin at hinanda na ang baon. Agad na kumalam ang sikmura niya ng malanghap ang apritadang niluto at kumain na. Nakailang subo na siya ng bigla niyang mapansing tila dumilim sa tapat niya. Pag-angat niya ng tingin sa bintana ay muntik na siyang mabilaukan!

Nakapamaywang si Zeke sa tapat niya at matiim na nakatitig sa kanya!

.

.

.

.

.

ZEKE, ANG LALAKI SA MAY BINTANA (UNEDITED VERSION)Where stories live. Discover now