CHAPTER FIVE

3.7K 132 5
                                    


"Uy, sigurado ka? Sinulat mo ang mga pangalan namin?" untag ni Wenggay kay Jenny. Pareho na silang bothered. Paano'ng hindi sila magaalala? Tatlong posas na lang ang natitira at iyon na lang ang pagasa nila. Ang anim na nauna ay nasa kanya-kanyang classroom na—na ginawang lover's booth. Nakakulong na sila doon!

Gusto ni Wenggay iyon para magkasarilinan sila ni Zeke. Hindi na nila inulit ni Jenny ang pagaabot ng sulat sa mga crushes nila. Pasimple na lang nilang ihinuhulog iyon sa mga lockers nila. Kahit walang sagot ang mga ito ay okay lang. Ang importante sa kanila ay maiparating sa mga ito ang feelings nila.

"Oo sigurado ako. Naiinis na ako!" bothered na sagot ni Jenny. Halos sabuntan na ang sarili. Lalo tuloy kinabahan si Wenggay. Parang naiihi na siya na hindi maintindihan. Kapag hindi pa sila mabubunot ay siguradong kinabukasan na nila puwedeng ulitin iyon.

Pero hindi nagtagal ang kalbaryo ni Jenny. Nang marinig nila na ito at si Zander na ang ikukulong, kulang na lang ay maglupasay sa sobrang kilig si Jenny! Hindi man lang nito hinintay na ang mga 'pulis' mismo ang magposas dito. Ito pa mismo ang sumalubong! Gayunpaman ay umasa rin siya. Lihim siyang nanalangin na sana ay tawagin na ang pangalan nila ni Zeke.

Nang i-announce ang susunod na 'ikukulong' ay nanghina na si Wenggay. Nawala na ang malahiganteng kabog ng dibdib niya. Napalitan na iyon ng hindi maipaliwanag na panghihinayang. Nanghihinayang siya dahil umaasam talaga siyang makakasama si Zeke.

Napabuntong hininga si Wenggay. Muli niyang sinundan ng tingin si Jenny kung saan 'ikinulong' ito kasama si Zander at tahimik na naguusap. Kitang-kita niya ang kaligayahan nito sa mukha. Natutuwa rin siyang makitang maligaya ang kaibigan niya.

"Miss Rowena Brillantes, hinuhuli ka namin sa salang pagnanakaw sa puso ni Zeke Catapangan,"

Nabigla si Wenggay sa isang lalaking nakasuot ng pulis na lumapit! Salang pagnanakaw? Kailan niya iyon ninakaw? Ni hindi nga siya nito nililigawan, nanakawin pa niya ang puso? Naipilig niya ang ulo. At nang makitang lumapit ang isang pulis kasama si Zeke na nakaposas ay doon lang niya napagtantong sila ang huling ikukulong! Dahil sa labis na pag-iisip ay hindi na niya narinig ang anunsyo!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Huli man daw at magaling, maihahabol din. Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa kulungan pa rin ang tuloy nila Zeke at Wenggay! Gusto niyang maiyak sa sobrang galak! Nakahabol sila! Lihim siyang nagpasalamat sa Diyos dahil pinakinggan ang munting hiling ng puso niya. Isa iyong most treasured day of her life! Ang oras na makakasama niya si Zeke sa loob ng 'kulungan'!

ZEKE, ANG LALAKI SA MAY BINTANA (UNEDITED VERSION)Where stories live. Discover now