CHAPTER TWO

4.1K 134 10
                                    

"Zeke Catapangan, three Dahlia." mahinang basa ni Wenggay sa ID ng lalaking pinakamimithi. Ilang araw na silang parang asong buntot nang buntot sa dalawang magkaibigan para masilip ang ID ng mga ito. Si Jenny ay nakita na ang ID ng kasama ni Zeke noong isang araw pa. Doon niya napatunayan na matindi rin palang magka-crush si Jenny. Pati bahay ni Zander Carunongan, ang lalaking kaibigan ni Zeke ay alam na nito!

Bilib si Wenggay sa kaibigan. Para itong dog hound sa tindi ng pangamoy sa mga ganoong impormasyon samantalang papatay-patay pala siya. Nagiisip na rin sila kung paano makakapagpa-cute sa mga ito. Third year high school ang dalawang lalaki at alam na nila ang classroom. Nagkunwari siyang hihingi ng pera noon sa kuya niya, bagay na ikinainis nito noon dahil bigla niya iyong ginawa.

Pero deadma si Wenggay. Ang importante ay nasilayan niya si Zeke. Naisip din nilang malapit lang ang bahay ni Zeke dahil madalas lang itong dumaan sa likuran ng eskwelahan tuwing umaga. Ganoon din sa paguwi ng tanghali at pagpasok. Sa hapon naman ay hindi na niya iyon nakikita dahil nagpa-praktis na sila ng laro sa field.

Gayunpaman ay pasimple pa ring sumisilip si Wenggay kapag may pagkakataon. Si Jenny naman ay umuuwi na ng hapon agad dahil may sundo ito. Siya naman ay sumasabay na sa kuya o ama.

Kilig na napakagat na lang sila sa pancake na magkaibigan habang nakatunghay sa dalawang lalaki na naguusap. Pambihira, mananaba silang dalawa sa ginagawa nila. Sa recess ng umaga at hapon ay pancake na tatlong malalaking piraso ang inoorder nila. Nakalagay na iyon sa plastic at may butter o honey. Sa tingin ni Wenggay ay paborito iyon ni Zeke dahil magmula ng kumain sila doon ay nakakalimang pancake ito tuwing recess.

Marahil ay dahil malaking lalaki si Zeke. Hanggang dibdib lang ni Zeke si Wenggay. Maganda rin ang katawan nito na parang masarap magpayakap at magpabuhat. Tingin ni Wenggay, sa payat niyang iyon ay baka kahit isang kamay lang ay puwede na siya nitong bitbitin papuntang langit! Napahagikgik si Wenggay sa naisip. May langit-langit pa siyang nalalaman. Napabuntong hininga na lang siya sa sobrang kilig.

"Itutulak kita mamaya sa kanya para mayakap mo siya, ha? Tapos bukas, ako naman." mahinang untag ni Jenny na ikinamulagat ni Wenggay.

Namula siya! Yayakapin niya ito? Ay, ayaw niya! Baka hindi na niya ito pakawalan! Kilig na kilig na naman siya. Halos mapunit na ang bibig ni Wenggay sa sobrang pagkaalumpihit!

"Nahihiya ako!" aniya saka nakagat ng mariin ang ibabang labi.

Natawa si Jenny. "Sige na! Mahina lang naman tapos pasimple mo siyang yakapin. Kaya mo 'yan. 'Kaw pa? Siga ka, 'di ba? Nasaan na ang tapang mo?" hamon nito.

Umiling pa rin si Wenggay. "Nakakahiya naman. Paano ko gagawin 'yon? Sige nga?"

"Ganito lang," ani Jenny saka siya mahinang tinulak sa balikat. "Tapos kunwari yayakap ka sa kanya. Tagalan mo ng one minute para ma-feel mo. Sige na! Pagkakataon na natin 'to. Tapos bukas ako rin, ah!"

Huminga si Wenggay ng malalalim at ilang ulit niyang inisip ang tagpong sinasabi ni Jenny. Nang makuntento si Wenggay ay tumango siya. Nerbyos na nerbyos! "O, sige pero mahina lang, ah! Baka mamaya madapa ako."

Ngumiti si Jenny at excited na tumango. Pagkatapos nilang kumain ay hinintay nila itong dumaan sa tapat nila. Nag-spray pa si Wenggay ng cologne ni Jenny para naman hindi nakakahiya kay Zeke—kay mister Dimples—kung maamoy siya nito. Sana, kapag nayakap niya ito ay yakapin din siya kahit sandali lang para puwede na siyang mamatay bukas!

Gustong matawa ni Wenggay sa naisip. Napakababaw ng kaligayahan niya pero aminado siyang ganoon na nga. Ngayon lang siya nagka-crush at desidido siyang tawirin ang sandaling iyon para madama ito.

ZEKE, ANG LALAKI SA MAY BINTANA (UNEDITED VERSION)Where stories live. Discover now