CHAPTER TEN

4.1K 124 7
                                    

"TAMA NA 'yan," pigil ni Zeke sa pang-apat na boteng tinutungga ni Wenggay. Alam niyang lasing na ito dahil madulas na ang dila nito. Kung kanina ay tahimik lang itong umiinom, ngayon ay parang bumalik ito sa katabilan noong teenager. Bago pa nito tuluyang maubos ang isang bucket, pasimple na niyang itinago ang natitirang bote at binuksan ang isa para inumin.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na ito nakapag-reklamo. Marahil ay hindi na nito pansin iyon dahil may tama na ito. Halos ayaw siya nitong bigyan at balak talagang magpakalasing. Kahit anong taboy nito ay hindi siya nagawang pauwiin. Halatadong inis na ito kaya hayun, nagpakalasing sa harap niya.

Sina Zander at Jenny ay lumabas na. Nagalala si Jenny sa kaibigan pero sinabihan niyang siya na ang bahala kay Wenggay. Alam niyang kailangang magsarili ng dalawa dahil tulad nila ay marami rin silang dapat pagusapan. Matagal na hinanap ni Zander si Jenny dahil huli na ng maisip nitong mahal nito ang babae. Tulad niya ay malaki rin ang naging kasalanan nito sa babae.

Totoong hinanap niya si Wenggay. Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa bahay nito magmula ng mabasa niya ang sulat nito sa kanya. Halos masiraan na siya ng ulo dahil hindi siya nakapagpaliwanag nang maigi rito. Pagdating ng mga magulang nito buhat Cebu ay doon lang niya nalamang hinatid na pala ng mga ito si Wenggay doon para mag-aral. Parang binagsakan siya ng langit dahil matagal bago pa niya ito makikita o baka hindi na. Gayunpaman ay nagpaliwanag pa rin siya pero humiling sila na hayaan na lang niya si Wenggay.

Lalo siyang nakonsensya nang malaman ang naging epekto ng lahat dito. Ramdam din niya ang sakit, tampo at pagmamahal nito sa sulat. There's nothing he can do but to blame himself for being rude to her. She was just a kid, for Christ's sake! And what did he do about her innocent feelings for him? He dumped her at early age!

Bago umalis si Trina papuntang Rome para magaral ay nagtapat ito sa kanya na totoo ang sinabi ni Wenggay. Inamin nitong may mga nasabi itong hindi maganda sa CR at idinamay ang ama nito na siyang nagtulak sa babae para gumawa ng ganoon. Sinabi pa nitong personal na humingi ng paunmanhin si Wenggay dito at dahil doon ay nabilib siya rito.

Yes, she was a kid but she suddenly grew mature in a short time. Alam nito na mali ang ginawa nito at itinuwid iyon sa paghingi ng paunmanhin. Hindi niya inaasahan iyon pero natutuwa siya. Ang totoo'y kahit hindi ito nagbigay ng sulat ay gusto din niya itong makausap ng humupa na ang galit niya dahil hindi siya natuwa sa nagawa nito. Sa huli ay nanaig pa rin ang damdamin niya at naisip niyang may mali rin siya.

Hindi man lang niya ito pinagpasensyahan at binigyan ng pagkakataong ituwid ang lahat. He end up rubbing to her face how bad she was and she pissed him off. He knew, he owes her an apology for crushing her feelings just like that.

Bagaman hindi magaan sa loob niya ay pumayag siya sa sinabi ng mga magulang nito at nag-concentrate sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos. May mga naging girlfriend rin siya pero si Wenggay pa rin ang hinahanap niya. Ang mga inosente nitong pagtingin, mga pagpapa-cute nito, ang mga sulat nitong personal pa nitong binibigay at ang hayagan nitong paglalahad ng damdamin.

He missed everything and when he realized how much he loves her, that was his karma. He ended up like a hollow man every day because she left. Itinuon niya ang matinding lumabay sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos. Pumasok siya sa BR Manansala Builders kasunod si Zander dahil nauna siyang natapos dito. Nang matapos kasi sila ng high school noon ay hinanap nito si Jenny ng isang buong taon dahil wala na ang pamilya nito sa Mindoro.

Walang makapagsabi kung nasaan siJenny dahil maging ang buong pamilya nito ay naglahong parang bula. Nalaman dinnilang wala rin ideya si Wenggay dahil sinabi iyon ni Omeng sa kanya nakaibigan ng kuya Zoilo niya. Matabang ang pakikitungo sa kanya ng lalaki atnaiintindihan niya. Sa isang simpleng salita nito na pasalamat daw siya dahilwala ito noong pinaiyak niya ang kapatid nito. Kung nandoon daw ito, bakabaldado na siya ngayon.

ZEKE, ANG LALAKI SA MAY BINTANA (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon