CHAPTER 20

53 1 2
                                    

CHAPTER 20

Lexi

Lexi. Ang sorority leader…. Sorority.. hindi ito ganon ka serious ha. Grupo lang kami ng babae na mag kakaibigan. War freak.,,, we all know naman kasi that sorority is just for college students. Like eww. Why? Kung pwede naman sa high school. Any way. Kinatatakutan kami dito sa school because we hurt people daw kasi. Ugh…

Okay okay. aamin ako maarte talaga ako.

Duh. Mayaman ako no.

And I was shocked sa isang katulad ko natakot kay Louise. Sa sinabi niya.. nakakainis. Yes I admit natakot ako but hello!! Over my dead body hindi ako papatalo saknya.

Sila na ni Liam. Ang aking ex boyfriend oh well. Sorry siya.  I will do everything para magbreak sila.

My gosh ang ganda ko kaya. Tapos iiwan lang ako ng lalaking mahal ko.

At siya ang pipiliin?!!!

It’s so unfair…

Para sa iba. Masama ako. pero I don’t care. Masama rin naman si Louise saakin eh.

She derserve this.

I ditch the class since sinabi ni Louise  saakin yon.

Hindi ako pumasok for a week.

Ayoko makita yung mukha nilang dalawa ng ex ko. So irritating

Hindi sila bagay…

I would love to ruin their relationship. ..

----

Louise

Isang lingo na hindi nag papakita si Lexi saakin..

Anyare??natakot?

Serves her right.. ingat ingat kasi sa binubunggo

Pero seriously guys…

i…have… no… idea kung ano nanaman ang binabalak niya.

Malay nyo nag lalakad lang ako tas biglang may hahablot saakin tapos isasako ako kukunin ang lamang loob ko at mapupunta na ako sa heaven.

Wah!!!! Creepy

Hay erase na nga.

Pero seryoso… natatakot din ako sa kung nong pwede niyang gawin

Kahit naman sabihin natin na palaban ako eh meron at meron padin akong kakatakutan..

“panget!”

“ay kapal ng mukha!”

Ugh!! Liam. anong problema nitong taong to? Grabe. Lagi nalang nangugulat.

“naipasa ko na yung project natin”

“aba mabuti naman. Ikaw na nga yung walang  tinulong eh”

“aba tinulungan kita. Ikaw nga tong tinulugan lang yung ginagawa eh”

“eh sa inantok ako eh.manhid ka kasi”

Ako pa sinisi nito.

Siya nga tong kokonti nalang yung ginawa eh.

“Louise”

“ano bang problema mo?”

Kainis di nalang ko tantanan sarap ng kain ko eh

“may lakad ka mamaya? Kain sana tayo sa labas. Wala akong kasama eh”

“are you asking me on a date?”

“date your face!! Nag hahanap lang ako ng kasama at hindi kadate. Feeling nito”

“kay fine. Libre mo”

“ikaw kamo yung mayaman na mahilig mag palibre”

“asa ka. Ikaw nag aya eh alangan naman ikaw pa ilibre ko. Ano ka sinuswerte?”

“okay okay… libre na kita”

“wag na nahiya naman ako sayo.”

Tumahimik na kami at kumain ulit.

Ano ba? Bakit parang may something nung tinanung niya ako kung pwede lumabas mamaya…

anoba yan… salamat nalang at madali ako maka recover. Pero eto bumabalik nanaman ah!!!!

Tama na O.A di naman ako kinikilig no?. ay ewan ewan ewan ewan ewan…

Hindi ako pwedeng mainlove sa kutong lupa na to.. ang yabang yabang niya kaya..

“uyyy” tawag ko

“hm??”

“pwede moko samahan maaya?”

“saan?”

“bibili ng brazo de Mercedes”

“sus. Sana sinabi mo nalang na gusto moko maka date.”

Hmm ano ba to ang hangin talaga eh

“wag na. mag isa ko nalang salamat nalang”

“eto naman di mabiro samahan na kita baka bigla ka nalang kidnappin  lampa ka pa naman”

“excuse me. Paki ulit yung sinabi mo?”

“bawal ulitin sa mga bingi. Haha. kumain ka na ng makabalik na tayo sa room. Malapit na mag time”

And there… mabilis natapos ang oras.. marami naman kasi akong ginagawa. Isang lingo na din ang nakaraan kaya ayan. Patong patong na Gawain..

Balik nanaman tayo sa walang tulugan mode. Wala eh … sa masipag ako… pero sa totoo lang tinatamad ako. haha :D

Pero kasi kailangan mag sispag eh :D

Here we are…

Uwian na. kaya… letsssssgo!!!

Kanina pa ako nag ccrave ng cake eh. You know stress… :D

Yun lang naman ang stress reliever ko eh ang lumamon ng lumamon.

Punta kami sa kung saan saang bilihan ng pag kain

Hanggang sa napagod kami at tumambay muna sa mcdo

“Louise”

“hmm?”

“hindi ka na ba takot kay Lexi?”

Ano nga ba takot ako o hindi ? minsan di ko din maintindihan sarili ko eh

“hmm 50-50.. minsan di ko alam kung mag papadala ba ako sa takot ko o hindi.”

Tinawanan lang ako… aba tong kupal na to may gana pang tumawa
Ilagay ko kaya sa kalbaryo ang buhay niya.

“anong tinatawa tawa mo?”

“wala lang. haha. Hindi kasi halata sayo na natatakot ka saknya eh” -Liam

“eh? O tapos? Alam mo ikaw. Dapat Ikaw yung prumoprotekta saakin eh. Kasi ikaw yung lalaki…” kalalaking tao bakla.

“kaano ano ba kita?”

“ah Ganun??? Parang wala tayong pinag samahan ah”

“joke lang. tara na uwi na tayo. Pagalitan ka pa ni tita” concern ba yan talaga?

“he. Excuse me. Hind naman ako ang pagagalitan eh … IKAW”

“hay ewan ko sayo .. tara na”

There umuwi na kami. Nabili ko na yung gusto kong bilhin eh. :D

Bakit ang saya niya kasama? Kahit na lagi nalang ako nilalait???

Bakit Ganun? Yung little heart ko.

----

Love Centrism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon