CHAPTER 6

65 1 0
                                    

Chapter 6

 Liam

Mag gagabi na din nung bumalik ako sa unit ,nag take out ako para pag dating ko kakain nalang kami. Since meron naman ng gamot duon  hindi na ako namili.

Pag dating ko sa unit tahimik at madilim. Parang walang tao.

“Louise..”

Pag tawag ko pero walang sumagot. Pinuntahan ko siya sa room andun naman siya tulog nga lang.

Chineck ko yung temperature niya. Mainit pa siya.

Nag punta ako sa table para tignan kung nabawasan yng gamot niya.

Aits. Tsk. Louise naman. Grabe ka mag pahirap sa sarili mo. Iinumin lang yung gamot hindi mo pa magawa.

This time tutunawin ko nalang yung gamot niya para uminom na siya. Kahit yun lang pag hindi na talaga gumana to ewan ko  nalang mapipilitan akong tawagan  si mama. Pag walang talab final na. si tita na ang tatawagan ko.

Bumalik na ako sa kwarto at nakita ko na siyang nag ce-cellphone kaya Kinausap ko na.

“ano? Di mo ininom  gamot mo. Tigas ng ulo mo. Kumain ka na dun”

“shhhh!!!”

Makikipagtalo pa eh kakain din pala . Sinimulan ko ng gawin yung plano ko.

Hindi ko alam pero lahat na gagawin ko mapainom ka lang ng gamot Louise. Bakit ka ba ganyan?ginugulo mo ang tahimik kong mundo. Yung hindi ako namoroblema nuon, ngayon kailangan ko ng gamitin ang utak ko.

----

Nung natapos siya kumain inabot ko sakanya yung baso ng tubig at hawak ko yung tinunaw kong gamot.

Tinaasan naman niya ako ng kilay.

“inumin mo to” matapang kong saad

“A-YO-KO! AYOKO!AYOKO!” pag mamatigas niya.

“IINUMIN MO BA TO OH ISUSUMBONG KITA KAY TITA NA PINILIT MO KO MAKIPAG GIRLFRIEND?”

“ hoy! Ang kapal mo hindi kita pinilit humingi lang ako ng pabor.”

“IINUMIN MO TO O ISUSUMBONG KITA KAY TITA AT TITO SA MGA KALOKOHAN MO SA SCHOOL?”

Tinignan niya ako ng masama. Wala naman siyang ginagawang kalokohan sa school. Nambubully lang naman. Pero kahit minsan lang siya nambubully eh kalokohan padin yun

“IINUMIN MO TO O ISASAKSAK KONG PILIT TO SA BIBIG MO?”

Nakaka stress tong babaeng to. I can say that this girl is hard to handle. Hard headed. Oo maganda siya mabait siya pero mahirap siya ihandle pag dating sa ganito. Pag ayaw niya ayaw niya. Kailangan mo pang mag dasal , lumuhod kung kinakailangan , mag makaawa at kung ano anong ritual para mapainom lang siya. Eto na nga at kung ano anong ka ek-ekan ang naiisip ko mapainom lang siya.

Sinubo ko na saknya yung kutsara na may gamot.  Ang sarap isaksak tong kutsara sakanya nakakaubos siya ng pasensya pero kahit Ganun eh hindi ko yun magagawa.

Nung huhugutin ko na yung kutsara sa bibig niya bigla niyang kinagat at tumingin sakin
tapos nangigil. Haha! Halatang naiinis siya..

Uminom siya agad ng tubig at muntik na din siyang nasuka.

“lang hiya ka Liam! Papatayin mo ko! Ang pangit ng lasa!”

“tiisin mo yan kung gusto mo gumaling”

Love Centrism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon