CHAPTER 5

76 1 0
                                    

Liam

"Liam??.."

Bigla kong itinigil yung ginagawa ko nung narinig kong tumawag si Louise pinuntahan ko siya at sumandal sa wall.papikit pikit yung mata niya kaya Kinausap ko siya.

"hanggang panag inip mo ba pag nanasahan mo ko?"

Biro lang yon haha. Alam ko naman na hindi ako magugustuhan netong babeng to eh.

"Kapal talaga ng mukha mo. Ano tong nasa ulo ko?"

"ahas. Malamang basang pamunas ano pa nga ba?"

"bat ako may ganito?"

"mainit ka kasi kanina. Pasalamat ka binuhat pa kita. Para akong nag buhat ng dalawang sakong bigas."

"ang yabang mo naman talaga. Hindi naman ako Ganun kabigat"

"biro lang haha. Kamusta na pakiramdam mo?"

Again! Joke lang kasi mabigat ka talaga Louise pero buti nalang nakayanan pa kitang buhatin.

"ayos lang"

"yan nanaman yang ayos ayos na yan. Nilalagnat ka na nga eh ayos padin ang sagot mo."

"malay ko ba kung sadyang mainit ako at malamig lang ang kamay ko."

"kumain ka na don at para makainom ka ng gamot."

"k. kakain ako pero hindi ako iinom ng gamot."

"ano?! Uminom ka"

"ahmmm. Ano kasi masakit lalamunan ko kaya mahihirapan ako lumunok. "

"yun na nga eh kailangan mo uminom ng gamot para gumaling ka."

"ahh.. ano.. kasi.."

"kasi?"

"gagasgas sa lalamunan ko. Masakit"

"ang dami mong rason.. uminom ka ng gamot."

"ano kasi... hmmm."

"ano nanaman ang palusot mo?tigil tigilan mo ako"

"kasi. Di ako marunong uminom ng tablet.Promise"

At tinaas pa niya ang kanang kamay niya

Nasapo ko ang noo ko. Ang sakit mo sa ulo Louise. Ang tanda mo na hindi ka padin marunong uminom ng tablet.

"sige.dudurugin ko nalang yung tablet."

"ayoko!!!"

"bakit?"

"mapait yun eh"

"kailangan mo tiisin."

"leche ka! Baka ipalaklak ko sayo yun para ikaw ang mag dusa hindi ako!"

"ang arte mo talaga. Anong gagawin mo? Ganyan ka lang? papalalain mo yung sakit mo? Tapos dadalin ka sa ospital tapos iiyak sila mamamatay ka n-aray!"

Ikaw ba naman batuhin ng unan. Hindi masakit pero feel ko umaray hehe.

"tigilan mo na ako ha."

"oo na basta kumain ka na at magpahinga"

Hay ng daming seremonyas bago mapakain tong babaeng to. San ba ito pinaglihi ni tita at ang hirap kausapin?

Pero Salamat naman na at matapos ang napakaraming sumbatan eh sumunod na din. Eto na yata ang pinaka malalang babaeng nakilala ko. Yung iba lambingin mo bibigay na agad. Eto naman lambingin mo babarahin ka. Kausapin mo makikipag talo pa. san ka pa? hanep.

"hindi ako live show para panuorin mo."

Sakto pikon siya. Hahaha aasarin ko nga pero di masyado. Mahirap na baka isilent treatment nanaman ako nito. Magu-guilty nanaman ako pag nagkataon.

"kapal naman ng mukha mo. Di naman ikaw yung tinitignan ko natulala lang ako a may iniisp ako."

"ahem! Miss mo na yung oh so ever-loving girlfriend mo no?"

Peste! Sapul! Eto ang ayokong topic. peste yung babaeng yon. Lexi? Tss as if naman sa ibang babae tumitibok ang puso ko. At kundi dahil dito sa babaeng to sana nakapag confess na ako sa babaeng mahal ko. Kundi dahil sayo Louise sana nasabi ko na saknya...

"silence means yes..."

"tumahimik ka nga."

"okay fine. Pero di mo parin pwdeng itago na di mo sya namimiss. Haha kasi kanina ka pa tulala eh."

Peste talaga tong babaeng to. Napaka sutil.

"kung yun ang iniisip mo eh bahala kasa buhay mo. tsss"

Pag tapos ko sabihin yun lumabas ako.

Louise

Nagising akong may mabigat at basa sa noo ko. Tinawag ko si Lian. Lumapit naman siya pero nagawa pa niyang mang inis. Sinabi niya rin na nialagnat ako. Shoot! Kaya pala. Hay. Pero seryoso? Nakaya niya ako buhatin ?

Malamang. Kayang andito na ako eh hay nako utak naman.

"kumain ka na don at para makainom ka ng gamot."

Nako. Eto na ang ayoko. Kumain oo okay lang. gagawin ko. Pero uminom ng gamot? Wala ata sa vocabulary ko yun. Ayoko nga ang pait pait ng lasa kadiri. Titiisin ko nalang na may sakit ako ng ilang araw kesa naman uminom n pait na gamot. Pff

Sa sobrang pangungulit niya umabot kami sa kanyang beloved girlfriend haha! Ang pikon niya grabe. Nakakalurkey. Hindi ko maintindihan bakit ang init ng ulo niya kay Lexi. Eh ang bait bait nga ni Lexi eh. Maalaga pa. matalino. San ka pa? ilang beses ko na bang isnabi na jackpot na siya? Pero nakakapagtaka talaga bakit ayaw niya? Madali lang naman matutunan na mahalin si Lexi eh.

Anyway lumabas na si Liam at ako ay busy kumain. Mejo okay naman ang pakiramdam ko so why take medicine? Haha!

The moment I finished eating, hinanap ko ang dslr at tinignan ang mga kuha nya. So far so good. Magaganda naman. Kaso yung requirement namin na mag take ng pictures eh wala. Ang meron saamin ay mga stolen shots.

.

.

.

.

.STOLENSHOTS?!?!?!?!

Ambots naman. Ang dami kong stolen shots dito, pero okay lang haha ang ganda ko kaya. Ahooo!! Ang hangin!!!

After an hour

Tinabi ko muna ang mga nakakalat na gamit at natulog. Akala ko okay na ako. Eto nanaman ang nakakaramdam nanaman ako ng panghihina. Itutulog ko muna. Hoping na sana pag gising ko eh magaling na ako.

----------

Mejo sabaw eto. (^_^)V peace!!!

Loveyah!!! Yung mga nag babasa padin Salamat kahit may pagkasilent reader kayo.

Read.Vote.Comment

Comment okay lang kahit nega pero wag naman sobrang lait ha. Maskit din yun. Comment na nega na alam nyong makakatulong sa story ko hehe thank you J pero sana may mag comment din na maganda. pero wag naman lahat. If there is a strong point in you, there will always be flaws in you.

Love Centrism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon