CHAPTER 9

53 0 1
                                    

CHAPTER 9

LOUISE

Nagising akong nandito na sa kwarto

Gosh di ko manlang namalayan na nandito na pala kami. Anong oras  naman kaya kami naka uwi?sino kaya nag buhat saakin? Paano kung si Liam? Naku nakakahiya na. pangalawang beses na niya akong binuhat.

Naku…….

Bigblang nag vibrate yung phone ko kaya Kinapa kapa ko ang phone ko sa paligid ko hanggang sa nakapa ko na at tinignan ko kung sino ang nag text

2 text message (Liam Baliw)

Problema nito?

From: Liam Baliw

Gusto ko lang ipaalam sayo na AKO ulit ang nag buhat sayo. Pabor lang sana mag bawas ka naman ng timbang mo. Wag kang lumamon ng lumamon. Ang bigat mo kasi eh. Maawa ka naman saakin. Yun  lang bye.

Kapal at sinabi ko ba kasing buhatin mo ako?

From: Liam Baliw

Hi, gising ka na ba? Well if not. Eat dinner when you wake up and take your medicines para gumaling ka na talaga. Inumin mo yan wag mong antayin na isaksak ko ulit yung gamot sa bibig mo. :)

Huwaw! Makapag salita. Ano kita boyfriend?

Landi mo.

To: Liam Baliw

Mag hanap ka ng girlfriend mo! Peste ka!wag kang feeling boyfriend ko. Well kung ayaw mo ng girlfriend edi mag hanap ka ng BOYFRIEND. Kagigising ko lang panira ka ng gising.

Biglang may kumatok sa pinto ko.

“come in”

“hello my princess”

“hello ma”

“wake up ka na, kakain na tayo. Ang tagal ng tulog mo”

“hehe. sorry po. Napagod eh”

“wala ba akong kiss from my princess?”

Mommy talaga nag papalambing. Umupo ako and kiniss siya sa cheek

“we’ll go to Cebu tomorrow”

“what?! Really? Swimming tayo ma?”

“yes of course pero since dalaga ka na. I want you to wear this tomorrow.”

“what is this?”

Nilabas ko yung laman nung paper bag. Two piece and yung isa pang sinusuot sa top nun yung damit na makikita padin ang loob yungmay butas butas. Base sa pagkakaalam ko sarong daw ang tawag dun. And then shorts na maikli na pang beach

Napangiwi ako sa nakikita ko

“ma naman. Labas na yung buong kaluluwa ko nito eh. Besides suotin ko man to o hindi  wala ring mag kakainteres saakin. Kung meron man eh baka lunurin ko pa sila.”

“anak naman. Look you have a very beautiful body. Sexy ka, maganda ka, makinis, maganda ang balat. Almost perfect baby sige na try mo naman mag suot niyan”

“one word ma … EEEWWW”

“ Hey maganda yung place ha.”

“then?”

“wala gusto ko lang ternohan mo yun ng kasexyhan mo”

“ma naman eh. I can appreciate the place without even wearing these kinds of clothes.”

Love Centrism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon