CHAPTER10

52 0 0
                                    

Liam

Pagka sabi ni Louise na burahin ko lahat ng pinost ko, binura ko na agad. Galit na eh. Hanggang ngayon naka online padin ako nag aantay ng notif galing sakanya. Hindi na ako natulog para lang sa sagot niya. Ang OA lang diba? Sabi niya kasi mag oonline siya.

Sana mamaya mag online na siya.

Higa/fb/tambay/eyebags/puyat. Yan ako nasa sala ako at hinihintay sila mama para makaalis na.Ngayon ang flight namin papuntang Cebu.

Since wala akong magawa tinignan ko nalang yung sa inbox ko

At nakita ko ulit yung message ni Tita

"Liam,pabantay sarado naman si Louise bukas ha . good night!  "

Anong meron? Bakit kailangan ko bantayan si Louise? May dala kaya siyang boyfriend? Aba! Isang malaking himala ata yun ah.

"Liam. Tara na ilagay mo na yung gamit sa van" utos saakin ni mama na  agad ko namang sinunod. mahirap na baka masampolan ako ngayon hehe.

Matapos ang ilang minuto  dumeretso na kami kila Louise.

Ilang minutes pa kami na stay bago lumabas sila tita pero si Louise wala parin. Hanggang sa nag sakay na sila ng gamit sa van

"Liam! Pasuyo naman oh. Puntahan mo naman si Louise sa kwarto niya"

Paghingi ng pabor saakin ni tita. Dahil sa mabait akong bata pinuntahan ko siya

Wala ng katok katok nakakainis kasi eh ang tagal niya.

Pag ka bukas ko sa kwarto niya.

Teka totoo ba itong nakikita ko ?

Baka naghahallucinate lang ako dala ng puyat?

Isang dyosa ang tumambad saakin.

NGA-NGA!

Bigla ako napalunok sa nakita ko.

Shoot! Ang ganda ng nasa harapan ko.

Ops! Ops! Ops!

Teka... BAWAL ANG GREEN MINDED... 

Dyosa siya dahil naka Mint green siya na damit.

Short and terno sa kulay ng damit niya na walang sleeve.At naka tack- in.Ang ganda niya, Bagay sakanya. Maputi kasi siya. Tapos  Flats lang pero.... Wow! Ang ganda talaga.

"huy!"  isang clap niya.

Bumalik ako sa katinuan ko nung nag salita siya. At kinuha yung bag niya.

Since wala na silang kasambahay dahil malapit naman na ang Christmas ay nilock niya ang pinto.

"anak! Ang tagal niyo"

Reklamo ni tita.

Pagong kasi kumilos eh.

"sorry ma." Sagot naman ni Louise

"o ano? Tara na!!!"singit naman ni mama

Dalawa kami ni Louise sa  likod ng van naka earphones siya habang nag babasa.

"bawal magbasa pag nasa sasakyan ka"

Pagpaparinig ko saknya. Kinalabit ko siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin kaya tumahimik nalang ako.

Bigla kong naalala yung sa facebook. Palpak Liam!!! Di padin siya nag fafacebook.

Maya maya pa clinose na niya yung app tapos pinikit ang mata niya. Sakto naman na merong unan kila mama kaya kinalabit ko si mama at hiniram yung unan.

Gusto ko siya isandal sa balikat ko pero kinakabahan ako.

Bakit naman ako kinakabahan? Patay malisya lang?

Inabot ko yung unan sakanya at tinanggap naman niya.

Sa ilang minuto akong nakatingin sakanya. Humindi nalang ako baka mag isip pa ito ng kung ano ano.

Ginugol ko ang  oras ko kakaisip kung lalapit ako. Part of my brain says lumapit ako. But half of it says wag na nakakahiya.

Nakakabaliw pala mag isip. Kakainin ang utak mo.
Nakaka bobo.

Nung napagisipan kong isandal siya sa akin ang bigla namang nagsalita si mama.

"gising na!!!! andito na tayo sa airport!"

Aish! Mama! May kasalanan ka! Malapit na eh. Konti nalang! Arg. Nakakainis. Ayan! Nagising na siya. Hay. Sayang. Moment ko na eh. Heaven na eh.

Wala nga pala masyadong traffic kaya mabilis kami nakarating.

Hay. Bumaba nalang kami sa van at tinulungan ko na din si Louise. Ewan ko ba wala sa vocabulary ko ang "gentleman" pero hello eto ako tinutulungan ang babaeng kasama ko. pssshh

"dala mo dslr ko?" sawakas nagsalita rin.

Tinignan ko lang siya at ngumiti ng pilit kunwari hindi ko dala. Kunwari naiwan ko...

Pero kunwari lang... kasi dala ko at "ah oo dala ko."

Sabay ngiti ng malapad.

dala ko na agad kasi sinamaan na ako ng tingin eh. Nakakatakot pa naman itong babaeng to.

Hanggang makarating kami sa waiting area di ako umalis sa tabi ni Louise gaya ng sabi ni tita. Pero lintek! Andito palang kami sa airport may matang nakatingin na agad kay Louise eto ba yung sinasabi ni tita kaya siya pinapabantayan?

So wala talaga siyang boyfriend? O baka naman padating palang yun? Pero sana wag na siya makarating.

Sinamaan ko ng tingin yung lalaki kaya tumingin siya sa ibang direksyon..

Sa ilang minutong paghihintay sawakas ang andito na din kami sa eroplano. Ready to take off na. hindi pa man nakakalipad ay handa na si Louise para matulog sinandal niya ang ulo niya. At eto nanaman ako nakatingin sakanya.

Ito nalang ba ang gagawin ko sa tuwing natutulog ka? Kung hindi ka tititigan eh kukuhanan ng litrato. Ano ba ako?

Anong meron sayo Louise?bakit ka ganyan? Napaka miteryoso mong tao. Andami kong hindi alam sayo pero matagal naman na tayo magkakilala.

Mahirap pala yung kasama mo halos araw araw pero hindi mo lubos kilala dahil napaka daming lihim. Ang hirap. Nangangapa ako sa mga bagay na gusto at ayaw mo. Yung mga pinagdaanan mo na hindi ko manlang nasu-baybayan.

Sa mga panahong walang-wala ka ng chansa nasaan kaya ako. I wonder if I was there beside you during your tough times. ? If not. I just wish. I was there to watch over you.

--------------

Love Centrism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon