CHAPTER 3

69 1 0
                                    

Chapter 3

Liam

Asar talaga tong babaeng to. Siya lang ang babaeng nasisigawan ako bukod kay mama. Yung mga babae sa school at sa kung saan saan hindi ako nasisigawan pero eto ughhh. She's getting into my nerves. Pero kahit Ganun di ko siya kaya patulan. Ewan ko ba kung bakit.

"what?! Bat mo ako sinusundan?" Tanong nya

"yuck! Ikaw? Susundan ko? Kapal mo"

Oo! Sinusundan kita! Baka kasi mawala ka nanaman eh. Nakakapagod maghanap eh.

"Louise.." tawag ko sakanya.

"ano?" Naiirita nanaman siya.

"daan tayo sa fastfood take out tayo ng pagkain"

"ayoko, di ako kakain" sinapian nanaman ng pagkasaltik sa utak.

"ayos ah! Pag ginawa mo yun mapapatay ako ng mommy mo.!"

"ayos lang... ikaw lang naman eh."

san ba nakakakuha ng lakas ng loob tong babaeng to para sagutin ako ng ganun?

Hinatid ko muna siya sa hotel saka ako umalis at naghanap ng fastfood.

Buti nalang meron akong nadaanan kaya napabilis ang pagbalik ko.

Mabuti na to kesa mawala nanaman siya ng bigla bigla.

"namili ako ng pang dinner, kain ka na" pagsalubong ko saknya pagpasok ko sa room

"ayoko."

"so talagang paninindigan mo yung sinabi mo."

"oo naman."

"okay sige sabi mo eh. Wala na akong kasalanan pag sumakit tyan mo ha"

"okay."

Nakakainis talaga tong babaeng to. Brat

Louise

Nagugutom na ako. Buti nalang naliligo ang ungas makalabas na nga.nakakaimbyerna yung kasama ko eh.

Naglakadlakad ako hanggang sa makakita ako ng fastfood kaya kumain na ako dun....

MAG-ISA. AS IN AKO LANG ANG KUMAKAIN MAG ISA KAYA NAG PUNTA AKO DUN SA SULOK AT TUMALIKOD SA MGA TAO.

Nakakahiya naman kasi na kumakain ka mag isa tapos gabi pa. diba! Ang sad ng buhay ko. Nag earphones at nag music nalang ako habang kumakain. Para ma-enjoy ko naman yung nilalamon ko.

Aware ako na matagal na ako pero the hell I care masarap kumain eh

Chineck ko yung phone ko.

Yah!!! Ang daming message! Bongga. Ahaha si Liam lang naman. Who cares? Aware naman ako na kanina pa siya tumatawag di ko lang sinasagot pero text?? Duh. Di ako aware. Ahahaha.bad na kung bad. Bakit? Hindi ba bad yung ginawa niya? Kung sabagay sabi ko din naman na ayoko kumain. Pero ngayon busog na busog na ako. Last 1 bite and I'm complete.

Bigla nalang may humila saakin at kinaladkad ako sa palabas ng fastfood.

Pilit kong inalis yung pagkakahawak niya sa kamay ko nung nandun na kami sa labas.

"masakit ha!"asar! Kamay ko. Letche ka pag ako nagkapasa humanda ka.

"ilang beses ko bang sasabihin na wag kang aalis ng hindi nag papaalam sakin?!"

Love Centrism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon