TC 31

985 24 9
                                    

A pleasant day po sa lahat ng bumabasa... Sana po ay okay lang kayo palagi. At sana ay masaya din. Well, before I proceed gusto ko ulit magpasalamat sa lahat ng mga walang sawang nagco-comment at nagvo-vote sa aking story. At lalaong lalo na sa mga nag-aabang ng next chapter.

Sila po sina @aiegnshar, @_itsmepatch_, @jailenash28, @pisces10, @ celquestin, @JericaJhoyInfante @danillebellevocal, @mimimimish_owtoo, @thekingsthrone, @ lady_joy86, @imaudracaldejon o @Jailene_FG, @ Mariekay12, @preciousnic and @Princess_Frozen24. Salamat po.

SHIRLEY's POV

Masaya na ang lahat dahil maayos na ang samahan ng bawat isa. Si Benj at Lexie ay nagkakaigihan na at si Kuya DJ dumadamoves na rin kay Chandria. Lalo na si Papa, walang sawa sa pagdalaw kay mama. At siyempre isama mo ang aking magaling at gwapong asawa. Akalain mong yayain ulit akong magpakasal. Pero talagang masaya ako. Dahil sa kasal namin noon. Puro sakit lang ang naramdaman ko. At kasama na ang takot.

Bhe may problema ba? Tanong ni Drake ng medyo napansin niyang nawala ang ngiti ko.

Nasa room kami at pinatutulog na si Baby Reuel. Bukas na ang binyag niya.

Ahh wala, naisip ko lang yung mga nangyari noon. Na kailangan kong maging matatag para makayanan na wag lumuha kapag nakikita kita. Sagot ko.

Napatigil ito sa pagbabasa ng hawak na diyaryo at napatingin sa akin. Binitawan ang binabasa at saka hinawakan ang kamay ko.

Bhe, please wag mo ng isipin ang bagay na iyon. Dahil hindi na mangyayari ulit ang ganun. Sabi pa nito sabay ngiti.

Alam ko, pasensiya na hindi ko na uulitin. Paghingi ko ng dispensa.

Okay lang! Ayoko lang kasi nakikita kang malungkot alam mo yan! Kahit noon pa di ba? Sabi pa nito.

Tama ang asawa niya. Masyado siyang spoiled dito noon. At kapag malungkot ako lagi na lang gumagawa ng paraan si Drake para pangitiin ako. Kaya lagi kaming nasa bahay na ito noon para manood ng favorite movie ko. 

Bhe ready na ba ang isusuot ni Baby? Ang mga give aways? Ang food? Sunud sunod na tanong nito.

Haysss Bhe relax. Tapos na po tinulungan ako ni Patty at Archie regarding sa food. And the give aways are ready na. Sagot ko.

Okay, eh ang damit? tanong nito ulit.

Mamaya dadalhin nila Kuya. Sabi nila dadalaw daw sila eh. Pagbabalita ko.

Okay, tipid lang na sagot nito.

DRAKE's POV

Pupunta raw ang mga in-laws ko. Si Papa alam kong okay na kami nakausap ko na siya at nakahingi na ako ng tawad. Pero kay Mama My hindi pa. Naging abala pa kasi ako sa mag- ina ko at sa opina. Dahil sa mga naiwan kong dapat unahin. Baka mawalan ako ng trabaho.

Ilang oras din ang lumipas at dumating na nga ang pamilya ng asawa ko.

Mylene salamat naman at nadalaw kayo! bati ni mommy.

Oo nga eh, naging busy kasi si DJ kaya hindi kami makadaan. Sagot ni Mama My.

Balae, kamusta? bati naman ni Daddy kay Papa Jhun.

Okay naman eto at sinusulit ang mga panahong hindi naksama ang mag anak ko. Sagot nito.

Ahhh kami rin! sagot ni Daddy habang papasok na sila sa sala. Kasi baka bumalik na sila sa bahay nila after ng binyag bukas. Malungkot na wika ni Daddy.

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon