TC 22

1K 18 7
                                    

Hi everyone? Kamusta po? I hope nagustuhan niyo pa rin ang UD ko well, ngayon medyo drama na meron konting comedy... naman eheheh... sa lahat po ng mga walang sawang nag-aabang ng mga UD ng Taking Chances ng JaiLene... Salamat. Sana po wag kayong magsawa.. ;-D

A/N; Nalaman na ni Drake ang posibilidad na siya ang tunay na ama ng batang dinadala ni Shirley. Pero paan kung mangyari ang balak ni Francis na ilayo si Shirley sa bida natin? Together na rin ang Papa ni Shirley, sana GV na ito par a sa buntis nating babaeng bida.

SHIRLEY'S POV

Posible ba ang nakikita ko? Si Papa nga ba ito? sabi niya sa sarili habang nakatitig lang dito.

Lumapit siya sa ama, at hindi na niya kinaya ang lahat ng damdamin. Alam niyang may galit pa rin siya sa ama pero hindi niya kailangang magalit ngayon. Kailangan niya ng mga taong pwede niyang takbuhan lalo na sa ganung kalagayan.

Paaaaaaaaaa, para man akong bata. Pero ganun ang naramdaman ko.

Niyakap ko siya at parang gusto kong humugot ng lakas sa kanya.

Anak, tahan na! awat ng ama. Baka makasama sa dinadala mo.

Pasensiya na po. sabi ko. Pa, buti narito ka, marami po akong dapat ikwento sa iyo.

Alam ko lahat. Sabi ng ama.

Paano pong alam niyo ang lahat? Tanong ko.

Dahil matagal na kitang sinusubaybayan! pag-amin nito.

Ahhhh so kayo po yung lalaking lagi kong napapansin na naka-matyag sa akin? pagka-klaro ko.

Oo anak, hindi ko kasi alam kung paano kita lalapitan kaya, naghanap ako ng pagkakataon. Paliwanag nito. Nakita ko si Benj na lumabas mula sa bahay niyo isang araw. At nag-aalala ako sa'yo kasi, noong dinala ka sa hospital, akala ko mawawala ka na sa akin, kaya binantayan kita. Gusto ko ng magpakita sa 'yo kaso, baka mas mapaano ka kapag nabigla ka. Kaya nagpalipas pa ako ng ilang pagkakataon.

Papa,,, oo may galit ako sa puso ko. Pero hindi po mahalaga ngayon ang bagay na iyan. Sabi ni Shirley.

Salamat anak! At hinalikan sya ng ama sa ulo.

Pa, hindi kasi ako magtatagal na. Aalis ako, pupunta kami ni Benj sa Canada, nasabi ba niya sa 'yo? Tanong ko.

Oo, siya rin ang nagsabi na kung nais ko ay samahan na kita. Dahil alam raw niyang mas kailangan niya ang isang kapamilya. Paliwanag ng ama.

Salamat Pa! at muli siyang yumakap dito.

Ilang sandali pa ay nagtaka si Shirley na hindi pa sila umaalis. Hinagilap niya si Benj sa paligid at nakita itong naka-upo sa isang silya malapit lang sa amin.

Benj, halika na! tawag ko.

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon