TC 19

1K 20 13
                                    

Hi guys!!! sana matapos ko ito para 2 chapters ang UD ko today. Talagang busy na eh. Happy Holy Week sa lahat!

 

 

A/N; Nangyari na nga ang kinatatakutan ni Drake na baka magbunga ang nangyari kay Shirley at sa macho dancer na iyon. Hindi nito alam kung ano ba ang tamang desisyon para sa kanila ngayon.

 

 

Tulad ng pakiusap ni Shirley, hindi muna siya umalis sa bahay na iyon. Ayaw muna nilang ipaalam ang mga nangyayari.  

 

--- oXo --- After 3 months --- oXo ---

 

 

SHIRLEY's POV

 

 

Drake, alis muna ako magpapa-check up lang. Paalam ko 

 

Hindi ito nagsalita at ni hindi man lang ito tumingin sa akin. Ayos lang simula ng maibigay ko ang sulat ko, hindi na ako umasa na magkaka-ayos pa kami. Tinatanggap ko na rin naman kasi sa buhay kong nawala na ang bestfriend ko at ang asawa ko.

 Maya - maya ay dumating na si Benj.

 

Drake, kamusta? bati nito sa asawa.

Okay lang, napadaan ka? Tanong ni Drake.

Ahhh! kasi naki-usap si Shirley na samahan ko raw siya. Magpapa-check up daw siya.  Sagot nito.

Ahhh oo, Drake. Magpasama na lang ako kay Benj, kasi sabi ko may lakad ka mamaya konti. Kaya hindi mo ako masasamahan. Paliwanag ko. Dahil tumingin  na ito ng masama kay Benj.

Okay lang Pare! para namang hindi ko kayo kaibigan nitong Misis mo. Sabi ni Benj.

Ahhh! oo nga Benj, pasensiya ka na ha. Importante lang kasi eh. Sakay naman nito sa sinabi ko. 

 

Ang hindi nito alam, alam ni Benj ang secret nilang mag-asawa. Kaya si Benj ay nasabihan ko na rin ng dapat at hindi dapat sabihin.

Hinatid pa kami ni Drake sa gate. Kunwari ay totoong may lakad ito. 

 

Paano Drake, hatid ko na lang mamaya si Shirley. Sabi ni Benj at kumaway na ito.

 

Kumaway lang din ito at hindi na namin siya nilingon.

 

Benj, salamat ha. Wika ko.

Okay lang! sagot nito. Nagulat siguro siya ng makita ako sa sala at nagbabasa lang ng dyaryo.

Oo alam ko. Halata naman sa mukha niya eh! Sagot ko.

So ano na ba kasi ang nangyayari? Medyo malaki na rin ang tiyan mo. Natutuwang hinawakan pa nito ang tiyan ko.

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon