TC 1

3K 43 4
                                    

" I love you, you love me,

Take this gift and don't ask why.

Cuase if you will let me,

I'll take what scares and hold it deep inside

And if you ask me why, I'm with you

And why I never leave...

My love will show you everything..."

Ito yung song sa favorite na movie ni Shirley, bestfriend ko!? Bakit ko ba siya ibinibida... Eh story ko ito... Kaya ako naman ang Bida this time.

Yes! By the way, ako po si Frederick Aquino Lagdameo. They call me Drake for short. Fourth year high school. Well, hindi naman po sa pagmamayabang... matangkad po ako, gwapo, matalino at magaling po akong maglaro nag basketball. Pangarap ko po ang maging sikat na basketball player someday. Pero kung hindi naman po papalarin,,, makasama ko lang po ang bestfriend kong si Shirley... ay ayos na.

 Shirley ano ba yan? Reklamo ko sa kanya.

Ano ka ba naman Drake, akala ko ba kaibigan kita... pagmamaktol pa nito.

Oo nga kaso naman, ilang beses na ba natin napanood na yan? reklamo ko pa rin. Mga one hundred times na? eksahiradong tanong ko.

Hindi naman mga 99 times lang, pamimilosopo pang sagot nito.

 

Ang tinutukoy ko ay ang movie ni Jennifer Love Hewitt na "If Only". Tungkol ito sa isang couple na taken for granted ang isa, and they have given the chance na mahalin ang isa't isa. Pero namatay ang isa.

 

Hayssss kasalanan ko rin naman, dahil bakit ba naisip ko pang bilhin yang DVD na yan para sa'iyo. Nagsisising sabi ko pa.

Bakit? Hindi ka na ba nagagandahan sa love story nito? tanong pa nito at binigyan na naman ako ng isang puppy eyes look.

Hayssss Shirley Bernardo, pinaandaran mo na naman ako ng kaartehan mong ganyan. Tumalikod na ako para iligpit ang mga ginulo niya sa room ko.Yan ang nakukuha mo sa kapapanood mo ng mga ganyang ka-dramahan, reklamo ko pa rin.

 

Kaso, paglingon ko ay wala na pala akong kausap. Nakita ko na siya sa bintana at sinisilip si Benj. Benjamin Jalbuena. Ang long time crush niya.

 

Hoy! matunaw naman yung tao sa kakatitig mo at baka mamaya magka-kuliti ka na, sabi ko pa.

 

Pero hindi pa rin ito natinag at ang sabi lang ay,,,

 

Drake pwede ba?,,, busy ako.

Wow Shirley kaya ka ba narito ay dahil sa makikinood ka at sisilipin ang crush mo? nagseselos na ako ha.

 

Pagkarinig ni Shirley ng sinabi ko ay dali-dali itong tumakbo papalapit sa akin. Inakbayan ako at sinabing.

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon