TC 17

1K 13 0
                                    

Hi guys!!! ano nakita niyo ba kung gaano ka-sweet ang JaiLene couple? Well ako kung ako masusunod they actually have a teleserye. Kahit na hindi sila yung Bida, pero yung maging cast lang sila okay na yun. Kaso i know hectic na rin ang sked nila minsan. And i baka maka-apekto sa studies. 

So, nasaan na ba ako? tagal kong hindi ng UD kasi naman busy na ako talaga sa work, minsan may raket pa. Hehehehe...

Natuloy pa rin ang kasal ng dalawa. Kahit pa nga si Shirley ay gusto ng hindi ito ituloy.  Unang gabi nila bilang mag asawa pero hindi sila nagsiping. At ang katwiran pa ni Drake,,,ay baka mamaya ay nabuo pa ang namagitan sa kanila ng macho dancer na iyon.

Lumipas ang isang linggo at natapos na ang leave nito. Kaya naman....

Drake, gising na! tawag ni Shirley sa asawa upang kumain.

Bakit ba? singhal nito. 

Bumangon ka na at baka ma-late ka pa sa work mo. Paalala ni Shirley.

Maaga pa! sigaw niya at tinulak niya si Shirley palayo sa kanya.

Nagulat si Shirley sa ginawa ni Drake. Kahit si Drake mismo ay nabigla rin. Napa-bangon nga siya sa nangyari eh. At pagalit na sabi sa kanya...

Kasi naman ang kulit mo. Sinabi ng alam ko ang oras ko. At derechong nagtungo sa banyo upang maligo na.

Sorry Drake,,, sabi na lang niya, na halos ay umiyak na sa nangyari.

Bumaba na siya at pinilit abalahin ang sarili sa mga gawaing bahay. May pasok din siya mamaya para sa review dahil ilang linggo na lang ay magte-take na siya ng board exam.

Iniwan niya sandali ang paglilinis ng room nila sa ibaba. Para askasuhin sana ang asawa. Pero ganun pa ang nangyari. Nag-decide muna si Shirley na hindi iligpit ang inihanda niyang breakfast para sa asawa baka kumain ito. Siya ay mamaya na lang siguro, pag-alis nito.

DRAKE'sPOV

Grrrrrr kainis talaga si Shirley! naiinis na sumbong niya sa sarili habang nasa banyo.

Nagmamaktol siya kasi ang panaginip niya ay noong nasa highschool pa sila ni Shirley. Meaning hindi pa nangyayari ang mga iyon. Pero ginulo nito ang panaginip niya.

Drake, ano ka ba? Muntik mo na siyang maitulak ng malakas paano kung nasaktan siya? Pinagagalitan pa rin niya ang sarili.

Hindi ko kasalanan iyon. Wala naman nagsabi sa kanyang gisingin ako. Sanay akong gumising sa oras ng pasok ko. Katwiran niya. habang ngayon ay nakaharap na siya sa salamin.

Siyempre! natural na gisingin ka kasi asawa mo siya at papakainin ka muna bago ka pumasok sa work. Sagot pa rin niya.

Ewan ko sa 'yo! 

At nagpatuloy na ito sa paliligo. Nang makatapos siyang maligo nakita niya ang lamesang may breakfast na para sa kanya.  Dahil isa lang ang plato eh.

Sinilip niya iyon pero hindi na siya kumain, kumuha ang siya ng isang hotdog at umalis na. Ni hindi na niya nakuhang magpaalam pa sa asawa.

Maghapon na hindi siya nakakatanggap ng tawag kay Shirley. Alam niya kasing walang oras na hindi nagtatanong ito noon kung kumain na siya. Pero ngayon,,, ni Hi! sa text wala.

Hello, okay ka lang? tanong ng isang bahag ng utak niya. Di ba ikaw ang nagbigay ng mga rules between the two of you? Bakit ngayon ay naghahanap ka?

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon