Chapter 42: Dead Festival

5.2K 137 38
                                    

Yenn's POV


"Ready? Just look at this, okay? There are four shots in total, so prepare your poses! In 3... 2... 1... CHEEESE!" paliwanag ni Josh sa isang barkadang nagpapapicture ngayon sa harap ng photobooth screen.

Habang kanya-kanyang pose ang mga estudyante ay inaabutan ko naman sila ng props. Tsk. Ako kasi ang duty ngayon. Habang piniprint ang picture nila ay kinausap ako ni Josh, iyong kaibigan ni Xyril na sa condo ko rin nakatira. Soloist din pala kasi ito kaya sa parehong booth kami nakatoka.

"Yenn, last mo na sila. Free ka na pagkatapos. Bukas na lang ulit."

I nodded. Salamat naman! Nang natapos sila ay umalis ako kaagad sa booth namin at naglibot-libot.

Today's Tuesday, second day ng Dead Festival. Opening lang naman kahapon ng umaga at visiting of booths noong hapon. Ano kayang meron ngayon?

Naglakad ako papunta sa malaking itim na schedule board.

8:00am - 11:30am - Visiting of booths
11:30am - 1:00pm - Lunch (Closed booths)
1:00pm - 2:30pm - Parade of the Dead
2:30pm - 3:00pm - Free time (Reopening of booths)

Ayos. Kakaunti lang pala ang activities ngayon. Napag-alaman ko ring maaga pala lagi ang uwian namin tuwing Dead Festival.

According to what I heard, parang halloween parade lang itong Parade of the Dead, sakto kasi sa undas. Kalahati lang sa bawat klase ang kasali roon at hindi ako kabilang kaya chill lang ako ngayon. Thank heavens.

I looked at my watch at 10:30am pa lang. Tch. Ang tagal pa! Wala naman akong kaibigang masasamahan para maglibot-libot sa mga booths. Magmumukha lang akong tanga kung magphophotobooth at marriage booth akong mag-isa, diba?

Nasaan na ba kasi ang Kara na 'yon?

Hell. Bakit ko nga ba siya hinahanap? Tss! Hindi naman kami friends...

Dammit. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong may napapalapit sa aking tao. Gumagaan ang loob ko at hindi kalaunan ay nasasanay akong nandyan sila palagi para sa akin. Nasasanay akong nasa tabi ko sila palagi kaya kapag umalis sila, ako ang naiiwang kawawa.

Ayoko. Simula noong ginawa ni Kio sa akin, I've become more scared than ever to be close to people who will all just probably leave and betray me in the future.

It's better to be distant and alone. I need to learn how to stand on my own feet without waiting for others' offered hand. I need to learn na hindi sa lahat ng oras, kailangan ko ng kasama. I need to learn all these things to counter the possible pain.

Maya-maya ay naisipan kong bumili na lang muna ng pagkain sa Styx at tumambay sa rooftop. Mabuti na lang walang tao pagkarating ko roon. Mukhang busy talaga ang mga demonyo sa mga booths.

Edi sige! Sila na ang nag-eenjoy. Tss.

Dumungaw ako sa railings. Kitang kita rito ang kabuuan ng Underworld. Noong una talaga, ang akala ko puro walang respeto ang mga nag-aaral dito kasi syempre... bagsakan daw ito ng mga patapon sa buhay.

But after spending a few months here, what I noticed is that kahit mahilig sa away ang mga tao rito, pumapasok pa rin naman sila sa mga klase at bihira lang din magcut. Odd, right?

From what I can remember from the welcome letter I got on my first day, pwede naman daw sumuway sa Underworld rules as long as kaya mong harapin si Hades. Kung gano at wala pa ring mga sumusuway nito, does that mean ganoon kalakas si Hades para matakot miski ang mga basagulerong demonyo rito na kalabanin siya?

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon