Chapter 8b. Fishy Fight and.. RAPE!

343 15 4
                                    

"Wow ha. Akala ko naman, seryoso ka na sa 'I'll buy you a new phone' ek-ek mo dyan. Eh bat nandito tayo?!" tanong ko sa kanya kasi obviously, we're not in a phone store. Bakit naman kasi kami nandito? Bookworm ba siya? Eh ang boring naman dito! Tanging mga nerd lang nagpupunta dito pati mga taong malapit nang mamatay at wala ng magawa sa oras nila habang naghihintay kay Kamatayan. Naman oh.

"Im pretty sure we'll not gonna find a single phone here. Kahit China phone, wala!" Kainis talaga 'to. Paasa.

"Shh!" -Shell while walking continuously, as usual, dragging me like a cute little puppy.

Di kaya?

Ay, leche. Lagi na lang akong napapaisip.

Pero baka nga!

"OHMYGOOOOOD!"

"WHAT?" 

"DONT TELL ME, MAGNANAKAW TAYO, I MEAN IUUTOS MO SAKIN NA MAGNAKAW NG PHONE DITO?! IS THIS PART OF THE DEAL? I THOUGHT YOU'LL NOT MAKE ME DO ANYTHING AGAINST THE LAW?!" Tumigil siya sa paglalakad kaya naman nasubsob ako sa likod niya. Napalakas yata yung sigaw ko. Almost all of the people nearby are staring at us. Dahil Christmas season, ang daming tao!

"WHAT?! NO! May bibilhin lang tayo dito bago kita ibili ng phone mo. So shut up. Just follow me," As if I have a choice on following him diba, sa higpit ba naman ng hawak niya sa kamay ko at sa lakas ng hila niya sakin saan man siya magpunta eh. Di na lang ako sumagot. Libreng phone din yun! Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad pero yung mga tao nakatingin pa rin samin talaga. At super kapit pa sila sa mga bag at mga anak nila. Nakaka-conscious naman 'to.

Hanggang sa 'di ko na matiis..

"FALSE ALARM PEOPLE! FALSE ALARM! PWEDE NIYO PA RING IBANDERA YANG MGA PHONE NIYO! DI DAW PO SI SHELL MAGNAMUANKJAKAJSKJANSHUD--" Di ko na tuloy natapos yung sasabihin ko. Bigla kasing tinakpan ni Shell ng kamay niya yung bibig ko sabay hila sakin.

"Ahh.. Sorry po! She's just practicing her lines for a play later. Please dont mind her. Sorry. Sorry," sabi ni Shell dun sa mga taong nabulabog. Tsk. Kasalanan naman nila, mga chismosa kasi grabe pa makatitig.

"LETGOUMCNDHYFUHJDASHU!"

"Ano?!" tanong niya tsaka lang tinanggal yung kamay niya sa bibig ko. Shit, ang sagwa ng amoy nung kamay niya kahit inalis na niya sa bibig ko, tumatambay pa rin yung amoy sa ilong ko.

"ANG BAHO NG KAMAY MO!" sigaw ko.

"EH KANINO BANG TAE YUNG NAHAWAKAN KO, HA?!" he shouted back.

"SINABI KO BANG HAWAKAN MO?!"

"IF I DIDNT TOUCH AND REMOVE IT, MY FACE WOULDNT BE CLEAN. IDIOT," sigaw na naman niya. Ang dami na nitong tawag sakin, pansin ko lang. Namumuro na talaga 'tong lalaking 'to.

"IF I DIDNT TOUCH IT TOUCH IT OO NA OO NA! BILHIN MO NA YUNG BIBILHIN MO DITO SO WE CAN PROCEED TO BUYING MY NEW PHONE," I demanded. Kailangan niya talaga akong mabili ng bagong phone dahil una, siya ang dahilan kung bakit nahulog yung phone ko sa toilet bowl. Pangalawa, siya ang may kasalanan kung bakit di ko yun naisalba. At pangatlo, siya ang puno't dulo ng lahat kung bakit ako nasa banyo!

"Dont make a scene," babala niya bago niya ulit ako hilahin papuntang Business Section. Tsaka kumuha ng tatlong makakapal na libro, dalawang manipis at isang pocket sized book. Lahat yon, pinabitbit sakin. Napaka-gentleman!

"Psst! Uso basket. Ang gaan eh." I said sarcastically. Ang daming books nito. Mababasa niya ba 'to lahat? Show off lang yata 'tong mokong na to.

"No."

"Hoy, noba?! Kumuha ka ng basket! Bibitawan ko to!"

"Kaya mo yan," sabay lakad papuntang Food Section naman. Di ko na siya sinundan. Tumayo lang ako dun dala dala yung books na pinabitbit niya at baka dagdagan pa. Nakakaasar na 'to talaga. After a few minutes, may lumapit sakin na lalaking may suot na eyeglasses, messy hair at super tangkad.

Fix My Unfixable Heart (ON-HOLD)Where stories live. Discover now