Chapter 5. Home Sweet Home?

432 25 3
                                    

November 13 ~ 

 

Takbo.

 

Tumatakbo lang ako.

 

Ang bilis ng takbo ko. As in parang kahit cheetah, hindi makakakeep up sa bilis ko. Parang ako yung number 1 Roadrunner ng mundo. Na walang makakahabol sakin. Na walang makakapigil. Walang aabot. Na parang lahat ng magtatangkang habulin ako, mamamatay dahil mawawalan ng hininga dahil sa hingal at pagod. O yung ibang magtatangkang abutan ako, mababalian ng binti dahil sa sobrang layo ng agwat ko sa kanila. Na sa sobrang bilis ng takbo ko, feeling ko nasa ere na ko't lumilipad. Lumulutang. Pumapaalapaap.

 

Pero bakit wala akong makita?

 

Sobrang dilim ng paligid. Sobrang dilim, na nakakabulag na. Sobrang dilim na hindi mo sigurado kung nakadilat ka ba o nakapikit na. Di mo alam kung anong pinagkaiba sa dalawa. Gusto ko nang tumigil, magpahinga. Pero ayaw pa ng mga binti ko. Parang may sarili silang utak at buhay. Na wala akong magawa kundi magpadala sa mga binti kong walang kapaguran sa pagtakbo. Wala akong idea kung saan nila gustong magpunta, tumakas.

 

Eto na ba yung tinatawag nilang Kawalan?

 

 

Kawalan, di dahil di mo alam kung saan ka dapat tutungo.

Kawalan, di dahil hindi mo alam kung saan o kanino ka dapat tumakbo.

Kawalan, di dahil di mo na kilala kung sino ka ba talaga.

At lalong Kawalan, di dahil trip mo lang at walang magawa.

 

 

Kundi Kawalan, dahil wala ka naman talagang patutunguhan.

Kawalan, dahil wala ka namang matatakbuhan.

Kawalan, dahil wala naman talagang --- ikaw.

At lalong Kawalan, dahil kahit liwanag ng buwan, di magsisilbing ilaw.

Halos isang linggo na simula nung huli kong sulat sa diary ko. Kahit di ko naman direktang sinusulat yung talagang nangyayari sakin sa diary ko, dinadaan ko naman sa parang ganyan, yung ano bang tawag dito. Yung, parinig? Yung tipong "Read between the Lines". Naisip ko din habang pangalawang araw ko dito sa Zambales at bumabagyo pa rin, Isang linggo na rin simula nung.. nangyari sa bahay. Nakakatawa. Isang linggo pero parang kahapon lang. Parang kani-kanina lang.

Natrigger din kasi akong magsulat ng new entry sa diary ko after kong sagutan yung parang chain message kahapon sa email ko habang nakiki-wifi sa lounge area ng Cafe Tolyo Inn. Bored na bored na kasi ako sa room. Ring ng ring pa yung phone ko. After ko kasing i-reject yung call ni Sunny kahapon, umabot ng 228 yung missed calls! Mga baliw talaga yung mga ugok na yun. Buti nga, di nawalan ng connection yung wi-fi nila dito kahit bumabagyo eh. Kundi, matutunawan na siguro ako ng eyeballs sa sobrang boredom. Infairness, na-avert yung utak ko sa chain message na yun. Kahit medyo melodramatic yung topic, keri naman. Haha!

Ang drama ko. Pati yung panahon, nakikisabay din. Life nga naman oh. Parang death. Kelan ba titigil 'tong bagyo? Gusto ko nang maghanap ng mauupahan tsaka trabaho. Di magtatagal kasi, mauubos din 'tong pera ko. Namimiss ko na ding mag sculpt. Di naman ako pwedeng basta basta magsculpting dito. Makalat. Tsaka, wala rin akong materials. Tools lang, onti pa.

Fix My Unfixable Heart (ON-HOLD)Место, где живут истории. Откройте их для себя