Chapter 6. AB Finally Meets S.

427 26 10
                                    

  

"BOK BOK BOK BOK! BOK BOK BOK BOOOOK!" ang sabi ng manok.

Manok na ang pangalan ay Desiree.

May akay akay na sisiw.

"Tiktilaok! Tiktilaok! TIKTILAOOOK!" sabi nung sisiw.

Sisiw na si... Ako! -____-

How did my life turn out to be like this?

POK!

"Aray naman Des! Bat ka naman namamatok? Chick abuse ka ha! Ano bang meron dyan sa kamay mo? Tunay ba yan?!" I whined. Bakit naman kasi siya bigla bigla nalang namamatok? Kahit may suot ako sa ulo, tagos yung kamay niya to the bones eh! May pagkabaliw din 'to!

Oo. Ganyan na kami kaclose. Kalog din kasi kaya nagclick kagad kami sa isa't isa. Ewan ko ba dyan. Simula nung maging magkapitbahay kami, kung anu ano nang pinagkwekwento sakin. Feeling ko nga, 5 years na kaming magkakilala. Kung saan saan pa ko sinasama sa raket niya. Nung isang araw, tagabantay ng pwesto ng tiyahin niya sa palengke. Sumunod na araw, nagbenta naman kami ng napulot niyang bayawak sa pet shop. Tiba tiba kami nun. Tapos, tagahakot ng RTW's sa maliit na pagawaan papunta  sa mga buyers. Kahapon naman, nagukay ukay sa public market! Tama. Sa public market na wala kaming kakompetensya kundi yung malalansang isda, hipon at kung anu ano pang lamang dagat! At dahil December na nga, patok din yung DIY's niyang Christmas decors pati na rin yung mga hand sculpted figurines ko. Marami pang iba eh. Legal man o hindi, pinapasok ng babaeng 'to. Pero hindi drugs ha! Siya na talaga si Superwoman.

Kahit alam niyang hirap ako dahil nga first time ko lang naman lahat nang 'to, di niya ko pinapabayaan. Lahat naman napagaaralan eh. Puro pangaasar nga lang! Kaya naman in less than one month, nakabayad kami kay Aling Nilda ng kanya kanya naming utang sa renta. Ang kaso, halos  lahat ng kinita namin, pambayad utang lang. Kaya, eto. Raket ulit. Raket lang ng raket!

"CHICK ABUSE?! Ano yan 'te? Makaimbento lang? Hoy, Ivy! Okay ka lang? Nakakita ka na ba ng sisiw?! Yung totoo ha!" she asked sarcastically. Ano na naman ba?

"Oo naman!" sagot ko.

"Sure ka girl?! Eh san ka naman nakakita ng sisiw na tumitilaok?! Aber! Saan? Share mo naman at ng mapasyalan natin! Baka dyan din  ako  makakita ng butiking tumatahol! Hahahahahaha!" pangaasar na naman niya. Mukha na siyang inahin na natatae sa kakatawa eh. 'tsura.

"Sige lang! Pagtawanan  mo pa ko. Init na init na nga ako sa mascot na 'to eh. Ang bigat pa. Buti na lang nakalabas yung mukha natin kundi ikamamatay ko na siguro 'tong raket mo!"

"Hahahahaha! Eh nakakatawa ka kasi! Seryoso pa yang mukha mo! Konting tiis. Ba-boundary din tayo!" sabi naman niya. Napaka positive sa life!

"Bakit naman kasi kailangan ng sisiw na mascot sa fastfood na 'to? Pati ba sisiw, nasa menu nila? Parang tanga," bulong ko kay Des. Nasa labas kami ngayon ng fastfood trying to attract customers.

Mukhang 'di naman effective eh.

"Shhh. Baka marinig ka at masigawan na naman tayong, 'CHICKENS DONT TALLLLK!' nung may-ari!" pananakot niya.

"Kunyari pa eh ikaw nga yung nasigaw tuwing may dadaang gwapo! Malanding hen!"

"Wag ka nga! Alam mo yan 'te!"

Natigilan kami nang may biglang sumigaw sa di kalayuan. Tapos biglang nagka-commotion. Anong meron?

"MAGNANAKAAAAAW! MY PURSE!" I heard a lady screaming. Tapos nakita ko yung lalaking tumatakbo  na may hawak na shoulder bag. Malamang yun yung magnanakaw na tinutukoy nung babae. Tsaka agad naman siyang hinabol nung matangkad na lalaki  na ewan kung kasama ba siya nung babaeng nanakawan o nagmamagandang loob lang.

Fix My Unfixable Heart (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon