[14.1] Come Back and Haunt Me

62.9K 1.6K 843
                                    

Chapter 14.1: Come Back and Haunt Me**

Filler-ish.

Chapter title is a line from Coldplay’s The Scientist.

Again, kinda short and straightforward.

xxx

NOVEMBER

“Janjan.. hindi mo ba sasagutin yan?”

Janine watched as her phone chirped for the 17th time that afternoon. Kanina pa siya naiinis sa annoying ringtone niya pero pinabayaan lang niya ito. “Bayaan mo siya. I don’t care.” Bumalik na lang siya sa pagsi-sketch ng bago niyang design at nagpanggap na walang naririnig.

Napabuntung-hininga na lang si Ate Rose sa inaasal ng alaga niya. Dumalas ang pagiging irritable ni Janine after ng 18th birthday nito. Alam niya ang sa sitwasyon ng pamilya ng alaga niya ngayon, after all she’s been with them for nearly 9 years.

Ang daddy ni Janine ang tumatawag. Isang buong linggo na itong tumatawag at isang linggo na rin iniiwasan ni Janine na sagutin yon.

Nang muling nagring ang phone ni Janine, kinuha na ito ni Ate Rose at tinanggalan ng battery. Nagulat si Janine sa ginawa ng yaya niya. “Ate Rose! What the hell?” she snatched the phone from her and attached the battery back, pero hindi na niya ito binuksan.

“Ang sakit na sa ulo marinig yang ringtone mo, Janjan. Mas okay pa siguro na patayin mo na lang yang phone mo.”

Janine’s eyes narrowed. Tumigil siya sa pagdo-drawing at humiga sa sofa. “Baka kasi tumawag si Chester!”

“E di buksan mo.”

Ramdam ni Janine na inis sa kanya ang yaya niya. Kung siya rin naman ang nasa posisyon nito, malamang matagal na niyang sinabunutan ang sarili. But she’s furious. Furious at her parents. Akala niya magiging okay na after ng isang buwang hindi pagcontact sa kanya ng daddy niya. She somehow hoped na nabago na ang isip nito sa pagkuha sa kanya. So she decided to take a leap. Kumuha siya ng application para sa isang fashion school dahil gusto na niyang mag-aral (at bored na rin siya).

Kaso.. she was wrong. The minute na sabihin niya sa nanay niya ang tungkol dito, she immediately said no, you can’t. You must go to your father. Just not right now.

Doon siya nagalit.

Ano pa bang gusto nilang gawin niya? She gave up her studies for what? Waiting? Ilang beses na niyang pinilit si Chester na sabihin sa kanya ang pinag-usapan nila ng daddy niya noong debut niya kaso ang laging sagot ni Chester I can’t tell you, Ja. Mas okay kung ang daddy mo na ang magsasabi.

Hindi niya magawang magalit kay Chester, siya na nga lang ang nakakaintindi sa drama niya sa buhay. Lahat na lang ng galit niya sa mundo binunton niya sa mga magulang niya. Sila naman ang may kasalanan kung bakit nagulo ang buhay niya in the first place.

“I hate them!” she angrily spat out. Binato niya ang lapis na hawak at kinuha ang throw pillow sa tabi niya. “Bakit ba.. ayaw nila akong maging masaya? Iniwan na nga nila ako tapos.. pati ba naman pag-aaral ko? Anong klaseng mga magulang yan?”

Umupo si Ate Rose sa arm rest ng sofa. Masakit para sa kanya na makitang galit at malungkot ang dating jolly at carefree niyang alaga. Wala siyang alam sa totoong dahilan kung bakit kinukuha ni Mr. Kitagawa ang anak niya. Ayaw din niyang manghusga, alam niyang may mabigat na dahilan ang parents ni Janine kung bakit nila ginagawa ‘to.

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon