[19.1] The (Lonely) Hearts Club i

31K 774 390
                                    

Look, Ma! A TMEUAS update! 😂

Dapat pang April Fools 'to kaso wala akong internet last Saturday kaya nalate haha. Anyway, this is part 1 of 3! Chapter 19 covers Valentine's Day, and yes, lahat ng characters may ganap. Paki-abangan na lang ang parts 2 & 3 haha

Chapter title from Marina and The Diamonds' song, Lonely Hearts Club.

Enjoy and sorry for the long wait! ❤❤

***

The (Lonely) Hearts Club - Part I


"Psst."

Barbs stopped typing for a second to roll her eyes at Zade, who pouted in return. Wala siyang oras para patulan ang kahit anong nakakadiring pagpapacute ng kaibigan niya ngayon. She needed to finish this (stupid) PE1 reaction paper na due ipasa in three hours. Lakas pa ng loob niyang magcram eh wala nga siyang maalala sa pinanood nilang Filipiniana dance recital. On second thought, mas gugustuhin pa niyang patulan ang kagagahan ni Zade kesa paduguin ang utak niya sa kaiisip ng ilalaman sa paper niya. Seriously, sobrang pa-major nitong Intro to Physical Education class niya this sem.

But she has to suck it up and finish this paper. Hindi siya ipapasa ng kagagahan ni Zade.

"Psst, Barbs," pangungulit ni Zade. Kinurot pa nito ang braso niya. "May sasabihin ako sa 'yo."

Hay. She thought she could finish her paper here in Cafe Feliz. Malas niya na libre si Zade ngayong oras na 'to. Sayang lang ang perang ginastos niya sa kape kung dadaldalin lang siya ni Zade. But knowing her friend, kukulitin siya nito hanggang sa mabwisit siya.

Without looking up, Barbs replied, "Ano na naman yan?"

"May gagawin ka ba sa Thursday night? Next week?"

Thursday night next we-- oh. Valentine's Day. Yeah right. "Baka manood lang ng Fair. Tutugtog daw Parokya ni Edgar eh. Bakit?"

"Gusto mo bang sumama sa 'min ni Kesh?"

She immediately stopped typing. Who was she kidding? Three sentences pa lang ang naisusulat niya. "Huh?" Barbs said, only to find Zade smirking at her when she looked up. "Anong meron?"

"May party ang org namin sa Feb 14!" sagot ni Kesh na busy sa pag-aayos ng libro sa bookshelf ng cafe. "Tara, join us!"

Ugh, parties. 

"Ayoko."

Tumigil si Kesh sa pag-aayos at lumapit sa table nina Barbs. "Luh, ang sungit naman nito! Masaya 'yon!" she chided.

"Anti-social ako. I hate parties."

"Daming drama!"

"Oo nga, Barbs! Fun 'yong party nina Kesh promise. Safe ka sa 'min!" Zade assured.

She narrowed her eyes at the two girls. "Parang ayokong ipagkatiwala ang safety ko sa inyo. Party 'yon so for sure may alak. I don't drink!"

"May iced tea do'n. Ito naman, walang pakisama!"

"Please, Barbs? Pumayag ka na?" Nagpout pa ulit si Zade na mas kinainis niya. "Para tigilan na rin ako ni Andreau sa kakakulit niya sa 'kin--"

"Ba't nadamay ang jowa mo rito!?"

"He really wants to meet you. Pupunta rin siya do'n so please--"

Did she hear it right? Gusto siyang ma-meet ni Andreau Cortez, ang ultimate crush ng Ate Cielo niya? Bakit naman? Siguro kung anu-anong kasinungalingan ang pinagkukwento ni Zade sa boyfriend niya. "Bakit a-attend si Andreau Cortez ng isang college party?" she asked Zade, almost shouting. Nabigla siya nang nagblush lang si Zade at hindi na nakasagot.

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon