[1] Crossing Our Fingers For The Summer

148K 2.3K 710
                                    

[1] Crossing Our Fingers For The Summer

1 : Crossing Our Fingers For The Summer

MAY

"Barbs naman! Ayusin mo ang kuha, please?"

"Tse! Eh kung ikaw kaya magpicture dito? Makautos ka ha! Gobernadorcillo ka?"

Napailing na lang si Wes sa "pag-aattitude" ni Barbs. Kanina pa kasi siya nagpapakuha ng picture gamit ang dSLR niya pero di magets ni Barbs kung paano gamitin ang camera.

Inagaw ni Wes ang camera niya at nagdemo kay Barbs. "Ayusin mo kasi ang hawak! Grabe newspaper editor ka for three years pero di ka marunong magpicture?"

Mukhang hindi interesado si Barbs sa demo ni Wes. Naglaro na lang siya ng Temple Run. "May Instagram naman kasi, koya. Pinapakumplika mo pa eh!"

"Ano ka ba! Minsan lang naman kami umattend ng Santacruzan!" nagpaawa pa siya nang kaunti.

At last, bumigay din si Barbs at kinuha ang dSLR kay Wes. "Tangina dapat hindi ko tinotolerate ang vanity mo! Di healthy!"

Todo smile at pose naman si Wes. Feel na feel nito ang barong tagalog na suot niya. Escort siya ni Rocky, na Reyna de las Propetas ngayong araw.

Agad niyang inagaw kay Barbs ang camera para tignan ang shots nito. "Ayos, may pang-DP na ulit ako!" amused na amused siya sa sarili habang si Barbs ay kunwaring nasusuka.

Minutes later ay lumabas na sa dressing room ng clubhouse sina Rocky, Janine at Vivien, suot ang magagandang gown. Nag-ayos agad si Wes para alalayan ang girlfriend.

"Naks beh, Prom part two ba 'to?" sabi niya kay Rocky. Cheesy man pero hindi niya maalis ang tingin kay Rocky.

In an instant ay nagblush ang girlfriend. "You don't look so bad. Pwede na rin."

"Ang sabihin mo Rocky," extra ni Barbs, " pwede nang pang-lamay si Wes!" Siniringan siya ng lalaki. "What? Kung payat ka para kang si Rene Requestas!"

Tawang-tawa sina Rocky sa pikon na itsura ni Wes. "Sige Barbs ganyanan na ha! Pag ikaw nawala sa Diliman.. wag kang magpapasundo sakin!" nagtatampong sabi ni Wes na hindi effective kay Barbs.

"Nasan na ang maganda kong Reyna?"

Lahat sila ay napalingon sa kanan nila, at nakita sina Cyrus at Chester na parang PSG sa attire nilang barong at sunglasses. Pero hindi nagmula sa kanila ang boses na yun. Lumipat ang tingin nila sa ibaba at tumambad sa kanila ang cute na si Liam na naka-barong at sunglasses din. Little PSG ang peg nito.

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon