[12] Make Me Fall**

61.6K 1.4K 783
                                    

Chapter 12: Make Me Fall **

 

Gusto ko lang magthank you sa response sa last chapter! Hindi ko inexpect na ganun ang mangyayari haha!

Baka ito na ang pinakamaikling chapter ng TMEUAS.. ever.

Chapter title from a Nina Nesbitt’s song.

Enjoy reading!

xxx

“Saan nga ba tayo pupunta?”

That was the seventh time she asked him that question, at konti na lang itatapon na niya ang babaeng ‘to palabas ng kotse niya.

“Same answer, wait till we get there.”

Barbs snorted at his measly answer. Hindi naman siya kinakabahan sa trip ni Seth ngayon. May tiwala siya na masaya ang surprise gala nilang dalawa ngayong araw. Kaso.. dati nagbibigay ng clue si Seth sa pupuntahan o gagawin nila. Ngayon? Maghanda lang daw siya ng extra clothes at pagkain. Umalis sila ng Muntinlupa ng bandang 6am, at paalam pa ni Barbs sa mama niya? May outing sila ng college friends sa Cavite.

Pero hindi naman sa Cavite ang punta nila ni Seth. Kasi kanina pa nilang binabagtas ang kahabaan ng NLEX.

Ipinatong ni Barbs ang dalawang paa sa hood ng kotse ni Seth. “Ano ba ‘to, ang boring naman. Ayaw mong sabihin sa’kin kung saan tayo pupunta. Don’t tell me pupunta tayong Baguio?”

“Nope, not Baguio.”

“Eh saan?”

Seth glanced at her and grinned. “Basta. Ba’t hindi ka na lang matulog dyan? Ang ingay mo, baka mabangga tayo.”

“Hindi nga ako makatulog sa kakaisip kung saan mo ako dadalhin! Ano ba!”

“Not gonna fall for that, Barabas. Now shut up.”

Parang last week lang noong nag-away at nagkaayos silang dalawa. Things were unbelievably fine between them. Gumaan ang loob ni Barbs sa pagsasabi kay Seth ng nararamdaman niya, at ganun din naman ang lalaki. Level up ito sa relationship nilang dalawa. Kaso.. hindi pa rin nila pinag-uusapan ang labels. Parehas nilang hinihintay ang 18th birthday ni Barbs bago nila gawing official ang lahat.

Kung anu-ano na ang ginawa ni Barbs para madistract sa kakaisip sa plano ni Seth. Nilaro na niya halos lahat ng games sa phone niya, nagbasa ng e-book at nakinig ng music pero wala rin. Inobserbahan na lang niya si Seth, na kanina pa tahimik pero good mood. He’s up to something, she thought. Ano kaya?

“So.. umuwi na ba parents mo? Akala ko this month sila babalik?” casual na tanong ni Barbs. Wala na siyang maisip na itatanong.. at curious din siya.

Seth was slightly stunned for a moment. Sobrang unexpected na itatanong ni Barbs yun. “Uhmm.. sa November na lang daw sila uuwi. Why’d you ask?”

“Wala lang. Kasi.. kung nandito sila ngayon.. I bet hindi tayo nasa NLEX ngayon di ba? Naisip ko lang. Wala namang masama, di ba?”

Three months into their thing nang maikwento ni Seth sa kanya ang kaunting portion ng family background nito. Only child lang si Seth at parehas na doctor sa California ang parents nito.

Seryoso, anesthesiologist ang mom mo? Di ba.. nakakatakot yon?

She says it’s really scary, but I believe in her. My mom’s smart.

Eh tatay mo?

Neurosurgeon.

Yung totoo.. hindi mo ba pinupulot sa Grey’s Anatomy ‘tong mga trabaho ng magulang mo?

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon