This Might End Up A Story (Slow Update)

129K 2.5K 698
                                    

EPILOGUE

This Might End Up A Story

[If I Fall Book 2]

by shirlengtearjerky

****

Gusto niyo bang malaman ang ending ng kuwentong ito?

Fine, let me spoil it to you.

Hindi kami nagkatuluyan.

Nagulat ka ba? Akala mo doon kami papunta?

Pwes, mali kayo. Kami rin, nagkamali.

Totoo ito. Huwag niyo kaming itulad sa mga rom-com movies na kung saan palaging happily ever after ang ending. Honey, happy endings are basically sad endings that haven’t finished yet. Kung nasiyahan na kayo sa unang nabasa.. wag na kayong umasa pa. Kung puro kilig at pag-ibig na lang ang pinairal sa mundo, malamang hindi na tayo kasya dito sa Earth.

Kami ang prime example ng mga bagay na hindi meant to be. Hindi pa ba kayo nadadala sa 500 Days Of Summer? O sa mga kuwentong nagpapatunay na hindi lahat ng bagay ay deserving na magkaron ng masayang wakas?

We were never meant to happen in the first place. Eto ang problema sa mga bagay na pinipilit eh, kadalasan hindi nagtatagal.

Para saan pa ba ‘to?

Para paasahin kayo? Para pakiligin kayo sa simula tapos pag masakit na.. paiiyakin kayo?

Oo. Medyo ganun nga.

Ayaw ko namang mabitin kayo. Gusto ko pa rin ikuwento kung bakit hindi kami nagkatuluyan. Gusto kong ipamukha sa inyo na hindi lahat ng bagay ay nairaraos sa “Mahal ko naman siya eh”.

Love? Tanginang yan.

Oh ano, eto na ang pinakahihintay niyo.

Sequel ang gusto niyo, diba?

Pwes, eto na.

Ipapamukha ko sa inyo. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi lahat ng sequel ay maganda.

Bakit ba ayaw niyong maniwala?

**

Yes, ako 'to. Hi! Slow update muna ang TMEUAS :)

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon