[3] I Met A Girl Like You Once **

93.3K 1.6K 490
                                    

Chapter 3: I Met A Girl Like You Once

Mas maikli ‘to compared sa Chapter 2. Umikli ata mga updates ko? Hahaha =))

xxx

WES

Friday na agad. Ang bilis naman ng oras! Nakakaisang linggo na ako as a college student. Mga isang linggo ko na rin ‘di nakikita ang Beh ko. Sa totoo lang nag-aalala ako kay Rachel. Masyado kasi siyang pessimistic recently. Gabi-gabi na lang siya naiiyak dahil siya lang daw mag-isa dun. Ano namang magagawa ko? Alangang daanin ko na lang lagi sa charms? Parang sira lang. Kaya mamaya, since 1PM naman ang tapos ng klase ko, susunduin ko siya sa LB. Buti na lang kabisado ko na ang daan papunta dun.

Kamusta ako? Eto okay lang. Medyo hindi pa nagsisink in sa’kin na Physics major ako. Akalain mo, Physics ako? Minsan nga nagdududa ako eh, kung ba’t ako nakapasok sa Physics. Ayaw ko naman mag-assume pero sa tingin ko may kinalaman si Dad dito. Brod niya sa frat yung isa sa taga-Admissions eh. Okay lang naman sa’kin ang Physics pero.. ewan, ang lakas makapressure. Kakaunti lang kami sa bloc ng Physics. Karamihan may honors nung high school. Ang maipagyayabang ko lang ay ang pagigng varsity player, student council at ang undeniable charms ko. Hay buhay.

“Oy Cy, aga mo ata?”

Isa sa mga pinakamalaking adjustments ko ay ang pagiging roommates namin ni Cyrus. Apat na taon kaming magkasama sa Ravens pero walang-wala yun sa pagiging roommates namin. May awkward moments din, tulad ng paggising sa umaga, pag-uwi ditto sa dorm. Mga ganun. Katulad ngayong umaga, parang obligado akong tanungin siya kung bakit siya maaga ngayong umaga.

Tinignan niya ako habang nag-aayos siya ng bag. “May meeting lang ako. Diretso na rin ako sa klase after that.”

“Meeting saan?”

“Ano.. sa Maroons.”

Sabi na nga ba eh. Kahapon din late siya umuwi. Pinakilala kasi kami ni Sir Lean dun sa friend niya na assistant coach ng Maroons after ng championship. Inofferan niya kaming tatlo nina Chester na sumali kaso tumanggi ako. Acads muna ngayong college, tsaka na ang basketball. Etong si Cyrus, pinag-iisipan na. Akalain mo yun, agad-agad na?

“Naks naman!” masaya kong sabi. “Sure ka na dyan? Di ba masyadong late para ipasok ka pa?”

“Nga eh. Next season pa naman ako, pero pinapapanood na ako ng games. Ikaw ba, di na magbabago isip mo?”

Napag-usapan na namin ‘to ni Rachel. Okay lang sa kanya na sumali ako ng Maroons. Kaso kay Papa na naman ang problema. Kahit kelan talaga hindi niya trip ang pagbabasketball ko. Yun na nga lang ang stress release ko tapos eepal pa. Hay.

I shook my head in reply. “Naaah. Acads muna. Tsaka hirap pagsabayin ng Physics at Basketball! Ikaw sure akong kaya mo, imba ka naman.”

Natawa sa’kin si Cyrus. “Sira. Basta sabihin mo lang daw kay Coach if ever magbago isip mo. Alam mo naman, kailangan ng Maroons ng bagong players.”

“Hay. Bahala na. Teka nga pala.. may itatanong lang ako.” Shit, ang kapal ata ng mukha ko. May isa kasing bagay na nabobother ako. Leche.

“O?”

“Hindi ba ako mukhang Physics major?” Saglit na natigilan si Cyrus, para bang may mali sa tanong ko. “Kasi sa mga GE class ko, ang unang impression nila sa’kin, Sports Science major. Wala lang, di ko nga alam kung bakit dapat akong mabother.”

“Wala naman sa porma yan o ano. Ako nga, pinagkamalang Fine Arts na naligaw sa bloc meeting ng Mech Eng. Pakialam ba nila, trip mo yan eh. Patunayan mo na lang sa sarili mo na deserving ka sa spot mo dito.”

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon