[17.2] In My Veins

64.8K 1.5K 330
                                    

Alam kong hindi ito ang hanap niyo pero kasama talaga 'to sa storyline. A filler update, everyone.

**

Chapter 17.2: In My Veins

Christmas ang pinakapaboritong holiday ni Janine noong bata pa siya. Being the only child, nakuha niya lahat ng gusto niyang regalo. Anything you want, my princess, yan ang laging sinasabi sa kanya ng daddy niya kapag malapit na ang Pasko. Kahit anong laruan, damit, pagkain, luho.. ibibigay sa kanya. Para raw sa batang katulad niya ang Pasko, she heard her grandma say. Siya naman, sinamantala niya ang kapangyarihan na binigay sa kanya. Totoo nga, kahit anong gustuhin niya, binibigay sa kanya ng mga magulang niya. Once, nagcelebrate sila ng Pasko sa Disneyland kasi nainggit siya sa isang kaklase nung Grade 3. Magpapadaig ba si Janine Kitagawa sa iba? Hell no.

Isa rin siya sa mga batang naniwala kay Santa Claus. Taun-taon siyang nagsusulat ng Christmas wishlist at isasabit sa malaking Christmas stocking na puno ng chocolates at cookies (na nakaplastic, baka kasi langgamin). Ilang beses niyang sinubukan na hintayin na dumating si Santa sa bahay nila pero lagi siyang nakakatulog. Ang daddy na lang niya ang nag-aabot ng kung anumang iniwan ni Santa pagkagising niya. Agad naman siyang gumagawa ng thank you letter para kay Santa at sinasabit ulit sa stocking. Hindi niya alam kung nakarating ba ang mga sulat na ‘yon sa kanya o hindi.

Magical at sobrang saya ang feeling ni Janine kapag Pasko. Sinigurado ng mga magulang niya na ganoon ang tingin niya sa holiday. Tuwang-tuwa siya sa Christmas lights, kanta nang kanta ng Christmas songs, at siya ang taga-lagay ng star sa Christmas tree nila.

Bata pa kasi siya kaya masaya ang Pasko. Come the age of 10, unti-unti nang nawala ang novelty ng Pasko para sa kanya.

She was 10 years old nang malaman niyang hindi totoo si Santa Claus dahil kay Wes. Narinig niya kasi ang kwento nito tungkol sa parents niya na pinapaasa ang kapatid niyang si Anais. Sus, ang tagal ko nang ‘di naniniwala kay Santa Claus eh! mayabang na sabi ni Wes. Eh paano ba naman, niregaluhan ako ng Transformers! Ayoko nun, si Papa lang naman may gusto non! Tsaka nakita ko si Mama na naglagay ng regalo ni Anais sa Christmas tree!

Ilang beses na rin siyang nakarinig ng ganyang kwento pero ayaw niyang paniwalaan. Magsisinungaling ba sa kanya ang mga magulang niya? They would never ever do that to her. She’s their princess, at walang sinuman ang dapat magsinungaling.

Kaso.. isang gabi, nahuli niyang kinuha ng mommy niya ang Christmas letter niya para kay Santa. Janjan, ichecheck ko lang kung maayos ang sulat mo, baka hindi kasi maintindihan ni Santa, palusot ng nanay niya. Ibabalik ko rin ‘to mamaya, promise. Come on, let’s sleep na ulit!

That night ay tahimik siyang umiyak sa kama niya. Totoo nga ang sinabi ni Wes, hindi nga totoo si Santa Claus. Parents lang niya ang may pakana ng lahat. Ang daming tanong sa isip niya. Bakit kailangang magsinungaling ng mga magulang about kay Santa Claus? Di ba masama ang magsinungaling? Akala ko ba para sa’ming mga bata ang Pasko? Kailangan ba talagang magsinungaling?

The next day, tinapon niya ang Christmas stocking sa basurahan. Never na siyang nagsabit ulit ng ganon.

Hindi siya kinausap ng parents niya tungkol sa stocking. Doon na kasi nagsimula na bihira umuwi ang daddy niya dahil sa trabaho, naging busy din ang mommy niya. Wala rin siyang pakialam sa paliwanag ng parents niya. Para sa kanya, nagsinungaling sila. End of story.

Her life changed bago siya tumungtong ng high school. Mas nawalan ng meaning ang Pasko para sa kanya.

Sino ba naman ang magiging masaya sa pagcecelebrate ng Pasko nang mag-isa? Nakakatanggap pa rin siya ng mga regalo mula sa parents niya pero hindi na siya kasing saya kagaya dati. Ginawang requirement ng parents niya ang pagbibigay ng regalo. May isang taon na sa Japan siya nagcelebrate ng Pasko, ayon na rin sa terms ng divorce ng mga magulang niya. It was fun.. but Christmas would never be the same for her. Namiss niya ang Pasko noong bata pa siya. Doon kasi nakukuha niya ang kahit anong gusto niya. Pero ngayong matanda na siya? Kahit pa siguro paulanin niya ng letters si Santa sa North Pole hinding-hindi na matutupad ang hiling niya: ang mabuo pa ang pamilya.

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon