Chapter 55: C.T.V

6.6K 57 4
                                    

a/n: salamat po sa mga patuloy na nagvovote :D Naabot na po natin ang 30k READS . yey :D thanks guys! :D

''''~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

GENE'S POV

 Friday na, last day na ng midterms and then sembreak na namin, makakahinga na din ako nang maluwag luwag mula sa mga tensions sa paligid ko, nakakastress na eh,lalo na yung project na binigay samin para gawin, grabeng kalbaryo inabot ko dun, nagtiis lang naman ako sa presensya ni Cheska sa bahay nila Cliff kaya nga thankful ako at naging kagroup ko si Kirby, e dahil kung hindi, siguro, hindi na ako nakapagpigil.

Pero regarding the project, okay naman siya, naisubmit namin on time, tapos ayun nga midterms na, ang pinagtaka ko lang, masyadong madaming nangyari sa paligid ko this past few days, nabalitaan ko na lang na nag-broke up na daw ang couple na CLESKA sa di malamang dahilan, tapos eto namang si Cheska nag migrate daw sa Canada.

"Eubs, kamusta ang exam mo?" Kei asked me.

"Shoot,sisiw lang Keibs, ikaw?"

"hindi sisiw sakin Eubs, maning mani." and then he stood beside me and walked towards the cafeteria.

"Ang yabang mo Keibs, anung nakain mo? baka bagsak ka ah, malilintikan ka sakin!"

"eh. hindi. totoo naman sinasabi ko eh, I'am a MAN of SENSE Eubs, haha."

Man of sense? kelan pa?

Umupo kaming dalawa sa bakanteng table sa cafeteria, kakatapos lang ng last exam ko which is Algebra,hay grabe buti panghuli yun, muntik nang sumabog ang utak ko eh, kahit walang laman.

"Keibs, gutom na ako."

"oo nga eh, halata naman.ano ba gusto mo?"

"kahit na ano basta makakain ko, pwede?"

"sure, sige, intayin mo ako ah."

Nag-nod lang ako sa kanya tapos pumunta na siya sa counter para bumili nang mangangata naming dalawa.At dahil nabobore ako, binuksan ko ang phone ko.

>bzzzt, bzzzz, bzzz, bzzzz, bzzz,< ang dami nila, alam ko, pagbukas ko nang phone ko dumagsa ang mga messages, hala kanino naman galing to? Tanda ko, kanina ko lang umaga pinatay to eh.

I-nopen ko ang isang message, unknown number naman. Hala, may stalker ako.

FROM : 0917******

 hi Gene :D good morning!!

FROM:0917******

Oy goodluck sa exams mo :D

and then ganun lahat ang laman ng messages, mapupudpod nang wala sa oras ang daliri ko kabubura nito eh, ayaw ko namang mag-delete all baka may important message pala na talagang diko binubura sa inbox ko.

ANG ASTIG KONG GIRLFRIEND(completed)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon